Seven Years Ago
"Lord, please please make me win. Alam mo naman, waley na ako bread. Huhuhu! Ayoko na naman mag-borrow ng pera sa mga kaibigan ko, at gusto ko rin naman makapagbayad sa mga utang ko sa kanila. Please, please, please panalunin mo po ako." Bulong na dasal ni Shayla habang hinihintay kung sino sa kanilang dalawa ni Angela Aragon ang tatanghalin Mutya ng Laguna, at mananalo ng Php 50,000.00
Magkahawak kamay sila ni Angela Aragon habang nasususpense kung sino ba sa kanilang dalawa ang tatanghaling Mutya ng Laguna. Halos yelo na ang mga kamay nila pareho ng katunggali habang iniintay sabihin kung sino sa kanilang dalawa ang nanalo.
Kung ikukumpara silang dalawa, pareho silang mestiza, matangkad, at may hitsura. Pero big boned siya, at si Angela naman ay parang modelo ang pangangatawan. Sa kanyang palagay, mas maganda sa kanya si Angela, pero ang pagsali sa mga beauty pageanst ang pinagkukunan niya ng budget para sa pagkain niya at araw araw na pangangailangan dahil self-supporting student siya kaya naman kahit gustuhin man nia na ibalato na lang kay Angela ang karangalan ng pagiging Mutya ng Laguna, hangad pa rin niya ang manalo dahil sa cash prize.
"And the winner for this year's Mutya ng Laguna is...." sa pagsabi na iyon ng host ay parang nagda-drums ang puso niya.
Kailangan niyang manalo. "Our 30th Mutya ng Laguna is... Angela Cathleen Aragon!" Masayang sigaw ng host ng beauty pageant.
Natulala saglit si Shayla habang tuwang tuwa naman si Angela at nag-flying kiss pa sa mga audience. Kasi naman, sa sampung beses nitong sinubukan na makipagkomptensya sa kanya ay ngayon lamang ito nanalo.
Parang nag-slow motion ang lahat, pati pagkurap at paglunok niya ay napa-slow motion sa narining. Nakita niya kung paano binitiwan ni Angela ang kanyang kamay na para bang may nakakahawa siyang sakit, at saka ito nagpaypay ng mga daliri sa mata na animo'y naluluha ito sa tuwa. Napatitig siya sa korona na ipinapatong na sa ulo nito at ibinigay dito ang makapal na puting envelope na tiyak niya ay naglalaman ng Php 50,000.00
Waaah! Ang Php 50,000.00 waley na! Napapahikbi niyang naisip at napatingin siya kay Angela. Ang mala-anghel na mukha nito ay tila naging parang evil witch sa paningin niya. Palibhasa ito ang tinuturing niyang kontrabida sa pag-survive niya bilang isang self-supporting student. Ewan ba kasi niya kung bakit sa lahat na lang ng beauty pageant na salihan niya ay sumasali din itong si Angela! Alam naman niya kung ano ang motibo nito. Gusto lang naman nitong patunayan na mas maganda ito kesa sa kanya.
Nagsimula ito maging mean girl at mahilig makipag-compete sa kanya nang napili siya na maging muse ng varsity team na dati ay si Angela ang parating kinukuha. Palibhasa kasi yun' team captain ng basketball team ay nanligaw sa kanya, eh patay na patay pa naman si Angela doon! Pero hindi naman niya sinagot yun team captain ng basketball team, kaya hindi niya mawari bakit ba itong si Angela ay galit na galit pa rin sa kanya at naging hobby na yata nito ang makipag-kumpetensya sa kanya.
Napabaling siya ng tingin sa mga kaibigang nagchi-cheer sa kanya, at halos mangiyak ngiyak siya dahil habang pumapalakpak ang mga ito para sa kanya ay nababasa rin niya sa mga labi ng mga ito na sinasabi sa kanya na 'Ok lang yan!'. She felt a lumpo in her throat, as if she was going to choke as she received her sash that said 'First Runner Up'. She was only able to compose herself when she received the white envelope containing her Php 20,000.00 prize. Napangiti na rin siya at kumaway na rin sa audience na nagchi-cheer sa kanila as she, Angela, Ms. Congeniality, and Ms. Photogenic were guided to stay in the middle for photo opportunity with the organizers, and judges, and city officials.
Nang matapos ang photo op ay agad siyang lumisan ng stage at pumunta sa mga kaibigan sa dressing room. Pagkakita niya sa mga kaibigan ay niyakap siya ng mga ito para i-congratulate.
Saglit siyang napaluha. "Sorry... maliit lang ang maibabayad ko sa inyo..." halos namalat niyang hikbi.
"Shay," umakap si Tanya sa kanya. "Okay lang yan... wag kang umiyak. First time mo lang naman natalo kay Angela Aragon. May susunod pang mga beauty contests."
"Eh kaso yang si Angela, lahat yata ng contest na sinasalihan ni Shayla, sinasalihan din niya!" si Jackie.
"Well, if that is the case, then let's go beauty pageant hopping in different places! Say, Palawan?" Rori suggested.
"Loka! Gagastos pa tayo ng pamasahe dun! Palibhasa nandun si Percival." Ani Rainbow.
Rori giggled at the mention of her former fiance's name whom she haven't seen for more than 10 years.
"Don't worry, Shay. I'll get you another contest where you can join." Pinkie assured.
"Thanks girls... Sorry talaga ha maliit lang yun' mababayad ko sa inyo ngayon kasi Php 20,000.00 lang yun' prize...." Naiiyak na sabi ni Shayla.
"Tahan na Shay. Bakit ba kasi pinepressure mo yun' sarili mo magbayad sa'min eh hindi ka naman namin sinisingil?" tanong ni Rainbow.
"Right!" Rori agreed.
"Wag mong alalahanin yun' sa mga bayarin mo sa'min. Kung kami nga hindi namin naaalala yun eh! Lista na sa buhangin!" Sabi ni Jackie.
"Huwag naman..." Pagtanggi niya. "Nasaan naman ang pride ko nun?" naluluha niyang sagot. Kahit na alam niyang mababait ang mga kaibigan at matulungin, ayaw niyang maabuso ang mga kaibigan sa kakatulong sa kanya ng mga ito. As much as possible, kung nagkakapera siya ay paunti unti siyang nagbabayad sa mga ito kapag nakakahiram siya ng pera sa mga ito dahil self-supporting student siya.
"Okay, fine..." si Rainbow iyon na nag-cross arms dahil sa tingin nito ay matigas ang ulo ni Shayla pag dating sa palabra de onor. Kapag nangako siyang magbabayad ng utang, Shayla will do everything para matupad ang kanyang pangako kung kailan niya ito babayaran. "Huwag mo lang kasi pine-pressure ang sarili mo. Hindi ka naman namin minamadali magbayad. At saka wag ka na rin malungkot, Shay."
"Oo nga! Kasi nalulungkot din kami...." Dagdag ni Pinkie.
"Cheer up na kasi!" Malambing na akap ni Rori sa kanya.
"Saka ang importante naman nanalo ka pa rin. Kahit na 1st Runner Up ka pa o ikaw ang tinanghal na Mutya ng Laguna, it doesn't make a difference! Nanalo ka pa rin!" Si Tanya naman iyon.
"Kaya let's celebrate! Tara na sa bahay!" Masayang sabi ni Jackie. "May Mango Cream Pie pa naman akong binake. Kung iiyak iyak ka pa diyan, baka ma-choke ka mamaya habang lumalafang tayo. Alam mo naman ang routine natin, unahan makarami at ubusan ng pagkain pag lumalafang!"
Napangiti na si Shayla. Mangro Cream Pie kasi is her favorite. And every time she would join a beauty contest, it has been the routine of the group to celebrate in Jackie's place.
"Tara na nga!" Masaya na niyang sabi. "Duon na lang ako sa bahay nila Jackie magpapalit ng damit." Hinakot niya ang skirt ng gown at nagsimula ng maglakad, nang humarang si Angela sa harap niya.
"Congratulations, Shayla." Bati ni Angela Aragon na suot pa rin ang korona at hawak ang scepter nito.
"Hoy, bakla, maaga pa para rumampa ka sa kalsada. Tabi nga diyan!" Mataray na sabi ni Pinkie.
"Excuse me! Ako, bakla? Nakikita mo ba yan?" Angela Aragon projected her bosom more to show that she has boobs.
"I wonder kung ilang steroids ang nilaklak mo para tubuan ka ng kakaramput na boobs." Sabat pa ni Pinkie habang siya naman ay pumipigil sa kaibigan, dahil nagtitinginan na ang ibang mga tao sa backstage.
"Kesa naman sa'yo, flat chested! Kaya ka pinagpalit ni Jerome eh! Wala siyang mahawakan sa'yo." Pang-insulto pang sabi Angela.
"Ah, ganun ah? Gusto mo ng hindi flat chested ha!" Si Pinkie na nanlalaki na ang butas ng ilong at lalong sumisingkit ang mga mata sa asar kay Angela. Hinila siya ni Pinkie pati na rin si Rainbow, at tinapat kay Angela. "Nakikita mo ba yan? All natural!" Anito na pinindot pindot ang top ng boobs nilang dalawa ni Rainbow na pareho nilang ikinagulat. "Yan ang never na magkakaroon ka, unless magpa-Bellofied ka! Kilala ko si Dr. Belo. She's a family friend. Would you like me to refer you to her? Baka maka-discount ka lalo na't marami rami ring pige sa puwet ang kailangan mo para magka-boobs!"
"I don't need that kind of boobs." Nag-cross arms si Angela habang nakatingin kay Shayla. "If I know, pinalamas na niya yan sa step dad niya!" Malakas na sabi nito.
Namula si Shayla dahil ito ang pinakatago-tago niyang sikreto na sinusbukan ng ama-amahan na molestyahin siya nung bata siya kungdi nga lamang siya tumatakas o naglalayas. Ang mga kaibigan pati na rin ang school psychologist lamang ang nakakaalam ng pinagdadaanan niya.
"Hindi totoo yan!" Sigaw ni Shayla. Tinulak naman siya ni Angela at mabilis na naglakad palayo. Halos matumba naman si Shayla, mabuti na lamang at nahawakan siya ng mga kaibigan. "P-paano niya nalaman ang tungkol don?" Mangiyak ngiyak na tanong ni Shayla.
"Grrr! Sasabunutan ko na yang babaeng yan!" Si Rainbow na hahabulin dapat si Angela at ang mga kasama nito. Susunod din dapat si Pinkie, pero pumigil naman sa mga ito sina Jackie, Tanya, at Rori.
Napansin ni Gerard na tahimik lang si Shayla all throughout the presentation of the kids, habang siya naman ay nagvi-video sa mga ito. Hinawakan niya sa kamay ang asawang nakatulala.
"Hon, are you feeling ok?" concerned niyang tanong.
"Huh? Ah eh, oo...I'm feeling ok." Parang wala sa sariling sagot ni Shayla at napatingin sa direksyon ni Angela na nasa kabilang dulo ng kuwarto at nagvi-video din ng kambal na mga pamangkin nito.
"Are you pregnant?" he whisphered.
Nanlaki ang mga mata ni Shayla at namula. "Ano bang pinagsasabi mo?" bulong din na sagot nito at luminga linga sa paligid dahil bahagya itong naeeskandalo sa hinirit niya. Ewan ba niya kung bakit gustong gusto niyang pinagba-blush ang asawa. "Tumigil ka nga, honey, baka marinig ng mga tao ang sinasabi no. Kakahiya!"
"Malay kung naka-chamba ako." He naughtily winked at her.
"Pacute ka talaga..." mahina nitong komento saka sumimple ng sandal sa arm chair at tumingin sa kabilang dulo ng mga hilerang upuan kung saan naka-upo rin ang mga parents at guardians na nanood sa presentation ng mga bata. Kabilang na roon si Angela. Napa-puzzle na siya sa ikinikilos ni Shayla kaya naman ibinigay niya ang video camera sa nanny ng panganay na kambal at ini-utos sa mga ito na i-record ang pagkanta at sayaw ng mga anak, bago binalingan si Shayla.
Sinundan niya ng tingin ang patagong tinitingnan ni Shayla. Si Angela pala.
"Natotomboy ka na ba honey kong goddess?" bulong niya sa asawa na may halong palihim na pagdila sa earlobe nito.
Nagulat si Shayla sa ginawa niya at nakiliti.
"Honey naman eh!" Pabulong na sita ni Shayla at binalingan na lang ang bag nito.
Ngumisi lang siya saka pinagmasdan si Shayla na namumula. "Ano nga? Natotomboy na ba ang honey kong godess?"
Tumingin si Shayla sa kanya na na-confuse sa tanong niya. "Ano bang pinagsasabi mo?" Pilit na nagpatay malisya ang asawa sa sinabi niya.
Just watching her movements and gazing at her face without make up, from her naturally arched perfect eye browse, to her naturally thick eye lashes, almost perfect nose, and luscious lips, makes him all love struck like a teenager. Siguro pinag-adya talaga ng Panginoon na hindi sila nagkakilalala ni Shayla noong sila pa ay nasa high school, dahil sigurado siyang hindi na niya pakakawalan si Shayla, at malamang buntis na ito kahit high school pa lang sila. So technically, he would be 1 year senior than her that time; at sigurado siyang makikipag-basag ulo talaga siya kung sino man ang magtangkang manligaw dito.
Habang pinagmamasdan niya si Shayla who was trying to busy herself finding something in her bag, he noticed someone was watching them in his peripheral vision. Napatingin siya sa direksyon na iyon at nakita si Angela na nakatingin sa kanila. Nginitian siya ni Angela. He just nodded as a sign of recognition and smiled, before he focused on watching Bree and Gwen perform.
Nang matapos ang performance ng mga bata, the teacher told them that the parents should also give a little presentation, but since the parents of the children are busy and can't have a group presentation in honor of the kids, they've decided na individual presentation na lang by singing with magic microphone.
At dahil sa sila ang pinakakilala duon, the teacher made a special request for them to sing. Dahil mahiyain si Shayla, siya na ang nagkusang tumayo at pumili ng kanta na may kasamang pagpapatawa sa mga parents at mga bata habang kinakanta niya ang Firework by Katy Perry habang sumasayaw naman ang mga bata sa harapan nila. Pero ang tinuunan niya ng pansin ay ang asawa niya na panay pa rin ang tingin kay Angela tapos medyo aayusin nito ang sarili na para bang nacoconscious. Saka niya naalala ang sinabi ni Angela na she and his wife used to join the same beauty pageants, at sinabihan din nito kanina ang asawa na nag-gain ng weight.
He felt guilty for not being able to get Angela's remark to his wife. Kaya naman habang kumakanta siya ay tinuturo niya si Shayla. "Cause, baby, you're a firework! Come on, show 'em what you're worth. Make 'em go, 'Aah, aah, aah' as you shoot acress the sky-y-y-y!"
At dahil sa nilalahad niya ang kamay sa direksyon ng asawa sa tuwing magko-korus na ay nagsitinginan ang mga tao kay Shayla na nagdulot ng pagkapula ng mukha nito, at nahihiyang napangiti sa ginawa niya. Matapos siyang kumanta ay nagsisunuran naman ang ibang parents na mag-volunteer. Siya naman ay lumakad na papalapit kay Shayla at humalik sa pisngi nito.
"I love you honey kong goddess... the queen of my heart, soul, and mind." He whispered, saka bumaling sa isang parent na nag-volunteer na kumanta din sa harapan.
He knew Angela was watching them from his peripheral vision. Perhaps Angela just wanted to know them better as a family since he is her boss. Although, he also felt the first time that they met that Angela likes him, pero he already told her that he is a family man, dahil naitanong iyon ni Angela in their casual conversation during his interview to her.
Hindi niya mashadong naintindihan ang invincible conflict between Angela and Shayla. But of course, he would always be by Shayla's side to support her, kung mayroon man itong mga issues sa past na maaring mag-emerge, katulad na lang siguro ng invincible competition between her and Angela.