Four

2921 Words
"Kids let's go!" Aya ni Gerard sa mga anak na naka-fall in line sa likod nito dahil nakikipaglaro ito ng 'follow the leader' game with their children.  Ginagaya itong maglakad, kumembot, tumakbo, tumalon, mag-hop, lumakad ng pa-side view at parang mga sundalong nagmamartsa at umaasinta sa kawalan na parang nasa giyera.  Tuwang tuwa naman ang mga bata kaya kahit hindi pa rin pinapansin ni Shayla si Gerard ay napapangiti na rin si Shayla. Siya naman ay sumunod lang sa bandang likod bitbit ang kanyang bag. Unang binuksan ni Gerard ang pintuan ng passenger's seat para sa kanya habang nakahilera ang mga bata at naka-saludo sa kanya. Normal naman kay Gerard na maging gentleman at pagbuksan siya ng pintuan katulad pa rin nung nagsisumula silang dalawa bilang mag-asawa. Pero may extra effort ito ngayon dahil sinusuyo siya nito. Nagulat siya na awtomatikong pumila ang mga anak nila sa tabi ng passenger's seat na parang mga sundalo at sumaludo sa kanya as she walked towards the door of the coaster. Coaster talaga ang ginagamit nilang mag-anak kapag magkakasama sila dahil very convenient ito para sa mga bata, especially that mayroon itong sariling comfort room.    "Who is the fairest among all?" Sigaw ni Gerard na ikinagulat niya. "Sir, Mommy, Sir!" Sigaw naman ng mga bata at nagbubungisngisan. "Who is Daddy's only love?" Sigaw ni Gerard. "Sir, Mommy, Sir!" Sigaw ulit ng mga bata. "Who is Daddy's boss?" Mabilis na tanong ni Gerard. "Sir, Mommy, Sir!" Mabilis naman na sigaw ng mga bata habang wala na sa pila dahil si Andrew ay tumatalon, si Milena naman ay nilalaro ang Barbie Doll na kunwari ay ito ang sumasagot sa tanong ni Gerard. Si Bree at Gwen lang ang nakatayo pa rin sa pila. "Who will Daddy follow?" "Sir, Mommy, Sir!" Tili ng mga bata. "And who should Daddy say sorry to for being impulsive and excited to bring you to Disneyland and Ocean Park?" "Sir, Mommy, Sir!" Tiling sagot ng mga bata. "Sorry Mommy!" Masuyong sabi ni Gerard at lumuhod sa harapan niya bago nagbigya ng isang tangkay ng gumamela na galing sa garden nila. "Sir, Mommy, Sir!" Awtomatikong sagot naman ng mga bata. Napatawa naman siya sa sagot ng mga bata bago binalingan si Gerard na hindi pa rin tumatayo. "Kung anu ano ang pinapagawa mo sa mga bata... at sisirain mo pa yun halaman ni Mang Ambo." Komento lang niya at tinanggap ang bulaklak, bako mabilis na tumalikod sa asawa dahil alam niyang namula ang kanyang mukha. "Am I forgiven?"  Tumayo na si Gerard at pinaharap siya. "Pag-iisipan ko." Kumamot ng ulo si Gerard bago mabilis na pumunta sa pintuan ng kanilang puting coaster at inalalayan siyang umakyat ng passenger's seat. At katulad pa rin ng dating gawi, Gerard buckled her seatbelt then he closed the door for her. Tapos, pumunta ito sa backseat para naman i-check ang mga seatbelt ng mga bata bago ito pumunta sa driver's seat. Siya naman ay chinechek din ang mga bata dahil nga malilikot ang mga ito, lalo na si Drew. "Mommy, I want to stay in front." Hiling ni Milena dahil naiinis ito sa malikot na kapatid na si Drew. "Come, baby." Aniya tinanggal ang kanyang seatbelt bago inalalayan pumunta ang bunsong babaeng anak para ikandong niya. Tinulungan siya ni Gerard na ilagay ang seatbelt sa kanila ni Milena. Ang tatlong anak naman nila ay nasa likod ng coaster kasama ang mga yaya. Si Gwen at naglalaro ng make up game sa tablet nito. Si Bree naman at nanonood ng cartoons sa sarili nitong tablet. At si Drew naman at palipat lipat ng puwesto habang pine-play ang Despicable Me sa tv screen ng coaster. Pumuwesto na ng ayos si Gerard sa driver's seat at nag-seat belt na rin, bago nagsalita. "All aboard?" Malakas ang boses na sabi ni Gerard na kunwari ay nasa train driver ito. "Yes!" Excited naman na sigaw ng mga bata. "Choooooo-chooooo!" Ini-angat ni Gerard ang braso na kunwari ay may hinila ito para tumunog ang imaginary steam engine. Habang nagda-drive si Gerard ay palihim niya itong pinagmasdan. Unlike these past few days, mas fresh ang hitsura ng asawa niya ngayon. Masaya siguro si Gerard dahil kapiling nito ang pamilya at excited ito sa kanilang trip to Hong Kong mamayang hapon. She felt a sense of excitement rin naman with the thought na magta-travel silang buong pamilya, at sigurado din siya na excited na rin ang mga yaya at body guards na kasama sa trip. Masaya din siya dahil alam niyang mag-eenjoy ang mga bata, at makakabonding nila si Gerard na parating busy sa opisina. As they were on their way to school, nagring ang phone ni Shayla. It was Ambassador Pontes. "Hello, Papai!" Bati ni Shayla sa uncle na ngayon ay nagbabakasyon sa Pilipinas kasama ng kanyang ina na si Sarah. "Milena, your mommy and I are with Gerardo and Mary now." Masayang update ni Former Ambassador Pontes. "You're with Daddy Gerardo and Mommy Mary?" takang tanong ni Shayla habang nakakandong si Milena sa kanya. "Sinundo po nila kayo sa bahay?" Napatingin si Gerard sa kanya at parang napa-iling. "Yes, Milena." Sagot ng uncle niya. "Pero saan daw po kayo pupunta?" tanong ni Shayla in Filipino language. Sa isang taon na parating namalagi si Former Ambassador Pontes dito sa Pilipinas after nitong mag-retire sa pagiging ambassador, ay natutoto na rin itong maka-intindi ng Filipino language. "Gerardo invited me and your mommy to go see the presentation of Gwenavir and Sabrina." Masaya pa nitong sabi. "Pupunta po kayo sa school?" nasambit ni Shayla at napatawa. Alam kasi niyang parents lamang ang inimbita ng school sa Moving Up ng mga bata. "Yes, Milena. I will give the phone to Gerardo. He said he wants to talk to you," sabi pa ni Former Ambassador Pontes. "Shayla, anak, inimbitahan kasi kami ng school na pumunta sa Moving Up nina Gwen at Bree." Parang apologetic na paliwanag naman ni Pres. Ponce. "Inimbitahan po kayo ng school?" takang tanong niya dahil ang alam niya, parents lang ng mga students ang invited sa Moving Up because it was just a mini-event that will be done inside the classroom kaya naman nagtaka talaga siya na inimbitahan si Pres. Ponce, ang president ng Pilipinas na busy sa pagtutok sa buong bansa, sa isang maliit na event lamang. Napatingin sa kanya si Gerard at umiling. "I'm sure Dad did something to make the school invite him..." komento ni Gerard. "I heard Ardy's comment." Sabi naman ni Pres. Ponce. "I didn't do anything!" Napapatawa pero defensive na sabi ni Pres. Ponce. "I just told the school Principal that I'd like to do a random visit in one of the schools in , and I chose their school today. They said that my grand daughters have an event so they invited me. Pls tell that to Ardy." Guilty na paliwanag ni Pres. Ponce. "He can even ask your Uncle Migoel to validate!" Dagdag pa nito. Na-touch at natawa siya sa mga in-laws, uncle, at kanyang mommy dahil gusto talaga ng mga ito dumalo sa Moving Up ng mga panganay na apo.  "Dad, it's okay. I'm glad makakapunta kayo. I'm sure Bree and Gwen would be so excited to see you! Two weeks na po kayong hindi nakakabisita sa bahay. We miss you po, Dad and Mom!" Aniya pa  sa father-in-law. "Pasensya na, anak, at hindi kami nakadalaw ng iyong mommy dahil umattend kami sa United Nation Conference two weeks ago, at pagbalik namin marami ng kailangan asikasuhin." "It's okay Dad, we understand po. We saw you in the news po. Your apos even said something..." "Ano yon, iha?"natatawa at excited na tanong ni Pres. Ponce lalo pa't miss na miss na nito ang mga bibong apo. "Teka lang po, I will give the phone to the kids." Sabi ni Shayla. "Dali, kids, lolo ninyo ito.  Sabihin ninyo kung ano ang sinabi niyo nung nakita niyo siya sa news nung isang araw! " Nagmamadali at excited niyang sabi saka ibinigay sa yaya nina Gwen at Bree ang phone niya. Sabay sabay naman nagsalita ang mga bata. "Lolo Daddy is pogi!" Ibinigay muli ng yaya kay Shayla ang mobile phone niya. "Dad, narinig ninyo po?" Narinig naman iyon ni Pres. Ponce at humahalakhak. "O siya, sabihin mo na lang kay Ardy na darating kami dahil inimbitahan kami ng school." Sabi ni Pres. Ponce. "Sige po, Dad." Aniya at saka ibinababa ang fon. Napansin niya ang asawa na umiling. "Tsk! Si Dad talaga..." napailing na sambit ni Gerard habang nagdada-drive. Ayaw sana niya kibuin si Gerard dahil nga nagtatampo pa siya rito for deciding on impulse again, without even consulting her. Parati kasing ganun si Gerard. Palibhasa alam nitong ifo-forgive naman niya kaagad ang asawa, katulad nga ngayon na nawala na yun' tampo niya dito. "I'm sure si Dad and Papai manipulated the situation that's why they were given special treatment." Iling ni Gerard. "That's unfair to the other lolos and lolas of the other kids. What will the other parents say if they see Gwen and Bree's grand parents are allowed in school, when the invited should be the parents only?" "Hayaan mo na, hon. Excited lang siguro talaga sila. And besides, pabor pa nga ang pag-imbita ng school kay Daddy diba dahil they will get to meet the President of the Philippines in person. Bongga!" Paliwanag niya. "Kahit na honey. We're trying to be low-key to protect the kids from possible public interest, lalo na to keep them away from danger." "Honey, matagal ng alam ng public na anak ka ni Pres. Ponce, at ang mga batang ito ay apo nina Pres. Ponce at former Brazil Ambassador to US Migoel Pontes." "Kahit na... si Dad talaga..." Umiiling pa rin na sabi ni Gerard. Pag dating sa mga bata, over-protective si Gerard, at naiintindihan naman niya iyon dahil na rin sa pinagdaanan nilang dalawa ng asawa sa kamay ng masasamang tao.  Isipin pa nga lang niya iyon, kinikilabutan na siya sa takot. Napatingin si Gerard sa kanya and held her hand. "I wont let anything happen to our kids, honey." Gerard assured her. Siya naman ay napatigil dahil nagtaka siya kung paano nalaman ni Gerard ang naisip niya. "May third eye ka ba pero hindi mo lang sinasabi sa'ken?" tanong niya sa asawa. Napatawa lang si Gerard, showing off those killer dimples that she secretly adores about him. " Let's just say that I'm so interested in you kaya I made it my lifelong commitment to get to know you better, know what you don't like, and like, find out what makes you tick, your strengths, weakness, fears, and how I can try to help you achieve your full potential . Asawa kita. Siyempre alam ko na kapag sumimangot ka, ngumiwi yang bibig mo, kilabutan ka, o kung mabulol ka man. Alam ko yan. Mahal kita eh!" Aniya saka kumindat kay Shayla. "Pacute ka talaga." Irap niya at lumingon sa bintana para itago ang di niya mapigilang kilig.  Gerard took his ID from the school security guard at nagpasalamat. Ito ang isa sa mga bagay na gusto niya sa school na pinapasukan ng mga anak. Strikto ang mga guwardiya at hindi basta basta nagpapasok ng tao sa school kaya kampante siya na safe ang mga anak sa loob ng school ng mga ito. Pagkabigay sa kanya ng ID ay sumaludo sa kanya ang security guard. At kahit hindi sanay, sumaludo na rin siya. Napatawa naman si Shayla kaya naman napatingin siya sa asawang nakangiti, bago pinindot ang automatic button para kusang magsara ang bintana niya. "Ganda lang ng misis ko." Kinindatan niya si Shayla. She wasn't expecting him to compliment her kaya namula ito at sumagot na bolero siya. Alam niya na na-flatter ang asawa at hind nito alam kung paano mag-reak sa compliment niya kaya naman napangiti siya at saglit nawala ang pagka-inis sa mga unang napansin na naka-park na mga government vehicles sa labas at loob ng school nila Bree at Gwen. They entered the school. There were security all over the place. Alam na niya na naroon na ang kanyang magulang, si Uncle Migoel at Mommy Sarah. Napailing na lamang siya nang pumasok siya sa car park. As much as possible, gusto niya na low profile lang ang kanyang mga anak para hindi ituring na iba ng mga kaklase o ng mga teachers. Pero sa pagbisita ng kanyang mga magulang, at ni Uncle Migoel Pontes na former Brazilian Ambassador sa US which also meant that Uncle Migoel was like a 'President' of Brazil, outside of his country. "Okay lang yan, hon..." Shayla held his hand dahil napansin nito ang pagkunot noo niya nang makita ang mga Presidential bodyguards na pumupuwesto na malapit sa Kindergarten room nina Bree at Gwen. Excited naman nagsibababaan ang mga anak niya dahil alam na nila na kapag may Presidential body guards sa paligid, it mean only means that their lolo and lola were just around.  Tuwang tuwa pa naman ang mga bata kayla Pres. Gerardo Ponce at Ambassador Migoel dahil spoiled ang mga bata sa mga ito.  Lalo na kapag narito din ang mga Pontes uncles ng mga ito dito sa Pilipinas. Palibhasa mga binata pa at nag-iisang babae si Shayla sa pamilya Pontes kaya naman spoiled si Shayla at ang mga bata sa mga ito. "Honey, let's go?" aya ni Shayla sa kanya dahil nagbabaan na ang mga anak at silang dalawa na lang ang natira sa sasakyan.  He nodded and turned off the engine, and took the car key, tapos bumaba na sa coaster. Binuksan na rin ni Shayla ang pintuan ng sasakyan kaya naman nagmadali siyang pumunta sa puwesto nito, para pagbuksan ng pintuan ang asawa. "Thank you, honey." Shayla said and gracefully went out of the coaster. They walked together, holding hands, as they entered the kindergarten room. Parang may artista dahil pinagkakaguluhan ang kanyang magulang at si Ambassador Pontes. Palibhasa, guwapo pa rin si Ambassador Pontes kahit na ito ay may edad na. Si Mommy Sarah naman ay kasama ng mga apo at nakikipagkuwentuhan sa mga ito. Pinapaliwanag nito sa mga anak kung bakit nagpapa-picture ang mga tao sa kanilang mga lolo at lola. Nagmano sila ni Shayla kay Mommy Sarah at tumabi dito, habang pati teacher nina Bree at Gwen ay abala magpa-picture sa magulang niya. "I can't believe it!" Someone said from the crowd. Madali lamang makita ang papalapit na babae sa kanila dahil matangkad, mestisa, at maganda ito. At isa pa, kakakilala pa lamang niya rito sa opisina- si Angela Aragon. Ang bagong hire na New Business Development Manager ng Ponce Group of Companies. Si Percival ang nagbigay ng direction na interviewihin niya si Angela, at pag-approve sa kanya ang candidate for the open position, ay ifafinalize na ang pag-hire kay Angela Aragon. Dahil sa magaling naman si Angela at impressive ang resume nito, he approved the hiring of Angela who was based in Singapore and was now going to base here in the Philippines. Kasama kasi sa offer ng Ponce Group of Companies ang pag-provide ng sarili nitong condominium, sasakyan, at magandang salary. She was going to start her orientation the following Monday.  Napansin ni Gerard na lumaki ang mata ni Shayla at parang namutla ito.  Hinawakan niya sa kamay ang asawa, at tumayo "What a small world!" Angela said as she approached them. "Hello, Angela." Bati niya dito saka bumaling kay Shayla na namumutla pa din."Let me introduce you to my wife." He said and urged Shayla to come a little forward dahil parang nagtatago ito sa likod niya. "Hon, let me introduce to you Angela Aragon. She is our new New Business Development Manager of Ponce Group of Companies." Sabi niya at bumaling kay Angela."Angela, this is Shayla. She's my wife, and..." bahagya siyang umurong para iintroduce naman ang mga anak nila at si Mommy Sarah."Kids, say hello to Tita Angela." He said. "Hi!" Nahihiyang bati ng mga bata. "Hello! Oh, you've got adorable kids! Mana sa ama." She complimented. Napangiti naman si Gerard at tumingin kay Shayla na hindi pa rin nagsasalita. Nakatingin lang ito sa kanya at kay Angela. "They're combination of me and my wife. Maganda ang combination, diba?" Gerard said and gently pulled Shayla a little closer to him. Somehow he could feel his wife was feeling uncomfortable with Angela's presence. He just couldn't figure out why. "Ah, yes, si Shayla..." she flatly said. "Shayla and I used to be in the same pageant, right Shayla? We compete with each other. Sometimes she wins, sometimes I do." Angela said smiling. "We used to compete, pero nawal siya bigla sa beauty pageant circle. Last I heard, she got pregnant. And here were are now." Angela casually narrated. "Really?" Naaliw naman na sabi ni Gerard as he learned more about his lovely wife. He knew that she used to join beauty pageants, but he didn't realize how it could have been a tight competition, especially that Angela was a beautiful woman. And to know that Shayla would sometimes win over him makes him so proud of his wife.  Kaya lang, sa limang taon nilang pagsasama ni Shayla, hindi man lang niya naitanong sa asawa ang tungkol sa other world nito--- ang mundo ng beauty pageants.   "I didn't expect to see her again." Angela shared to no one in particular. "May mga anak na pala itong si Shayla!" She looked at Gerard, then to Shayla. "That explains why you gained weight. A little lang naman!" She looked at Shayla with a plastered smile on her face. "You still look fabulous, even without make up." She said flatly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD