CHAPTER 18

2026 Words
" Nakalimutan ko ngang sabihin sa'yo kahapon noong pumunta ka dito. Nawala sa isip ko dahil kay Ahki. " Eh, sino nga ba? " " Si Oohny. " " ANO? Si Oohny? " " Oo. Sabi niya etetext ka na lang daw niya. " Nagtataka ako sa sinabi ni Stacey, si Oohny, bumalik siya. Nawala na nga siya sa isipan ko tapos heto nanaman siya biglang magpaparamdam. Para sa akin ay MU talaga kami. Pagtatapat lang at pagiging legal na magkasintahan ang kulang sa aming dalawa. Magtitiwala ba ako sa kaniya ng subra kong ang relasyon namin ay parang wala lang. Hindi naman kasi lahat ng relasyon ay kailangan ng verbal communication. Isa pa nanggaling na ako doon wala din namang nangyari. Nandirito na ako sa puntong hindi na ako naniniwala sa mga salitang I LOVE YOU. Mas gusto ko na ngayon ang ipinaparamdam sa pamamagitan ng mga tinginan at ngitian lamang. Ganito kaming dalawa ni Oohny, nagpapakiramdaman. Alam kong tatakas nag mga kilay ng iba sa sinasabi kong eto. Pero kasi mahahalata mo naman kasi sa isang tao kong kakaiba ang mga ipinapahiwatig niya sa iyo. Iyong pakiramdam na special ka sa kaniya. Pakiramdam na parang matagal na kayong magkakilala at nagkakaintindihan. Pinatunayan naman ni Oohny iyon. Noong bigyan niya ako ng three red roses noong nakaraang Valentines Day. At may nakaipit na note na alam ko na daw ang meaning n'on. Kaya kahit bigla siyang nawala ay malakas pa din ang pakiramdam ko. Na babalik siya at magpapaliwanag sa tamang panahon at mukhang eto na nga iyon. "Sinabi ba niya sa'yo kong kaylan ba siya babalik?" "Hindi eh. Ang sabi lang niya ay etetext ka niya. Iyon lang." "Text?" Inalala ko kong may natanggap ba ako na text. Kaya kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulang mag scroll sa mga past messages sa mga walang registered name sa phone ko. Hanggang sa may nakita ako. Sinasabing malapit na daw kaming magkita muli. Hindi ko eto binigyan pansin dati pero ngayon parang malakas ang t***k ng puso ko na si Oohny nga eto. Kasi wala naman akong ibang text na natanggap na kakaiba bukod dito. Tugma naman sa sinabi ni Stacey, kaya malakas talaga ang kutob ko. Kaya naman nereplayan ko ang text na 'yon kahit super late na. Ikaw ba yan Oohny? Naghintay ako sa reply pero wala. Kaya ibinalik ko na lamang muli ang phone ko sa bulsa ng suot ko. Nang dumating ang aking mga kapatid ay si Nanay ay masaya kaming nagsalo-salo sa pagkain. Nagkuwentuhan tungkol sa trabaho ko at sa mga nangyari habang wala ako dito sa bahay. S'yempre ang kuwento ko sa kanila tungkol sa aking trabaho ay pawang mga tahi-tahing kuwento. Na kanila namang pinaniwalaan. Basta ang sinabi ko sa kanila ay mabait at Mayaman ang boss ko. Naaksidente siya at nabulag pansamantala. Pero magaling na siya ngayon.... ******** "Naipagtapat ko na sa kaniya ang nakaraan ko." Ang bungad na sabi ko kay Samuel. Bigla akong sumulpot sa kaniyang silid habang siya ay nagsisipilyo ng ngipin sa bathroom. Nakita niya ako sa repleksiyon sa salamin kaya napahinto siya sa kaniyang ginagawa at tumingin sa akin. "Anong naging reaksiyon niya? Natakot ba siya?" "Mukhang hindi naman." "Sa tingin ko nga ay sanay na siya sa mga ganitong bagay. Ang aking suliranin sa ngayon ay kong paano niya ako iibigin sa lalong madaling panahon. Sa tuwing sinasabi ko sa kaniya ang tungkol sa pagibig na dapat niyang ibigay sa akin ay tila hindi niya binibigyang ng importansiya. " Nagmadaling tinapos ni Samuel ang kaniyang pagsisipilyo at hinarap ako. " Leandro, Master. Hindi nga madaling ibigay ang pagibig. Paulit-ulit na lang din tayo. Kong gusto mong mahalin ka niya ay gumawa ka ng paraan. " " Anong paraan? " " Ligawan mo. " " Hindi ako marunong manligaw. Matagal na panahon na akong nabubuhay subalit madalas akong maglagi sa kagubatan at sa tabing dagat na nagiisa Alam mo 'yan. Hindi ako nakikisalamuha sa ibang tao maliban sa mga ninuno mo. Kayo lamang ang tanging pinagkakatiwalaan ko. " " Alam ko naman 'yon Leandro. O siya sige, tuturuan na lamang kita. " " Mas mabuti. " " Kapag manligaw ka dapat palagi kang may dalang bulaklak, regalo o pagkain. Dapat din iparamdam mo sa kaniya na gustong-gusto mo siya. Na siya lang ang bukod tanging babae na gusto mong makasama habang buhay. Dapat ganiyan. " " Hindi ko naman siya gustong makasama habang buhay. Kailangan ko lang si Maria upang mawala na ang sumpa sa akin. At hindi ko gagawin ang sinasabi mong 'yan. " Napahawak sa kaniyang ulo at napapikit ng mariin si Samuel. Tila sumasakit ang kaniyang ulo sa akin. " Tapos na kaming mag-Date ni Maria. Tapos ko na din na bigyan ng trabaho ang kaniyang kaibigan. Inalok ko na siya ng kayamanan ko. Subalit hindi pa din niya ako iniibig. Ilang Date ba ang kailangan naming gawin. Ilang kaibigan niya ang dapat kong tulungan, at hindi pa ba sapat ang mga kayamanan na handa kong ipagkaloob sa kaniya ha Samuel? Sabihin mo nga, ano pa ang kulang upang ibigin na niya ako? " " He! He! He!.. Leandro, My Master. Sa totoo lang ay sumasakit ang ulo ko saiyo. Puwede bang hayaan mo mona akong makapag-isip ng solusyon. Sa ngayon kasi ay wala akong maisip. " " Sige. Bukas aasahan ko ang kasagutan mo. " "H-Ha!? S-Sige. HE! HE! HE!" Iniwanan ko na si Samuel sa kaniyang silid. Kong paano akong mabilis na sumusulpot sa harapan niya ay ganoon din kabilis akong naglalaho. ******* "Kumusta Joy, longtime ko see ah." "Peste ka. Long time no see daw. Eh ikaw nga diyan ang hindi nagpapakita." "Eh paano nga kasi may amo na akong pinaglilingkuran ngayon. Hindi na ako ang amo ngayon kaya mas lalong hindi ko na hawak ang oras ko." "Ikaw naman para biro lang eh seneseryoso mo naman. Alam ko naman 'yon. Laking pasalamat ko nga saiyo kasi hindi mo ako nakalimutan. Ipinasok mo din ako sa trabaho. Ikaw talaga ang the best friend in the whole world." Sabay yakap ng mahigpit sa akin ni Joy. Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking kanang balikat. Na palagi niyang ginagawa kapag naglalambing siya sa akin. " Oo nga pala kumusta ang work mo? " " Ayon ok lang naman. Nakakapagod pero wala namang madaling trabaho hindi ba? Lahat pinaghihirapan lalo na kong sa malinis na paraan." "Oo naman ah." "Palagi nga akong chene-check ni Sir Samuel. Alam mo hindi lang siya Mayaman, guwapo at mabait pa. Nasa kaniya na ang lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki." "Oy Ligaya, magdahan-dahan ka. Tanghaling tapat o, tirik na tirik pa ang araw. Kong makakilig ka na diyan akala mo nakaapak na sa langit. Paalala lang ha, mahirap ang mangarap ng mataas. Patay ka kapag bumagsak ka, sige ka ikaw din." "Sus! Ikaw talaga kahit kaylan basag trip." "Eh ikaw na ang may sabi. Mayaman, guwapo at mabait. Subrang perpekto n'on, panigurado maraming mas higit pa saiyo ang mga nakapaligid sa kaniya at mga nauna pa sa'yo. Kaya hanggat maaga pigil-pigilan mo na 'yan." Ang sabi ko sa kaniya na pawang katotohanan lamang. Idagdag pa na konektado siya kay Leandro. Ang Samuel na iyon ay hindi ko pa makikilala. Kaya hindi ako nakakasegurado kong mapagkakatiwalaan ba siya Malay ko ba kong si Samuel ang koneksoyon ni Leandro sa supply ng dugo na kaniyang ikinabubuhay. Delekado si Joy, Lalo na at lihim ang tungkol kay Leandro. Kailangan kong ilayo si Joy sa kanilang dalawa. "May mga manliligaw ka naman katulad ni Aljon, matagal ka ng nililigawan noon ah, bakit hindi mo sagutin." "Si Aljon, kong siya huwag na lang." "Aba'y bakit naman? Guwapo naman siya, mabait at stable sa buhay. Kahit na medyo mataba, pero malakas pa din ang dating. Ayaw mo noon palaging karne ang ulam mo at Seguradong palaging may lechon kayo sa mesa. Hindi ba at paborito mo 'yon?" Nasabi ko iyon kasi ang pamilya ni Aljon, bukod sa may sariling slutter house o katayan ng baboy ay may tatlong puwesto ng mga karne sa palengke. Katunayan sa kanila ako kumukuha ng mga dugo at karne noon. "Oo nga mayroon, pero ayaw kong ma-high blood. Isa pa ay may nalaman ako. At talagang napaka-importante nito sa buhay nating mga babae." "Oh! At ano naman iyon?" "Eh kilala ko ang naging ex girl friend niya. Sinabi niya sa akin na nagkatikiman silang dalawa. At kaya daw siya nakipag-break kay Aljon kasi nga daw eh maliit." "Huh!? Anong maliit?" "Maliit ang kaniyang dinadala." Sabay turo sa ibaba sa pagitan ng kaniyang dalawang hita. Kaagad ko namang na-gets kong ano ang kaniyang tinutukoy. Nahampas ko sa kaniyang braso si Joy. "Buweset ka talagang babae ka! Umayos ka ha. Grabe ka kay Aljon." Nasabi ko pero natatawa ako. Nagtatawa na din siya. Kaya ayon ang lakas na ng aming tawanan. Paano ba naman kasi sa edad naming eto ay alam na alam namin na kapag mas malaki ang sandata ng isang lalaki ay mas masarap. Marami na kasi kaming naririnig at nababasa tungkol dito. Wala pa kaming karanasan ni Joy pagdating sa pakikipag-s*x. Pero kapag kami lamang na dalawa ni Joy ay mahilig kami sa mga topic na ganito. Mahilig kami sa mga green jokes. "Kaya huwag mo ng isingit ang manok mong si Aljon sa akin. Ang gusto ko ay iyong titirik ang mga mata ko. Iyong halos makalimutan ko ng huminga ano?" "Tapos todo ang pag - ah-ah-ah mo ha! ha! ha!" "Ha! HA! HA!" Ang tawanan naming dalawa dahil sa kalokohan namin. Pangalawang araw ko ngayon na namamalagi dito sa bahay namin at araw ng linggo. Day off din ni Joy kaya nagkita kami ngayon. Kong saan-saan napunta ang aming pagkukuwentuhan ni Joy hanggang sa narinig namin ang malakas na sigawan sa labas. Kaya Dali-Dali kaming lumabas ni Joy upang tingnan ang nangyayari sa labas ng bahay namin. Nagkakagulo sa may malapit sa entrance gate ng pabrika. Dahil isa din kaming tsismosa ni Joy ay nagtanong kami sa taong galing doon. "Kuya Oscar, Anong mayroon d'on? At bakit nagkakagulo?" "May nagrambulan at Isa si Rambo sa mga nadamay. Nasaksak siya." "ANO!?" Sabay naming Sabi ni Joy. Hindi kami makapaniwala. Dahil nga sa kakilala namin si Rambo na anak ni Ate Loring, ang Kumare ni Nanay. Na siya ding katuwang namin sa pagaalaga sa kaniya ay napatakbo kami doon. Kapuwa kaming nagaalala para kay Rambo. Dahil si Rambo ay hindi na iba sa aming pamilya. Kinakapatid namin siya. Napapalibutan si Rambo ng mga usyoserong mga tao sa paligid. Pero ang iba naman ay tumawag na ng Ambulansiya. Ang iba naman ay abala sa pagvivideo. Hawak-hawak ni Rambo ang duguan niyang tagiliran. Sa itsura niya ay nanghihina na siya dahil sa dami ng dugong lumalabas sa kaniyang tagiliran. Nakahiga siya sa lupa at walang nagtatangkang siya ay buhatin. Napatingin ako sa dalawa pang biktima ng saksakan sa hindi kalayuan kay Rambo. Ang tatlong nasaksak ay pawang mga trabahador dito sa pabrika at Kaka-out lamang nila. Mukhang sinadyang tambangan sila ng mga salarin. Biglang dumating si Ate Loring, at nang makita ang anak sa ganitong sitwasyon ay halos himatayin siya. 'RAMBO! Anak anong ginawa nila sa' yo? Hu! Hu! Hu! " Nilapitan at hindi Malaman ni Ate Loreng kong hahawakan ba niya si Rambo o hindi. Lalo na at nakikita niya ang maraming dugo nito. " Mukhang hindi na yata aabot si Rambo sa Hospital. Mukhang sa tatlo, siya ang may matinding tama." Sabi ng isang lalaking nakatingin din kay Rambo. Narinig eto ni Ate Loring, kaya lalong humagulhol siya. Bigla akong natakot para sa buhay ni Rambo. Lalo na at nakikita kong malapit na siyang mawalan ng malay kong iyon nga ang mangyayari. Eh paano kong tuluyan na talaga etong malagutan ng hininga. Napatingin ako sa kaawa-awang si Ate Loreng. Mabait na tao, silang dalawa ng kaniyang anak. Sila lang din na dalawa ang magkasama dahil isang disgrasyada si Ate Loreng. Alam kong mahal na mahal ni Ate Loreng ang nagiisa niyang anak na si Rambo. Hindi niya kakayanin kapag namatay eto. Kaya hindi ko din mapigilang gawin ang isang desesyon na alam kong paraan upang hindi sunduin ni kamatayan si Rambo....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD