CHAPTER 19

1953 Words
Ramdam ko ang masidhing takot ni Ate Loring para sa anak niyang si Rambo. Nanginginig siya at ang kaniyang mga mata ay nasasalamin ang pagkalito. "Bakit nagkarambulan pare?" "Iyong mga siga dito at sa kabilang distrito naghabulan. Tiyempong dito sila nagkasagupaan ayon na damay ang mga kakalabas lamang sa loob ng pabrika." "Kawawa naman ang mga nadamay. Halos lahat sila ay may tama. Pero ang isang eto malamang hindi na 'to aabot pa sa Hospital. Masama ang tama, sumisirit ang dugo." Dinig kong usapan ng mga usyosero sa aking likuran. Mas laong dumadami pa ang mga tao na gustong makiusyoso. "Ang Ambulansiya parating na tumabi na kayo diyan." Sigaw ng mga tao sa paligid. Hindi ko na talaga kayang tumayo lang dito at pagmasdan silang mag-Ina. Kaya kahit masakit ay kinagat ko ang aking daliri, sapat lang upang may lumabas na dugo na kakailanganin ko bago ako lumapit kay Rambo. Pasimple akong lumapit sa mag-Ina at sinimulan ang pang best actress kong akting. "RAMBO! Kapatid ko lumaban ka! Hu! Hu! Hu!.... Huwag kang bibitaw, lumaban ka Hu! Hu! Hu!" Sabay yakap sa kaniya at senegurado kong matatakpan ng aking katawan ang ginagawa ko. Isinubo ko sa kaniyang bibig ang sugatan kong daliri. Pinisil ko upang lalong lumabas ang dugo ko. Kailangan kong seguraduhin na makakapunta sa kaniyang katawan ang aking dugo. Talagang kinabahan ako sa pagkakataong eto. Hindi ako Segurado kong sasapat ang isa o dalawang patak lamang ng dugo ko sa sitwasyon ngayon ni Rambo. Nagaagaw buhay at napakaraming dugo na ang nawala sa kaniya. Sa tantiya ko ay maraming dugo ang kailangan kong maibigay sa kaniya. Higit sa isa o dalawang patak. At nang sa tingin ko ay sapat na ay kumalas na ako sa pagyakap sa katawan ni Rambo. "Hu! Hu! Hu! Rambo, kumapit ka. Nariyan na ang Ambulansiya. Isipin mo si Ate Rosing ang Nanay mo. Huwag mo siyang Iiwan Hu! Hu! Hu!" Wala akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa amin. Hindi ko din pansin kong ano ang naging itsura ko sa ginagawa kong eto. Dahil ang nasa isipan ko ay kailangan kong iligtas sa tiyak na kamatayan ang aking kinakapatid na si Rambo. Mabilis na naisugod sa Hospital si Rambo at ang dalawa pang mga biktima. Sumama ako sa Hospital dahil inalalayan ko si Ate Loring. Alam kong kailangan niya ngayon ng karamay. Kasalukuyang nasa emergency room si Rambo. At maya-maya lamang ay lumabas ang doktor. "Kayo po ba ang pamilya ni Rambo Lopez?" Tanong ng doktor. "Opo dok. Kumusta na po ang anak ko? Tanong na labis ang pagaalala ng isang Ina para sa kaniyang anak ni Ate Loring. " Ligtas na po siya. Wala kayong dapat na ipagalala. Kami nga ho etong nagtataka. " Nagtaka ako sa sinabing eto ng doktor. Bigla akong kinabahan. " B-Bakit po dok? Anong nangyari sa anak ko? " " Gaya nga ng sinabi ko ay wala kayong dapat na ikatakot na. 100% ay ligtas na ang anak ninyo na parang walang nangyaring masama sa kaniya. Isa etong himala sa larangan ng sensiya. " Ako ay tahimik lamang na nakikinig at salitan ang mga tingin ko sa doktor at kay Ate Loring. " A-Ano po ba ang ibig ninyong sabihin dok?" "Kasi, base sa sugat nang pasyente na kaniyang natamo ay malubha. Pero nang amin na siyang ginagamot ay parang walang nangyari sa kaniya. Normal ang lahat sa kaniya. Parang may himalang nangyari. At ang sugat niya ay biglang nawala, naghilom. Lahat kami sa loob ay talagang nagulat. " "A-Ano po?" Tanong na naguguluhan si Ate Loring. Makikita din sa mukha at ekpresyon ng doktor ang pagkamangha hanggang ngayon. "Sige ho at babalik na ako sa loob." Paalam ng doktor na ang nasa isip ay ang himalang nasaksihan sa pasyente sa loob ng emergency room. Pati mga nurse na galing doon at nakasaksi sa pangyayari ay naguusap pa tungkol d'on. At dinig na dinig ko ang kanilang mga usapan. Nagpaalam ako kay Ate Loring na uuwi na mona at babalik na lang ako bukas. Habang paalis sa lugar ng emergency room ay narinig ko na, ang isang biktima na isinugod din dito ay hindi na nakaligtas sa kamatayan. Nakita ko din ang asawa ng biktima na halos himatayin sa nangyari. Nasabi niyang, paano na sila ngayon ng kanilang dalawang maliliit na mga anak. Bigla akong natutulala sa babaeng umiiyak. Napahinto ako sa aking paglalakad. Lalo na ng malaman kong may dalawang maliliit na anak sila. Bigla akong na-konsensiya. Naisip ko na, kong tinulungan ko din siya ay malamang ay buhay pa siya. At hindi mawawalan ng padre de pamilya ang kaniyang naiwang pamilya. Dala ko hanggang sa bahay namin ang lahat ng mga nasaksihan at nalaman kong pangyayari. Kinakain ako ng aking konsensiya pagkatapos ng pangyayaring iyon. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. "Kasalanan ko ba?" Madalas kong itanong. Dahil paulit-ulit na sumusulpot sa aking isipan ang bagay na eto. Parang bigla akong natakot na lumabas at may makakita sa akin na ibang tao. Lalo na ng malaman kong laman na ng social media ang tungkol dito. Isa daw bang Himala o kababalaghan. Sino daw ang may gawa noon? Ang takot na naramdaman ko noong panahon na kamuntikan na akong gahasain ni Mang Ruben ay muli kong naramdaman. Pakiramdam ko ay may nakaalam sa aking ginawa at ngayon ay nakaabang na sila sa akin. "Ate Maria, bakit nagkukulong ka dito sa kuwarto? Parehas na kayo ni Nanay ah palaging nakahiga. Huwag mong sabihin buntis ka, he! he! he!" Sabi sa akin ni Stacey na nakuha pang magbiro. "Buntis ka diyan!" Angal ko. Sa dinami-dami ng maaring sabihin ay pagbubuntis pa talaga ang napili. Paano naman ako magbubuntis nito eh, wala nga akong boyfriend. Walang kinakatagpong lalaki at walang nanliligaw. Loko din etong kapatid ko eh. "A-Ano kasi ma-masama ang pakiramdam ko. Masakit tiyan ko." Pagsisinungaling ko na lang. "Ah ganoon ba. Okay, pero kumain ka na Ate. Hindi ka na nga nag-almusal at nananghalian kanina eh." "Sige lalabas na ako. Kami pala ni Nanay." "Hayaan mo na mona dito si Nanay ng makapagpahinga. Tapos na siyang kumain at Kakauwi lang ni Nanay galing sa pamamasyal hindi ba?" "Ay oo nga pala. Sory nakalimutan ko" "Ate Maria, Lutang ka ba? Baka nagaadik ka na diyan ha." "Anong nagaadik na namang pinagsasabi mo? Kanina buntis, ngayon naman nag-aadik. Isa pa talaga Stacey, kakagatin kita sa leeg." "Oh kitam. Ngayon Bampira ka naman. He! He! He!" Patuloy niyang pangaasar sa akin. "Isa pa talaga Stacey ha." Seryoso ko na siyang tinitigan. "Ikaw naman, parang pinapatawa lang naman kita diyan. Hindi kasi ako sanay na ganiyan ka Ate Maria. Bakas sa mukha ni Star ang pagaalala sa akin. Kasalanan ko naman din kasi. Ipinasyal nga pala ni Stacey si Nanay sa Mall kanina at kakauwi lang din nila. At kapag ganitong oras nga Pala, alas kuwatro ng hapon ay nagpapahinga si Nanay dito sa kuwarto namin. Dito lang siya nakahiga. "Masama nga kasi ang pakiramdam ko." Palusot ko. "Kong gusto mong gumaling ay kumain ka na. Malagyan lang ng kahit ano yang sikmura mo. Kumain ka na mona Ate Maria, para makainom ka ng gamot ah." "Opo, masusunod na po. Babangon na po ako at kakain." Wala na akong magawa kong hindi ang bumangon. Si Nanay ay nakatingin lang sa aming dalawa. Baka naiingayan na sa amin hindi lang makapagsalita. Kagabi ay muli ko nanamang sinubukan na painumin siya ng aking dugo. Pero katulad pa din ng dati ay walang epekto sa kaniya. Tinapunan ko ng tingin si Nanay bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Sumakit ang puso ko. Napakasakit kasi alam kong may kakayahan naman akong magpagaling ngunit bakit sa kaniya na aking Ina ay hindi ko magawa. "Nasaan si Stacey?" "Nandoon sa kuwarto ginagawa na niya 'Yong project niya na binili sa Mall kanina." "Okay. Eh si Ahki, nakauwi na ba?" "Hindi pa. Mamaya pa' yon. Gagabihin daw siya ngayon at may basketball practice daw sila ng kaniyang team." "Okay." "Ano ate, ipagsasandok ba kita o ikaw na?" "Ako na lang." "Okay, sinabi ko eh." Iniwanan na ako ni Star at pumunta sa aming sala at binuksan ang TV. Nagbungkal ako sa mga kaldero at nakita kong may pakbet na gulay at pritong tilapia. Paborito ko eto pero wala talaga akong ganang kumain. Matamlay ang aking pakiramdam at Matabang ang aking panlasa. Pero kailangan kong kumain. Hindi ko puwedeng pabayaan ang aking sarili. Subalit habang nagsasandok ako ng pagkain ay biglang may nagdoorbell sa aming gate sa labas. Mabilis na pinuntahan ni Star at tiningnan kong sino ang tao sa labas ng aming bahay. Nakapagsandok na ako at kasalukuyang kumakain. Dumating si Star at may kasamang dalawa. Isang babae at isang lalaki. "Ate mga reporter daw sila." "Ope ate, mga legit reporter po kami heto po nag maging ID." Sabi ng babae. "Reporter, Bakit po kayo nandirito?" "Ahm, kasi may itatanong lang sana kami sa iyo. About doon kay Rambo. Nakita ka kasi namin sa isang video naroon ka. Ikaw at si Nanay Loring ang nasa tabi ni Rambo." "Opo, at hindi ko naman itinatanggi iyon. Bakit po ba?" "Ano kasi Miss, baka kasi masagot mo ang kababalaghan na nangyri kay Rambo. Kaya kami naririto." Wika ng lalaking reporter. "Sory....Alam ko na ang sinadya ninyo sa akin. Pero wala akong alam. Anong tingin ninyo sa akin magician? Kong may kakayahan akong maghimala eh 'di sana, sariling Nanay ko ay napagaling ko na hindi ba? Ilang taon ng tulala ang Nanay ko hanggang ngayon. K-Kaya imposible yang iniisip ninyo sa akin. " Natameme ang dalawang reporter at nagkatinginan silang dalawa. " Seguro naman ay nakapag tanong-tanong na kayo sa iba tungkol sa akin. Kaya alam nyo na ang Nanay namin ay may sakit. Gusto nyo pa ba siyang makita? Para mapatunayan ninyo. " Hindi ko mapigilan ang damdamin ko. Nagagalit na ako. At kailangan ko etong gawin upang tigilan nila ako. " H-hindi na Ate. Sory! Sige aalis na kami. Salamat sa abala." Sabi ng babaeng reporter at senensyasan ang kaniyang kasama upang umalis na. " Mapilit sila ate Maria, Kaya pinapasok ko na. Alam ko naman kasi na wala naman silang mapapala sa atin. Parang tanga lang kasi eh, kumakalat ang balita ng may kinalaman ka daw. Parang mga baliw lang eh, kong ano-ano ang tinatahing kuwento may mapag-usapan lang. " " Hayaan mo na sila Star. Wala naman silang mapapatunayan sa akin. " " Kaya nga. Kong totoong ikaw ang nagpagaling kay Rambo eh 'di sana si Nanay din ay matagal ng gumaling. Tssk! Ewan ko ba sa kanila hindi nagiisip. " " Oo nga, mga siraulong tsismosa sila. " Panggagatong ko pa. " Pero Ate Maria, naisip mo ba? " " Ang ano? " " Na kong sakaling totoo nga, kong sakali lang ha....madali tayong yayaman kong talagang may power ka. Biruin mo 'yon, sa dami ng may mga sakit ngayon hindi lang dito sa Pilipinas segurado Ate yayaman na tayo. Tapos ang Ate namin mababalita around the world, sisikat ka at sasambahin ng maraming tao. Syempre kami naman na mga kapatid mo proud na proud. Kong si Nanay ay magaling na din seguradong proud din iyon sa 'yo. " " Ewan ko sa' yo Star. Diyan ka na nga baka kong saan-saan pa makarating ang pagdedelulu mo diyan. " Sa pagkakataong eto ako ay kinakabahan. Iba eto kesa sa dati. Dahil ngayon ay maraming tao na ang naghihinala ng tungkol sa pagpapagaling ko. Alam kong maraming mga mata ang nakabantay na ngayon sa akin. Subalit umaasa akong mawawala din ang haka-haka na pa-tungkol sa akin hanggat wala silang mapapatunayan. Sabi nga eh, to see is to believe. Pero may kasabihan din na walang lihim ang hindi nabubunyag. At dito ako natatakot. Magdodoble ingat na lamang ako simula ngayon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD