Shayla felt guilty na hindi siya nakapag-pokus sa pagpanood kina Bree at Gwen dahil mashado na siyang na-conscious sa presence ng kanyang nemesis na si Angela. Alam niyang napansin ni Gerard ang kanyang pagiging uncomfortable, at alam din niyang sinadya talaga ni Gerard kantahin ang firework dahil may gusto itong ipahiwatig sa kanya. Ganuon naman parati ang asawa. Dinadaan siya sa music. Napaka-hopeless romantic, which she found so endearing about him.
Na-touch din siya sa asawa dahil nakuha nito ang nararamdaman niya kaya ito gumawa ng move na ipaalala sa kanya kung sino siya base sa paningin ng asawa at mga anak. At sino pa ba naman ang pinakamahalaga ang opinyon tungkol sa kanya kungdi ang mga mahal niya sa buhay? Kaya naman nawala ang insecure niyang feeling laban kay Angela. Salamat na lang sa kanyang better half na si Gerard.
Ewan ba niya kung bakit may ganuon silang pakiramdaman ng asawa, pero natutuwa siya dahil sa ganuong intimacy that they share. Yung tipong kilala nila ang isa't isa kahit hindi sila nag-uusap. They are so familiar kung paano ang takbo ng isip, emosyon at pakiramdam ng isa't isa. Siguro ito ay dahil nga may limang taon na rin naman silang halos araw-araw ay magkasama. Kailan lamang naman naging mashadong busy ang asawa at ito ay nang inatasan na maging Chief Operating Officer ng Ponce Group of Companies si Gerard, habang si Percival na pinsan nito ang CEO ng Ponce Group of Companies, at ng Pizzo Group of Companies kung saan si Gerard ay Board Director.
After the presentation of the kindergarten students and after kumanta ni Gerard ay nagsisunuran na ang ibang parents sa pag-participate ng pagkanta. Then, the teacher invited everyone for a mini-salo salo of food. After the mini-salo salo ay nagsalita muli ang teacher ni Bree at Gwen. The teacher announced that there was going to be a family day the following month, and the parents were invited to participate in the family amazing race.
Excited naman na lumapit si Angela sa kanila. "I really hope na maging magka-grupo tayo!" She sweetly said to Gerard, before Angela looked at her with a smile plastered on her face. Hindi na niya nagawang mag-reak dahil binalingan siya ng asawa.
"Are you up for it, hon?" tanong ni Gerard sa kanya na bahagya niyang ikinalito. Alam niya na may gustong ipahiwatig si Gerard pero hindi niya makuha kung ano.
"Uhm, I guess." Sagot niya.
"Are you sure, hon? Let's have you checked first." Sabi ni Gerard na lalo niyang ipinagtaka.
"Why? Is she sick?" usisa naman ni Angela.
Sa isip naman niya, baket gusto mong malaman? Are you hoping may sakit na'ko at malapit nang matigok dahil may gusto ka sa asawa ko?
Inaamin naman ni Shayla sa sarili na napapraning siya dahil puwede naman na concerned talaga sa kanya si Angela, pero pinipili lang niya maging paranoid sa true intentions nito. Ilang beses na kasi niyang in-attempt na makipag-kaibigan dito noon pero parati siyang nire-reject ni Angela, to the point na inaapi pa at pinapahiya siya nito sa tuwing lalapitan niya. Ayaw niya ng may kaaway, lalo na noon na natutuhan niya na mula sa mga kaibigan na kung hindi niya makukuha ang feeling ng pagiging safe, katahimikan at pagmamahal mula sa kanyang bahay, maari naman niya itong makuha sa mga kaibigan. Pero, dahil kay Angela, natutunan din niya that you cannot please everybody, and that everybody's opinion may not necessarily have to matter at all to her. Even just a few friends in your life may be more than enough to make your heart smile. Pero it was Angela who rejected her offer of friendship. Kaya naman ganun na lang ang pagka-praning niya ngayon na biglang nagpapakabait si Angela sa kanya.
"No, she's not sick." Gerard replied to Angela's inquiry, which also stopped her thoughts. "I just want to be sure my beguiling wife is not pregnant if she will join the physical activities in the race." He winked at her, which made both Angela and her blush.
Ito naman kasi si Gerard kung makalandi sa kanya, parang nananadyang ipakita kay Angela na animo'y nahuhumaling si Gerard sa kanya. Mahal siya ng asawa, alam niya iyon. Alam din niya kung nanlalandi ito sa kanya at ito ang oras na iyon. Nagugulat lamang siya dahil he was not usually thispublically expressive, to the point of giving Angela the idea that they just recently made love. Kaya naman namula talaga siya sa hinirit ng asawa.
Nagsilapitan naman ang mga anak sa kanila kasama ang mga lolo't lola ng mga ito. Sinabi ni Pres. Ponce that he was going to take the kids for a treat.
"Dad, may lakad kami this afternoon. We will go to Hong Kong. Our flight is at 5:55 pm so we better be at the airport by 3:00 pm. We'll just have lunch, pack our things, and travel to airport." Paliwanag ni Gerard sa ama.
"Ganun ba? Until when will you be staying there?" tanong ni Mary na mommy ni Gerard.
"Until Sunday evening so I can still go to office early on Monday morning." He said.
Bahagyang nalungkot ang mga bata when their grandparents told them that the lunch treat was postponed, but Gerard and Shayla assured that they would have lunch treat with their lolos and lolas when they return from Hong Kong, kaya pumayag na rin ang mga bata. Napagpasiyahan na lamang nila na mag-lunch out malapit sa airport, at ipapahatid na lang sa isa pa nilang sasakyan na naka-stand by sa bahay, ang mga maleta, sa airport, to save time.
Hindi mawari ni Shayla bakit naroon pa rin si Angela at nakikinig sa usapan ng pamilya. Hindi naman ito napansin ng mga in-laws, ni Uncle Migoel at ng kanyang mommy. Lalo nga lang siyang na-epalan dito nang nagba-bye pa ito kina Pres. Ponce na parang close ito sa mga in-laws niya. Ewan ba niya pero nakakaramdam siya ng pagka-imbyerna kay Angela. Si Gerard naman ay busy makipag-usap sa ama habang hinahatid ang mga ito papalabas ng kuwarto at pasakay sa Presidential car. Naiwan tuloy silang dalawa ni Angela sa kuwarto, kasama ng mga bata at mga yaya.
"Mommy, who is she?" lumapit si Andrew sa kanya.
"Hi!" Sagot ni Angela at yumuko para magka-eye level sila ni Andrew. "I'm Angela." Pakilala nito habang nakayuko, exposing the cleavage of her big boobs sa anak niya. "You're so cute! If I'd have a baby of my own, I'd like him to look like you." Anito.
Mabilis na pinatalikod ni Shayla ang anak dahil napansin din niya na napatingin ito sa boobs ni Angela. Sa pagkakaalala niya, walang mashadong boobs si Angela noon, pero ngayon, her bosom was as big as round as her own! At ngayon nga lamang niya na-realize na mas malaki pa nga ito kesa sa sarili niyang hinaharap. She was sure that Angela had a boob job. Pero napatanong siya sa sarili. Eh ano naman ngayon kung nagpa-boob job si Angela kung gusto nitong mas gumanda pa? She thought, it was actually okay to have boob job so Angela would stop fussing about competing with her. Nakakasawa din kaya na mayroon naiingit sa kanya. Sa una, nakaka-flatter. Pero kalaunan, kapag na-oobesses na at naghohope to bring you down na, ibang usapan na iyon. She hopes though na naka-get over na si Angela sa ganuong feeling para hindi na ito makipag-kumpetensya sa kanya. But judging Angela right now, parang naroon pa rin ang pagiging inggitera nito at pagka-competitive.
Naputol ang pag-iisip niya nang marealize niya na bumalik na pala si Gerard sa kanyang tabi. Nagpaalam na ang asawa kay Angela at inalalayan siyang maglakad papunta sa coaster kasama ng mga anak. Nang makalabas na sila sa school ay pumunta na sila ng restaurant kung saan sila naglunch kasama ng in-laws, uncle, at mommy niya. Matapos ang lunch ay dumirecho na sila sa airport kasama ang mga bata, mga nannies ng mga ito at security ng pamilya.
After boarding and securing the kids on their seats, Gerard checked her own seatbelt habang nakatingin siya dahil nakapuwesto siya sa tabi ng bintana just the way Gerard knows she likes it, tapos humawak sa kamay niya. Pero napansin niyang pinagmamasdan siya ng asawa.
"Baket, hon?" tanong niya.
Hindi kaagad nagsalita si Gerard. Nakatingin lang ito sa kanya at ngumiti, bago humalik sa kamay niya.
"Hon, it's ok to have a girl crush." Bulong nito. Napakunot noo siya sa statement ng asawa.
"Anong ibig mong sabihin?" bulong din niya.
"Ok lang kung may crush ka kay Angela. I wont judge." Bulong nito ulit sa kanya. "Pero hinding hindi ako makakapayag na mapunta ka sa kanya."
Napanganga siya sa sinabi ng asawa, saka nito hinawakan ang baba niya at marahang isinara ang bibig niya.
"Ano?" She said in disbelief. "Ano bang pinagsasabi mo?"
"Honey, don't deny it. I saw you. Parati mo siyang tinitingnan. Akala ko nga noong una na baka you are maybe feeling a little not so secure kasi maganda siya, sexy, at smart. Pero kanina, you were looking at her boobs. I never knew you liked boobs! Well, I like yours, but that's not the point..."
Hindi niya napigilan ang sarili. Kinonyatan niya ang asawa. "Hoy, Mr. Ponce! Una sa lahat, babaeng babae ako! Pangalawa, hindi ko siya girl crush no! Pangatlo, oo, maganda siya, sexy, at siguro smart, pero hindi naman dumaan sa isip ko yon. But since ikaw ang nagsabi ng mga adjectives na yan, baka ikaw ang nakaka-appreciate nun sa kanya. Baka ikaw ang may crush sa kanya!" Galit niyang bulong at umusod para malapit ang mukha niya sa mukha ng asawa to emphasize her point.
Nakangiting tinitigan ni Gerard ang mukha niya and cupped her face. "Honey kong goddess, are you trying to seduce me?" Hindi siya kaagad nakasagot sa asawa dahil mas lalo nitong nilapit ang mukha.
"Sa tingin mo?" sagot niya sabay iwas ng mukha.
Marahan siyang pinaharap ni Gerard. "Then, why did you keep looking at her? Why don't you tell me what's bothering you?" masuyo nitong tanong.
Namula siya sa sinabi ng asawa. Napansin na pala nito na nabother siya sa presence ni Angela kanina. Napabuntong hininga siya at nagdalawang isip kung dapat niyang sabihin kay Gerard ang nararamdaman niya. Nahihiya siya sa kanyang asawa kung aaminin niya na she feels threatened by Angela especially that she could see from the way she looked at Gerard na tipo ni Angela ang kanyang asawa. Pero come to think of it, kung hindi naman niya sasabihin ay hindi siya maiintindihan ng asawa. Isa pa, sino pa ba ang dapat niyang pagsabihan ng nararamdaman kungdi ang pinakamalapit at pinagkakatiwalaan niya ng kanyang buhay, yuon ang better half niya at ang kanyang significant other—si Gerard.
Pinagmasdan niya ang asawa. Nakatingin ito sa kanya at nag-iintay ng sasabihin niya. "Eh kasi..." mahina niyang sambit. "Nung college kame, mahilig na siya makipagkompetensya sa'ken. Galit na galit siya sa'ken whenever mananalo ako sa mga beauty pageants. Eh hindi naman ako nakikipagkompetensya sa kanya noon. Kailangan ko lang naman ng pagkakakitaan and joining beauty pageants was the easiest way for me na magkaroon ng pera." She looked down, embarrassed to admit kung gaano siya kagipit noon kaya siya sumasali sa mga pageants. Hindi niya matingnan ang asawa. "Kung puwede nga lang na aking na lang ang cash prize at kanya na ang beauty title, ibinigay ko na sa kanya yung korona. Tutal hindi rin naman niya kailangan ng pera kasi mayaman naman ang pamilya niya. Tapos yung rivalry namin dapat hangang competition lang, pero pinersonal na niya ako, pati mga kaibigan ko nakaaway niya kasi binubully niya ako sa school... natigil lang yon nung... yung nabuntis na ako kay Bree and Gwen kaya hindi na ako nakakasali ng mga beauty pageants. Nung nakita ko siya kanina, kinabahan ako katulad nung pakiramdam ko noong mga panahon na buhay pa si Lucio. Yun' pakiramdam ko parang kailangan ko mag-ingat dahil baka kainggitan niya ako at subukan naman niya ngayon kunin sa'ken yung pinakamahalaga sa'ken..." she explained and looked up at Gerard at sa mga anak na pinakamahalaga sa buhay niya. "Tapos kanina, nilait pa niya ako. Pakiramdam ko sarcastic siya nung sinabi niya sa'ken that 'I gained a little weight'. Pakiramdam ko nilalait niya ako dahil mataba na ako. Saka nakita ko kung paano ka niya tingnan! Yung parang may pagnanasa..." sabi niya na may halong inis kay Angela.
Hindi pa rin nagsasalita si Gerard kaya she felt worried for admitting her insecurity to her husband. But as she gazed up on him, she saw him smiling at her. Yung ngiting pilyo.
Hinawakan nito ang kaliwang kamay niya at kinuha ang daliri niyang kung nasaan ang engagement ring at wedding ring na bigay nito sa kanya.
"Nakita mo ba ang engagement ring at wedding ring na'to?" tanong ni Gerard. Tumingin ito sa kanya at inintay ang kanyang sagot. Hindi siya naka-imik dahil hindi naman niya sigurado kung ano ang punto ni Gerard. "Ito ang simbolo ng pagmamahalan natin." Sambit nito sa kanya. "At ang mahal din ng mga ito!" Nakangiti niyang iling.
Napaisip si Shayla kung nagrereklamo na ba si Gerard na ginastusan pa siya nito ng engagement ring at wedding ring at narealize nitong hindi siya worth it na bigyan ng ganuong kamahal na engagement ring at wedding ring.
Hihilahin na sana niya ang kamay, but Gerard's hand was firm and did not let her go. He held her chin as she was looking down on her hand that he was holding."Pero, honey," anito. "Mas mahal ko ang nagsusuot nito." Sabi niya. "At walang magbabago ng pagmamahal ko para sa babaeng pinagbigyan ko nito, kahit na ang current Ms. Universe pa ang maging New Business Development Manager ng Ponce Group of Companies. Iisa lang ang mahal ko—siya ang reyna ng tahanan namin, ang may bahay ko, the queen of my heart and ultimately my bed."
Napangiti na siya habang napailing sa asawa. "Bed talaga?"
Ngumisi si Gerard sa kanya, exposing the killer dimples she so love. She knew what his smile meant.
"Hay, honey kong pacute, ikaw na! Ikaw na ang magaling mambola."
"Totoo yun' sinasabi ko honey kong goddess. And I'm going to show you that in 2 hours. Wag kang apura." Kindat at kagat labi pang sabi ni Gerard.
"Ako? Ako pa talaga ang apura ha?" Napatingin siya sa ceiling ng aircraft dahil pinipigilan niyang matawa at magblush habang naloloka sa hirit ni Gerard.