DALAWANG ARAW na namalagi si Shayla sa ospital, at si Gerard ang may kagustuhan non. Gusto nitong makasigurado na maayos na ang kanyang kondisyon at pagbubuntis. Dalawang araw tuloy niyang hindi nakasama ang mga anak dahil may klase ang mga ito.
Kaya naman hindi siya mapakali ngayon. Ang usapan nila ni Gerard ay susunduin siya nito sa hospital ng 10:30am, in time for her check out, pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang kanyang asawa.
Kung mayroon nga lamang siyang dalang cash at mobile phone ay kanina pa niya ito tinawagan upang magpaalala na sunduin siya nito. Baka kasi sa dami ng ginagawa nito ay nakalimutan na siya ng asawa.
Naisip tuloy niya ang kanyang financial situation. Oo nga't may minana siya sa kanyang ama at ina, pero kung tutuusin, naka-asa lamang siya sa Uncle niya at mga pinsan upang palaguin ang naiwang pera sa kanya ng mga magulang. Naka-asa rin lamang siya sa asawa. Kung wala ang mga ito, babalik pa rin siya sa dati. Walang pera. Walang ipon. Wala kahit ano, maliban na ngalang kung maghahati sila ni Gerard sa pera nito kapag dinivorce siya ng asawa.
Divorce? Iiwan na ako ng asawa ko... dahil wala naman talaga akong pakinabang para sa kanya? O dahil ba sa ibang babae?She felt pain at the thought of it, and immediately stopped her negative thoughts.
"Hindi ganuon ang asawa mo!" She reminded herself. "Stop being negative." Sita pa niya.
She was bothered by her own way of thinking nowadays. Tila ba nagiging negatibo siya. Naalala na naman tuloy niya ang pangyayari kamakailan kung saan inaway niya si Gerard at nasampal niya ito.
"Lord, sorry!" Nakagat niya ang labi niya habang nakatingala sa taas. "Hindi ko naman talaga gusto na sampalin ang asawa ko... nabigla lang ako sa galit ko. Pero... alam ko naman na dapat maging submissive ako sa kanya eh... at alam ko naman na dapat naniniwala ako sa sinasabi niya. Pero Lord... di ko mapigilan. Hindi ko na rin maintindihan kung bakit napaka-negative ko. Is it because of hormones, Lord? Dahil ba sa buntis ako? O dahil ba ito sa sobrang exhaustion ko sa dami ng dinadala ko ngayon?"
Napahilamos ng mukha si Shayla. She was not like this in the past. Pero kung tutuusin, malayong malayo naman na talaga ang pagkatao niya noon kung ikukumpara ngayon. At narealize lamang niya ngayon na ang tao pala ay nagbabago base sa kung ano ang sitwasyon. Kung baga, nage-evolve ang tao. Naga-adapt sa changes.
Napakasuwerte na nga lamang niya dahil tapos na ang malagim na kabanata ng buhay niya nang mawala ang kanyang step father. Napakahirap ng pinagdaanan niya noon. At malaki ang pagpapasalamat niya kay Gerard dahil ito ang naging daan para umayos ang kanyang buhay.
Kung tutuusin, wala na nga siyang dapat pang ipag-aalala, dahil alam niya sa kaibuturan ng kanyang puso na mahal na mahal siya ng asawa. Ngunit, ewan ba niya kung bakit may kaba pa rin siyang nararamdaman. Yung pakiramdam na parang dapat siyang mag-ingat dahil maaring mawala sa kanya si Gerard.
At dahil doon ay napatakip siya sa kanyang mukha na parang batang takot na takot. Isipin pa lang niya na mawala sa kanya ang asawa ay para na siyang kinakapos ng hininga, at parang guguho ang mundo niya. Si Gerard ang parang life support niya.
Batid niya kung bakit ganito na lamang ang pakiramdam niya. Aminado kasi siya na she built her world around Gerard. Si Gerard ang mundo niya. Si Gerard ang buhay niya. At kahit pa siguro pipilitin niyang mabuhay para sa mga anak, hindi na siya kumpleto.
Pero naisip din niya, diba dapat ikaw ang kukumpleto sa sarili mo? Hindi ba dapat hindi magdidepende sa ibang tao kung magsusurvive ka sa kahit ano pa mang problemang susuungin mo? Sabi nga ng kanyang kaibigan na si Rainbow, "Long gone is the age-old myth that we are one piece of a puzzle and, in order to find true happiness, we need to find or create the other piece."
At sa tanong niyang ito sa sarili ay alam na kaagad niya ang sagot. It is a simple fact that the only person that can complete her is herself.
