AS soon as Gerard honked his car as they parked in front of their home, nakita nilang excited na tumakbo papalabas ng entrance ang kanilang mga anak. "Mommy!" Tili ng mga babaeng anak, habang ang nag-iisang lalaki nilang anak ay yumakap naman sa may balakang ni Shayla. "Anak, dalawang araw pa lang akong nawala, pero pansin ko, parang tumatangkad ka na ha! At mas lalo kang gumagwapo!" Malambing na hinalikan ni Shayla sa pisngi ang bunsong lalaking anak, at isa isa namang binalingan ang tatlong babaeng anak. "I look like Daddy!" Proud na sabi ni Drew, at nakipag-fist bump pa sa kanya. Napatawa siya sa kanyang anak, habang si Shayla naman ay napa-crossarms. "Paano naman si Mommy? Hindi ka ba kamukha ni Mommy?" hirit ni Shayla na kunwari ay malungkot. "You look like Ate Bree, Ate Gwen, an

