Thirty One

2700 Words
ALL Gerard wanted to do was drive as fast as he could. It was as if his mind could process, sort out the things that happened in his life by driving fast. As the gust of wind touched his skin, he felt his body started to relax. Ganuon naman siya parati. Mas nakakapag-isip siya sa tuwing lumalayo siya sa kasalukuyang sitwasyon. Naalala tuloy niya noong sumama ang loob niya sa kaniyang magulang dahil wala itong panahon para sa kanya. There was always something that came up in his busy parents' schedule back when he was in high school. At mas tumindi pa ang sama ng kanyang loob nang hindi siya napuntahan ng mga ito sa mismong graduation niya upang sabitan siya ng medalya bilang Valedictorian ng batch nila. "Mang Ed," nakatoga na siya at nagmamadaling lumapit sa body guard na itinuring na rin niyang pamilya. Alam na kaagad ni Mang Ed kung ano ang itatanong niya, at nakita niya sa mga mata nito ang lungkot nito para sa kanya. "Wala pa, Ardy..." malungkot na sagot nito. "Is everything okay?" tanong ni Bianca Sobel na noon ay nobya niya. Hindi na niya sinagot ang nobya. He moved a few steps from Biancao who just looked at her, and took out his phone. Ayaw niyang mag-give up. He dialed his father's number. "Dad," aniya habang nasa baba siya ng stage at kausap ang ama. "Malapit na po akong tawagin. Nasaan na po kayo ni Mom?" nahihiya niyang tanong. "Anak, pasensya ka na pero nandito pa rin kami sa Quezon. Hindi pa kami makaalis ng Mommy mo dahil sa na-extend ang panayam ko sa mga kababayan nating magsasaka. Nais kong ipadama sa kanila na nakikiisa ako sa hangarin na maibigay ang karapatan na hinihingi nila." "Pero Dad, graduation ko..." malungkot niyang sagot. "I know, anak." Saglit na katahimikan. Narinig niyang bumuntong hininga ang kanyang ama. "I'm... I'm sorry, anak. Babawi kami ng mommy mo sa'yo. I just didn't expect that this would take long..." pag-amin ng ama niya. "Ganiyan naman parati Dad, eh!" Malungkot niyang nasambit. May hinanakit sa kaniyang boses at alam niyang alam ng kanyang ama iyon. "I'm so sorry, anak. I already asked your uncle to attend your graduation on my behalf. And Pyke, your cousin, will also be with him. Hahabol ako sa celebration mamaya." His father guaranteed. "How are you going to do that, Dad?" malungkot na tanong nito. "Ang layo ng Quezon." "I've already arranged for the chopper to pick us up." Paliwanag nito. "I have to go now, son. Congratulations! We love you and we're so proud of you, anak." "Dad, I'm the Valedictorian!" Naalala niyang pahabol sa ama habang kausap ito sa mobile fon, na tila baga nakikipagnegotiate dito. "Congratulations, anak!" Batid niya ang saya sa boses ng ama. "I promise I'm going to give you anything you want on our return. At hindi na kita bibiguin anak. I will keep my promise." Pangako pa nito. Kaya naman nang itanong sa kanya ng kanyang ama kung ano ang gusto niyang hilingin dito, hiniling niya na gusto niyang mag-aral sa Canada. Napagdesisyonan niya na sa Canada na lamang siya mamalagi at mag-aaral ng kolehiyo, dahil masama ang loob niya sa kaniyang magulang. At dahil nangako ang kanyang ama na ibibigay nito ang gusto niya ay pumayag na rin ito na pumunta siya sa Canada at doon mag-aral. Sumunod duon ang dating nobya na si Bianca, at sa Canada ay namuhay sila na parang mag-asawa, ngunit may sarili nga lamang na apartment si Bianca na kailangan nitong uwian tuwing gabi upang hindi magduda ang mga magulang nito. Life was almost perfect for him with who he thought then as the love of his life. Balak na nga niya noon pakasalan si Bianca. Ngunit natuklasan niyang niloloko siya nito noon. Sa galit niya ay napagpasiyahan niyang umalis ng Canada at bumalik dito sa Pilipinas. By literally stepping out of the situation, it somehow gives him a way to look at the bigger picture. It gives him space to breathe... to calm his