But it feels so right to be with him. And she knew he felt the same way. Hindi nga lang niya mapagtanto kung finafabricate lang ba niya iyon sa isip niya o totoo, pero ito ang ang reality niya. Ito ang nakikita niya sa asawa niya, kaya narealize niyang hindi siya dapat napa-praning ng ganito.
"Pero bakit nga ako nagkakaganito?" napailing siya sa sarili. "Nababaliw na yata ako!" Napahilamos siya ng mukha at saka kinagat ang kuko sa daliri.
She felt anxious. She felt sad and scared. There was a gaping hole inside her, and she knew deep down that it was not Gerard's role to fill it. It should be herself. But the question is... how? How is she going to fill that void that was making her feel anxious, negative, and perhaps insecure?
"It must be the hormones." She heard the familiar voice that cut her thoughts.
Napatingin siya sa mga lobo na may iba't ibang kulay na halos nakatakip na sa taong nagsalita.
That familiar comforting voice that calms her mind... ang boses ni Gerard. At kahit pa nadisorient siya sa dami ng balloons, napangiti na siya.
"Sinong may birthday?" nahihiya niyang tanong habang marahang hinawi ang mga balloons, upang masilayan ang asawa. Pero nang masilayan na niya ang asawa na iniwas na ang balloons sa pagitan nilang dalawa gamit ang isang kamay, inilahad naman nito ang isa na may hawak na bouquet ng flowers. "Thank you..." she felt herself turn Pink with the unexpected gift. Inamoy niya ito, bago humirit. "Pero late ka pa rin..." mahina niyang hirit saka bumaling sa asawang pumikit at napangiti, exposing those dimples na weakness niya.
Tumayo si Gerard sa kanyang harapan, at hinawakan siya sa baba. "Sorry honey," sabi nito akmang hahalik.
"Hoy, Mr. Ponce, dinadaan mo na naman ako sa kalandian mo." Iniwas niya ang kanyang mukha.
Napakamot ng ulo si Gerard. "Eh... hon... kasi..."
"Kase?"
"Medyo nalate ako because I still had a meeting about the campaign, and a lot of things to do in the office, tapos... bago ako pumunta dito, I called your doctor pa to check if you're fit to..."
"To?" napakunot noo siya. Somehow she was getting a hint of Gerard's purpose for asking her doctor about her condition.
"To go home..." nakangiting pilyo na sagot ng asawa.
"Grabe!" Napailing siya at natawa. "Nagballoons ka pa talaga ng bonggang bongga para lang dun ha?" she managed to tease him. Bahagyang lumayo si Gerard para umiwas sa pangingiliti niya. Tumayo siya para sundan ang kanyang asawa at gumagawa ng paraan para makiliti ito.
"Siyempre naman. Special balloons for my special honey." Pilyong ngiti ni Gerard habang hinahabol ang mga kamay niyang iniiwas naman niya ngayon.
Kung kanina ay siya ang agresibong mangulit sa asawa, ito naman ngayon ang papalapit sa kanya.
With his height and bigger frame, kahit pa pakiramdam niya ay nanaba na siya sa loob ng limang taon, ay parang hindi pa rin siya mukhang malaki. And she was secretly thankful for that because her body is admittedly one of her insecurities.
"Ewan ko sa'yo." Natatawa siya sa pilyong ngiti ni Gerard.
"Mukhang okay ka naman na, hon, baka hindi na kailangan pang paabutin sa bahay?" He teased.
Hindi na niya napigilan pang matawa. At hindi lang basta natawa. Her laugh was a combination of snorting and giggle all at the same time.
Napatakip tuloy siya ng bibig dahil nahiya siya sa kanyang pagtawa pero tila hindi naman nabobother ang kanyang asawa.
"Hon, yung tawa ko, ang weird na! Nakaka turn off!" Nahihiya niyang sabi habang ang asawa naman niya ay busy na sa pagtatanggal ng butones ng kanyang blouse.
"It's okay honey. I find your 'pregnancy laugh' cute!" He said as if he was in a hurry to kiss her. He kissed her on the nose, then her jaw line, down to her neck, and to her shoulder as he continued to unhook her brassiere.
Everything was still in tact, but not in the proper place, she thought.
"Teka, hon," she stopped him. "Ano bang sabi ni Doc? Puwede na ba?" She asked, worried.
Deep inside her though, gusto na din niya. She longed for Gerard, too. At mukhang nakuha naman iyon ng kanyang asawa.
He cupped her chin closer to his face, and gave her a gentle french kiss before he spoke.
"Doc said hindi pa raw puwede ang penetration..." he sadly said. "Pero puwede ang cuddling." Pilyong ngiti muli nito. "Kaya bilis na," he said as he sat on the bed, with his face leveled on her chest.
He wrapped his big muscular arms around her waist, slightly reaching her behind, gently and slowly squeezing her buttocks.
Her heart rate rose, and her tips became tumid, as she felt warm and moist flesh swirled around it, before he fellated one tip, while the other was exposed to the cold temperature of the room.
"Cuddling lang?" she couldn't hide her disappointment.
Napatawa si Gerard sa kanya, bago tumigil sa paghalik at niyakap siya. "Yes, hon." Buntong hininga nito bago tumayo. "Mabibitin ka ba?" mahinahon nitong tanong na may pag-aalala sa mata.
"Ako ba talaga ang mabibitin?" namula ang mukha niya sa tanong ng asawa.
Napatawa si Gerard. "Ako, bitin na bitin. Pero sabi ni Doc huwag muna raw eh... kaya pipilitin kong magpigil." Mahinahong paliwanag nito.
"Binitin mo lang ako eh...hmp!" Pasuplada niyang talikod sa asawa at isa isang binutones muli ang blusa.
"Sorry, honey. Miss na miss na kasi kita eh." Anito na napakamot sa ulo, saka yumakap sa kanya ng mahigpit mula sa likod. "Alam mo ba yung pakiramdam na parang yung soul ko nagyi-yearn na makasama ka parati? Kasi it feels just so right to be with you. I miss you so much when we're not together."
Hinarap niya si Gerard. She wanted to know if he might be somehow feeling the way she was feeling. "Yung para bang incomplete ka? Ganun?" she innocently asked.
"Not exactly..." he looked up. Tila ba saglit na nag-isip. "We're not incomplete if we have Christ in our lives, diba, honey?"
"Ha? Ah eh, oo." Unsure niyang sagot.
"But even if I maybe complete or whole as a person," he looked her straight in the eyes. "Ikaw naman ang blessing ko from God, and I love you with all of me-the whole me." Anito sabay yakap ulit.
Siya naman ay hindi na nakakibo. What he said made her think.
He said he was already complete. Pero siya mismo, pakiramdam niya ay hindi pa siya buo. Hindi pa siya complete.
Deep down in her heart, she wanted to something for herself. Yung maari namang ipagmalaki ng kanyang asawa tungkol sa kanya. She felt she had to make something out of herself. She wanted to be productive. And the best way for her to do it ay ang tulungan ang asawa sa negosyo nila, lalo pa't nagiging sobrang busy na nito sa pagpaplano ng kompanya.
"A-ako din, honey. I love you with the whole of me-" she replied. "P-pero hon..."
"Yes?"
"There's something I have to tell you." Sabi niya. "Gusto ko ulit magtrabaho sa office niyo kahit nandoon pa si Angela..."
"Okay..." he said contemplating what she said. "But Angela is already resigned, honey."
"Ganoon ba? Eh di all the more na kulang ka sa tao kaya magta-trabaho na ulit ako, hon?" tila ba nagpapaalam siya at humihingi ng approval ni Gerard. "Kung okay nga sa'yo, magpapturo ako kung paano yung work ni Angela. You can guide me naman eh... Diba hon?"
"Actually, hon, may kapalit na si Angela. Timing na timing nga ang pag-apply niya eh. She's actually outside now."
"She? Babae ulit?" nasambit niya. "P-pero bakit kasama mo din siya?"
"She also does the same work as Angela. Blessing diba? And her name is Katniss."
"Katniss Evergreen ba ang peg nito?"
Napatawa si Gerard. "Actually, hon, she kinda looks like her, but Filipino version. And, what's nice is that she's also my Executive Assistant."
"Executive Assistant? Bakit? Anong nangyari sa Secretary mo?" naguluhan niyang tanong.
"Well, may secretary pa rin naman ako, pero Katniss's job will be as my 'mini-me'. She'll do all the admin stuff and her expertise is on project management."
"G-ganun?" malungkot niyang sabi. "I hope hindi naman siya parang katulad ni Angela...." nakomento niya pero tinakpan niya kaagad ang bibig niya.
"Hon," nasambit ni Gerard at tiningnan siya. "I'd like you to meet her and get to know her because I dont want you having doubts kapag parati ko siyang kasama."
Bumuntong hininga si Shayla. Ito na naman kasi siya sa pagkapraning niya, naisip niya.
"Okay..." mahina niyang sagot, habang inalalayan siya ni Gerard na lumabas ng kuwarto ng suite. Sa sala ng suite ay naroon na si Katnis.
Namilog ang kanyang mata dahil hindi naman mukhang Filipina si Katnis. She looked like a foreigner, just like his past girl friend. And Katniss has a gorgeous figure.
Yung mga tipo ni Gerard nung kabataan nito.
Napatingin tuloy siya ng matalim sa asawa.
"Hon," he looked at her straight in the eyes, somehow reminding her who he loves.