"HON, let me introduce to you Katniss." Aniya sa asawa habang pinalupot niya ang kanyang kamay sa may baywang nito. "Katniss, this is my wife, Shayla." Pag-introduce pa niya kay Shayla, bago inilahad ni Katniss ang kamay.
"Hello Ma'am Shayla." Nakangiting sabi ni Katniss habang naghihintay na ilahad din ni Shayla ang kamay nito.
Nahihiya man, inilahad ni Shayla ang kamay at nakipag-shake hands kay Katniss.
"Hi, Katniss. Shayla na lang ang itawag mo sa akin. Kamusta?" Shayla initiated, which he was so thankful for. He appreciated Shayla's gesture to be friendly to his campaign manager.
"Oh, I'm good. Gerard also said the same to me earlier- that I call him Ardy." Ngiti ni Katniss. "Well, Ardy hired me to be campaign manager, and EA in contractual basis to manage his life for him while the campaign is happening. After that, we'll see what we can explore next. Right, Ardy?" Confident na sabi ni Katniss kay Shayla. "By the way," baling nito kay Gerard. "I brought a photographer and makeup artist. I hope you don't mind me that I took the initiative to coordinate that, too, for a mini-photo shoot to start your twitter, i********:, and f*******: accounts."
He got lost with Katniss' earlier statement about 'what we can explore next'. Una niyang naisip si Shayla dahil baka kung ano naman ang isipin ng asawa. At, nagulat din siya sa desisyon nito na mag-photoshoot.
Napatingin sa kanya si Shayla na may pagtataka.
"Uhm, sa hospital ang photo shoot?" nalito niyang tanong kay Katniss.
"Yes. We will post this in all your accounts to give the potential voters a preview to the life of the son of the head of the state. We will give them a glimpse of how you are as a husband, as a father, a family man, and post updates on the progress of all your community work, including the Ponce Group of Companies' corporate responsibility events." Katniss enthused. "So, let's start." She clapped her hands and gave a sign to one of the body guards to open the door, and let the photographer to set up, while the makeup artist prepped both he and Shayla up for the photo shoot.
"K-kailangan ba talaga ng ganito?" bulong ni Shayla, bago ito inalalayan ng makeup assistant na maupo sa harap ng sinet up na mirror at makeup table.
He scratched his nose, while he was thinking. His hand automatically intertwining with his wife. "I guess," he said as it made sense to him that Katniss' plan was brilliant.
He agreed that he should probably show a glimpse of who he is to the people as part of the campaign strategies.
"I'll leave you for a sec, hon." He said and kissed his wife on the lips before he spoke again. "I'll just go see what Katniss plans to post in i********:, Twitter, and f*******: about us. I will just clear with her about the security and privacy of our family."
"Okay," maikling sabi ni Shayla dahil bahagya na itong pinapatingala ng makeup artist. Pinahiran ng makeup artist ng powder ang leeg ni Shayla gamit ang sponge para pantay ang powder sa mukha at leeg nito.
Siya naman ay nilapitan si Katniss na busy na ngayon makipag-usap sa assistant nito upang sa mga susunod pang mga plano. Para namang alam na ni Katniss ang kanyang sasabihin kaya ngumiti ito at sinalubong siya.
"Don't worry, Ardy. We will limit out posts to protect the family. No posting of photos where it will give clues as to your private locations." She assured.
Tumango tango na lang siya habang nag-iisip, at ngumiti kay Katniss. "Okay," kibit balikat niya.
"Oh, you are really a charmer, sweetie." Katniss beamed at him. He wasn't sure how to react to her compliment, but he just smiled at nodded his head. "And you're shy too. So cute." Nakatitig pa rin sa kanya si Katniss.
Napalingon siya sa asawa niya, dahil nakaramdam siya ng bahagyang pangfi-flirt ni Katniss sa kanya. Si Shayla naman ay nakatalikod kaya sa tingin niya ay wala siyang dapat ikabahal. Ang tangi lamang niyang dapat gawin ay umiwas sa mga ganitong sitwasyon. And that's exactly what he was going to do.
"I'll just go see Shayla." He smiled at Katniss, and left.
He sat beside Shayla and looked at her in the mirror. "Ganda mo ah," bulong niya sa asawa.
Si Shayla naman ay hindi makapag-salita dahil kasalukuhan siyang nilalagyan ng lipstick, kaya bahagya na lang siyang pinalo nito sa may hita.
"Parang kulang yung mascarra, hon," aniya at nakaisip na kulitin ang asawa. Tumingin siya ng iba't ibang mascarra sa makeup table. Binasa niya ang nakasulat sa isa sa mga ito, at tumingin sa makeup artist. "May I help you?" tanong niya sa makeup artist.
"Marunong po ba kayong gumamit niyan, Sir Ardy?" natatawang tanong ng makeup artist.
"Oo, marunong ako." Confident pa niyang sabi.
"Kailan pa?" Tanong naman ni Shayla na nag-aalala na paglalaruan niya ang mascarra ng makeup artist. "Naku, hon, baka masira mo pa yung makeup ni Karla." Tanggi pa ng asawa at parang patayo na ng upuan.
HInarangan niya ang asawa na makaalis sa upuan, and hovered around her. "Hon, do you trust me?" pilyo niyang tanong.
"Hon naman eh!" Pakiusap ni Shayla sa kanya. "Pag nasira ang makeup na ginawa sa akin, aayusin pa ni Karla 'to. Mas matatagalan tayo. Uwing uwi na ako." Ani Shayla na umiiwas sa paglapit niya habang nasa tapat siya nito.
"Honey kong goddess, pagbigyan mo na ako." Lambing niya sa asawa at sumimangot.
"Hay! O sige na nga!" Sabi ni Shayla at nag-relax na sa upuan.
He opened the mascarra cover and gently put it on his beautiful wife's eye lashes.
"Honey...." Natatakot na sabi ni Shayla pero hindi naman ito makakibo dahil sa nilalagyan niya ng eyelashes ang mata nito.
"Shhh... I'm concentrating." Nakangiti niyang sabi habang naka-pokus sa mahabang pilik mata ng asawa.
At nang makaramdam siya ng pangangawit ay ibinuka pa niya ang kanyang mga hita, at bahagyang umupo sa kandungan ni Shayla.
Natawa naman si Shayla at makeup artist sa ginawa niya.
"Ang panganay kong baby." Hirit ni Shayla sa kanya. Siya man ay natawa, at tumayo na sa lap ni Shayla, saka sinara ang mascarra.
Tumayo na rin si Shayla, at siya ang pina-upo dahil siya na ang next na lalagyan ng kaunting powder para hindi daw oily ang kanyang mukha. Siya naman ay nikapagholding hands sa asawa niya.
"Lagyan mo ako ng kaunting lipgloss, hon." Sabi niya kay Shala habang inaayos ng makeup artist ang buhok niya.
"Lip balm lang, hon." Natatawang sabi ni Shayla.
"Okay. Dali na, hon. Lagyan mo na ako, tapos kiss mo ko para mapula labi ko." Aniya.
Natawa naman si Shayla sa kanya. "Kakahiya ka minsan, hon." Sabi ni Shayla.
"Nilagyan nga kitang mascarra kanina eh, tapos ako di mo ako lalagyan ng lip balm?" pabiro niyang tampo.
"O sige na nga!" Natatawang sabi ni Shayla saka tumayo sa upuan at yumuko upang lagyan siya ng kaunting lip balm. Pero bago pa siya malagyan ni Shayla ng lip balm ay bahagya niyang hinila si Shayla papunta sa kanya upang kumandong.
"Dito ka sa lap ko, honey." Sabi niya at sumunod naman si Shayla. Pinulupot niya ang mga kamay sa baywang ng asawa na naka-sideview sa kandungan niya habang nilalagyan siya ng lip balm. Tinitigan naman niya ang mukha ng magandang asawa na nakangiti ngayon at mukhang nag-eenjoy sa paglagay ng lip balm sa bibig niya.
"Love you," mahina niyang sabi kay Shayla. Natamaan tuloy ni Shayla ang ngipin niya ng lip balm.
"Wag ka kasing malikot," natatawang sabi ni Shayla at tinanggal ng tissue ang lip balm sa ngipin niya.
"Love you ko?" lambing niya dito.
"Love you." Bulong naman ni Shayla sa tenga niya at niyakap niya ito.
"Excuse me, Ardy... Shayla..." si Katniss. Ngumiti lamang ito nang lumingon na siya dito. "Let's start the shoot?"
"Okay." Nginitian din niya si Katniss at tumayo na sila ng nahihiya niyang asawa.
Pina-upo sila ni Katniss sa hospital bed na may maraming balloons na nasa ceiling na ngayon ng kuwarto. Pinahawak kay Shayla ni Katniss ang flowers na ibinigay niya kay Shayla, at nagsimula ang photo shoot. Ilang photos lamang naman ang kinuha sa kanila, bago sinabi ni Katniss na ipakita sa kanila ang photos nila. Pinapili sila ni Katniss kung ano ang gusto nilang picture at caption.
Caption for their photo: Gerard Ponce bringing home his lovely wife, Shayla. He is thankful to God that his wife and baby aresafe from threatened miscarriage.
Caption for Gerard's solo: Excited Daddy.
NATAPOS ang photoshoot at pinauna na niyang umalis sina Gerard at Shayla. May hinanda kasing surpresa si Gerard para asawa nitong si Shayla.
Habang nag-iimpake naman ang photo shoot crew, siya naman ay pumasok sandali sa bedroom ng suite, dahil nagriring ang kanyang fon.
"What was taking you so long?" tanong ni Angela sa kanya.
"Sorry," pang-asar na sagot niya sa kanyang best friend. "I had to go inside the room pa so no one will hear." Paliwanag ni Katniss sa kausap.
"Okay," malumanay na sabi ni Angela. "So, how did it go?" excited nitong tanong.
"It was okay. Our plan is going well. I'm already getting our plans laid out."
"Yes, and that is to keep Gerard busy. Keep him so busy that he has no time for the family. And, make Shayla work for the company. Give the company a lot of problems, that she would have to face. Make them pressured in life, that Gerard and Shayla would have so much pressure. Make Gerard succeed, and Shayla an ultimate failure. Then, that's when I'd come in to be the heroine in Gerard's life." Sabi ni Angela.
"Okay..." malamyang sagot ni Katniss.
"Teka lang!" Ani Angela. "Why do I feel like you're starting to like Gerard?" inis nitong tanong.
"What's not to like about him, in the first place?" tanong ni Katniss.
"Hello? Aagawan mo ba ako?"
Saglit na natahimik si Katniss.
"Oh my gosh! I cant believe you! This is the one favor I ask of you, inspite of all the help I did for you when you had no place to go in the US at nagti -TNT ka!" Bulyaw ni Angela.
"Fine..." sagot ni Katniss. "I don't have plans na agawan ka, girl. I... I just admire him. That's all." Anito.
"Good. So go forth with the plan, and stick to it." Asar na sagot ni Angela, bago nito inend ang call.