mind... to think thoroughly and choose the better thing to do. But if there was one time that he did not process his thoughts and think things through was when he had a one night stand with Shayla. With Shayla, he never bothered to process what would become of his future. He just followed his heart, and what it dictated. And he just learned to pray and have faith in God. Somehow, by miracle, it has worked for him for 5 long years. Pero ngayon na may tampuhan sila ng asawa niya ay parang bumalik siya sa comfort zone niya. He had to step out of the situation, and think. Sa palagay niya, iyon din naman ang tamang gawin dahil pareho na silang naging emosyonal ng asawa. Nasaktan siya sa sinabi at ginawa ni Shayla sa kanya. Bukod sa pinagduduhan siya nito ay nagawa pa siyang sampalin nito. Sanay naman siya na pisikal mag- express ng sarili si Shayla, pero iba pa rin iyong sampal ni Shayla. Alam niyang galit ito. Maiintindihan sana niya ang nagawa ng asawa, pero ang ikinatatampo niya ay yung nakita niya sa mga mata nito. Pinagdududahan siya ni Shayla. That's what hurt him the most. After five years... at matapos ng lahat ng pinagdaanan niya para lang kay Shayla, magdududa pa ito sa kanya? Hindi niya iyon matanggap! Pero tama bang iwanan mo siya sa bahay at mag-alala?Naisip niya, at nakaramdam ng pagka-guilty. "I just need to go out for a while... babalik naman ako, e. Siyempre, babalik ako, hon!" He whispered in assurance, as if Shayla would hear. He felt he just needed to cool down. He needed to clear his mind. It was because he was feeling a lot of things. He felt frustrated, angry, emasculated, defensive, hurt, weak, confused, and lost. It was so much feelings for him to take in, conquer, analyze, figure out, and it made him unconsciously press the gas of his car even more. Hindi niya napansin na dead end na pala ang kanyang dinaraan. Unti unti ay papalapit na siya ng papalapit sa pader na kakasalpukan ng kanyang sasakyan. At habang papalapit na ang kanyang sasakyan sa pader ay parang nag-slow motion ang kanyang paligid. Unang pumasok sa kanyang isip si Shayla at ang matamis nitong ngiti. Sumunod naman ang kanyang mga anak at ang mga bungisngis at tawa ng mga ito na parang nakakakiliting pakiramdam sa kanyang puso. Sa tuwing kasama niya ang kanyang pamilya ay may kung anong kilig at kaligayahan ang kanyang puso. Sa tuwing pagmamasdan niya ang kanyang pamilya ay may kapayapaan at katahimikan siyang nadarama. Pero ang lahat ng ito ay mawawala sa kanya ng isang iglap kung hindi siya gagawa ng paraan. Maiiwan niya ang kanyang pamilya. Binalot siya ng pangamba, hindi para sa sarili niya, kungdi para sa kanyang magi-ina. Ito ba ang gusto mong mangyari? Ang iwan sila?Naitanong niya sa sarili. "No!" Sigaw niya at mabilis na pinaikot ang manibela upang lumiko ang sasakyan, ngunit hindi na niya ito naagapan pa. Sumalpok pa rin sa pader ang kanyang sasakyan. Nauntog siya sa may bintana pero hindi gaano upang mabasag ang salamin at magkabukol siya. Pero tumama ang kanyang labi sa manibela, at pumutok ang bandang gilid ng labi niya. Pinunasan niya ang labi at mabilis na inatras ang sasakyan. Alam na niya kung saan siya dapat pumunta. TAHIMIK siyang pumasok sa loob ng chapel. Doon ay lumuhod siya sa pinakasulok na luhuran at nagdasal. "Nagtatampo talaga ako sa kanya, Lord." Sumbong niya. "Tampo lang ba?" naitanong niya sa sarili. "Hindi ba dapat magalit ako sa kanya, Lord?" muli siyang pumikit upang magdasal. "Hindi lang sapak ang ginawa po sa akin ng chics na yon kanina, a?" napapailing niyang sabi. "Sinampal ako, Lord! Pero wala naman ako magagawa diba, Lord? I love her. I love everything about her... the good... the bad... the beautiful... or even ugly things about her..." tila nagrereklamo niyang sabi sa kanyang dasal, bago napangiti sa kanyang mga pinagsasabi. "Hay, Lord! Itong pagmamahal na nararamdaman ko kay Shayla... alam ko galing sa'yo ito e. Dahil kung hindi... kung pagmamahal ko lang ang pagbabasihan, alam ko... marami akong makikitang mali sa asawa ko. Pero dahil malakas sa'yo si honey... Hehehe... I know you planted this love I feel for her in my heart. At alam ko rin na kapag narinig ako ni honey ngayon, for sure, mabubugbog na naman ako at sasabihin niyang conceited ako. Pero... kung tutuusin, I know the love she has for me was not just by her own heart, but through your grace too. Dahil ramdam ko naman, kahit siguro hindi kami magkaintindihan... nung paalis ako kanina, pakiramdam ko hahabol sana siya sa akin, Lord. Sa totoo lang, masarap din pala yung feeling ng hinahabol ni honey. Hehehe! Sorry, Lord, dahil medyo nagpakipot pa ako. Sigurado ako sasabihin ni honey nagiinarte ako. Sige Lord, uwi na ako. Lalambingin ko na si honey dahil itong love na inilagay mo sa puso ko, di makatagal na malayo kay honey. Thank you Lord for keeping me safe. Pls keep my family safe while I was away for a very short while. Amen." Lumabas siya ng chapel na magaan na ang pakiramdam, at excited na siyang umuwi. Somehow he felt he had renewed strength after he prayed. Somehow, he felt like he knew that all he had to do was patiently talk to his wife, and let her talk. As she would talk, he would assure her of his love for her. At hindi niya ito susukuan hanggan sa maniwala ang asawa niya na hindi siya nanloloko at nangangalunya sa asawa. He was already inside his car when he received a call that Shayla was rushed to the hospital dahil sumakit ang tiyan nito. Sinubukan niyang tawagan si Shayla sa mobile phone habang mabilis na nagmaneho papunta ng hospital, pero di ito sumasago. Naghahalo ang pag-aalala, galit at kaba niya. Nagagalit siya sa ginawa ni Angela, at nag-aalala siya kay Shayla at sa baby nila. Kapag may nangyari sa anak nila ni Shayla ay hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Sinabi naman niya kay Shayla na kumalma, pero hindi pa rin pala ito nakinig sa kanya. At si Angela... kung lalake lang ito ay baka nasaktan na niya ito. Makailang beses na bang nasaktan ang asawa niya dahil sa pagiging competitive nito. Kahit ano pang sabihin ng Dad niya at Uncle ni Angela na matalik na kaibigan ng kanyang Daddy ay idedemanda pa rin niya si Angela. He wanted her to learn her lesson. Pero saka na muna niya babalikan si Angela. Ang importante ngayon ay ang kalagayan ng mag-ina niya. Naalala niya ang sinabi niya kay Shayla na kumalma at huwag papatol kay Angela. Pero hindi ito nakinig. Nakipag-away pa rin pala ito kay Angela. Napaisip siya. Paano kung may nangyari nga sa kanilang baby? Tiyak niyang makakadagdag ito sa lungkot ni Shayla lalo pa't kailan lamang ay nawala na sa kanila ang mommy nito. Lalo siyang nag-alala. Kung sakali lamang na mawala ang kanilang baby, wala naman ibang dapat sisihin kungdi siya, dahil siya ang naglagay sa kanila sa sitwasyon ito. Kung di nga lamang niya inisip na mag-damage control... kung sana'y hinayaan na lang niyang mapahiya si Angela sa pagtanggi niya dito sa harap ng mga kaibigan at kapartido, hindi siguro mangyayari ito. He felt so bad and he felt so angry. Never again would he let someone like Angela affect their relationship. He would be more careful, more protective of their marriage... of their family. Makalagpas lamang sila sa sitwasyon ito, hindi na hahayaan pang maulit ang ganitong sitwasyon na mayroon selosan o pagdududa na makakaapekto sa kanilang dalawa ng kanyang asawa, at pamilya. "Lord, pls take care of my wife and baby." He prayed as he reached the hospital. Mabilis siyang nag-park at tumakbo sa ER. Itinuro ng nurse kung nasaan si Shayla. Habang paparating siya doon ay kinabahan siya. Naiimagine na niya ang maaring maging reaksyon ni Shayla kapag nawala ang baby nila. "Ayoko na kitang makita! Kasalanan mo 'to! I hate you! I hate you! I hate you! I want a divorce! I don't want to see you ever again!" Naimagine niyang nagwawala si Shayla sa hospital bed sa oras na makita siya nito. Pero uunahan na niya ang asawa. He was going to say sorry to her for the trouble that the incident caused. He would tell her how much he regretted what happened. He would promise to do everything to win her back. He would even beg para hindi siya iwanan ng asawa. Lahat ay gagawin niya. "Sir, this way po." Naputol ang pag-iisip niya sa sinabi ng nurse as the nurse guided her sa pinakadulong cubicle. "Uhm, nurse," aniya at tumigil sa pagpasok sa loob ng cubicle na nahahati ng kurtina. "K-kamusta ang baby?" He braced himself, and looked on the floor as he entered the curtained cubicle. "Ok naman po. No need to worry." Sagot ng nurse, sabay bukas nito sa kurtina. Slowly, he lifted his eyes and saw Shayla looking at him with worry written on her face. Hindi siya nakatiis. Agad siyang lumapit sa asawa at yumakap ng mahigpit dito. "Sorry..." mahigpit niyang akap kay Shayla. "I'm sorry for what happened." Bahagya siyang tinulak ni Shayla at hinawakan ang labi niya. "Anong nangyari sa'yo?" umiiyak na tanong nito. "Nabangga ko yung sasakyan..." pag-amin niya at hinawakan ang kamay ni Shayla na nakahawak sa labi niya. Hinalikan niya ang palad ni Shayla at yumakap ulit. "So-sorry, honey." Naiiyak na sambit ni Shayla. Naguluhan siya sa bungad ng asawa. "Honey, ako dapat ang humingi ng tawad dahil kasalanan ko ang lahat ng ito." He said. "Honey, ako dapat ang mag-sorry kasi I judged you kaagad. Dapat hindi kita jinudge. Dapat hindi ako kaagad nagalit. Dapat hindi kita sinampal... dapat hindi kita hinayaang umalis. Dapat hindi ako nakipag-away kay Angela. Yan tuloy, muntik na mawala yung baby natin. I don't know what I will do kapag nawala ang baby natin. Baka hindi mo ako mapatawad!" Iyak ni Shayla. Hindi siya kaagad nakapagsalita dahil sa sinabi ni Shayla. Pareho pala sila ng pinagaalahanan tungkol sa isa't isa. He silently said a thank you prayer to God for he knew that He was truly at work. Pareho silang nagpakababa ng loob ni Shayla kahit kung tutuusin ay puwede naman isisi ni Shayla sa kanya ang nangyari. Bagkus ay naisip pa nito na baka may nagawa din itong mali kaya sila nasa ganitong sitwasyon. "Honey," nasambit na lang niya. "Wala kang maling ginawa. Your reaction is natural. But please... please... be careful next time. That's all I ask of you. Huwag mong hayaan na ang emosyon mo ay magpadala sa'yo. At ganun din ako...." he said before he embraced her again. "I wont let my emotion and pride get in the way upang magkasundo tayo." "Ako din, honey. I'm so sorry," nahihiyang sagot ni Shayla habang pinupunasan niya ang luha nito. "I love you so much, honey." He said before he gave her a kiss on her nose, dahil masakit pa din ang labi niya. "Kiss lang sa nose?" nahihiyang reklamo ni Shayla. "Matapos ang nakakalokang away natin, kiss lang sa tip ng nose ko?" may bahid pagtatampong hirit nito. "Honey," napapangiti na siya. "Huwag mo kong umpisahan dito." He said but secretly went close to Shayla to caress her breast. Si Shayla naman ay lalo siyang inenganyo at hinila sa may t-shirt para lumapit pa dito to reach his lips with hers. Kahit nakangiti pa siya ay inilapat na niya ang kanyang labi sa asawa, and he felt a subtle current with their kiss. It was as if it was their first kiss again. May kilig, excitement, at pagkabog ng dibdib. Hindi na niya pinigilan ang sarili. He sat beside Shayla and deepened their kiss, as he wrapped his hands around her, while gliding her down to the bed. "Ehem," narinig nilang pareho at nagkalas. Si Daddy Gerry pala, kasama ang mga bata. "Dad, Mom? Did you just kiss?" it was Drew. "Ewww!" Nagkatinginan na lang sila ni Shayla and she whispered the word "I love you" to him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD