Three

2509 Words
Lock Gerard kept his promise. He didn't go to office today. He even woke up early para magawa na niya ang kanyang morning routine, bago pa magising ang kanyang magi-ina. Matapos niyang mag-ehersisyo ay dumaan siya sa quarters ng mga body guards para ipahanda ang coaster. Kapag coaster ang pinahanda niyang sasakyan, alam na ng mga kasambahay at body guards ni Gerard na may affair ang pamilya kaya naman kino-coordinate na rin ng head ng security na si Ed ang assigned na mga body guards sa convoy. Ipinaghanda na rin niya ang mga yaya ng 5:00am para sa baon ng mga anak. Kapag aalis kasi ang mga bata, sinisigurado ni Shayla na may baon na pagkain ang mga ito, lalo na't gutumin ang mga bata sa biyahe. Preparation for the kids' food takes time din kasi dahil, as much as possibe, fresh na pagkain ang inihahanda ni Shayla para sa mga ito. Hindi pinapakain ni Shayla ang mga bata ng junk at processed food. Kung gusto ng mga bata ng parang mga chips, ang pinapakain nito ay mga home made sweet banana chips, salted and fried potato chips, malunggay chips, at mga sandwiches na gawa sa home-made mayonnaise, fresh vegetables at fruits. Palibhasa ay na-diagnose si Mommy Sarah na may first stage cancer sa breasts kaya naman iniingatan ni Shayla na ma-prevent sa mga anak. Imbis na gisingin pa niya si Shayla para mag-prepare ng mga pangangailangan ng mga bata ay siya na ang gumawa nun para hindi na kailanganin ni Shayla na gumising ng mas maaga. He also sent text message to his secretary to get them tickets for tonight to bring the kids to Hong Kong, dahil it was just a few hours away from the Philippines. It was a spur of the moment decision for him dahil wala siyang ibang maisip na pambawi sa kanyang mag-iina dahil hindi siya nakasipot sa movie date nila kagabi. Sigurado siyang magre-react na naman si Shayla dahil magastos ang pumunta ng Hong Kong, kahit malapit pa ito sa Pilipinas, lalo pa't mas gusto ni Shayla yun' tinatawag nilang 'Piso fare' which meant that a passenger must book months before his or her target date para daw mas praktikal. Alam naman niya kung saan nanggagaling yun' pagiging matipid ni Shayla. She has been through a lot nung kadalagahan nito kaya natuto itong magtipid at mag-ipon ng ipon for the future. Sabi nito ayaw nitong mangyari sa mga anak niya yun' sinapit nito noong dalaga pa ito, na minsan ay napapaasa ito sa tulong ng mga kaibigan na tinuturing nitong mga kapatid na sina Rori, Tanya, Jackie, Rainbow at Pinkie. Napangiti siya habang nai-imagine kung paano na naman siya iirapan ng asawa at magwal-walk out sa kanya. Ganuon naman parati sa kanya si Shayla. Mas gusto pa nitong magtago at umiyak sa isang sulok kesa makipag-away sa kanya. Siya naman ay nangungulit at habol ng habol. Ilang beses na ba siyang sinasaraduhan at nila-lockan ng pintuan ng asawa, pero wala lang itong magawa kasi he made sure na may sarili siyang susi sa lahat ng puwedeng pagmukmukan ng asawa, kaya naman hindi natatapos ang araw ay nagbabati na rin sila. Kaya naman he still pushed through with his plans. Pinahanda na rin niya ang mga gamit ng mga bata para naman pagbalik nila sa bahay matapos ang program sa school ay magpapahinga lang sila for a few hours at babiyahe na papuntang airport Matapos makapaghanda ng mga yaya ay nagsipuntahan na ang mga ito sa kanilang quarters para rin makapaghanda lalo pa't kasama sila sa pagpunta sa Hong Kong mamayang hapon at wala na rin oras ang mga ito mamaya upang maghanda. Gayun din ang mga body guards na awtomatikong kasama sa pagpunta sa Hong Kong. Pumasok na siya sa kuwarto nila ng kanyang asawang naka-fetus position sa kama. Nakatalukbong ito ng kumot dahil ginawin si Shayla. Siya naman ay mainitin kaya naman kuntodo talaga ang air con sa kuwarto nila. Mabilis niyang hininaan ang air con because he forgot to lower the thermostat to 4 before he left the room. Then he went to take a bath. After taking a shower, pumunta siya sa under the blanket to embrace his wife. "Honey...ang lamig mo..." antok na sabi ni Shayla at iniwas ang katawan sa malamig na braso niya. "Gusto mo bang uminit ako?" pilyong bulong ni Gerard sa asawa while his hand travelled inside her lingerie. "Honey..." she moaned and tried to stop his hand. "I need to pee..." "Ok, I'll wait." Pumuwesto na siya ng tuluyan under the blanket. "Ayoko pang tumayo hon, tulog muna tayo..." inaantok na sabi ni Shayla at nagtalukbong pa lalo ng blanket. "Ok, honey. I'll carry you to the bathroom." Aniya at akmang tatayo na. "H-huh?" antok na sabi ni Shayla. "H-hindi na...ako na lang...matulog ka na lang ulit..." sabi nito na parang bangag at tinanggal na ang kumot saka tumayo ng kama. Akala nito na kakagising lamang niya. Siya naman ay sumunod pa rin sa inaantok na asawa. Pinanood niyang umupo ito sa toilet seat at saka umihi kahit nakapikit pa ang mga mata. "Honey, you didn't remove your underwear?" tanong niya na nagpamulat ng mata ni Shayla habang nakaupo ito sa toilet seat. Napakagat ito sa labi. "Eh... Kasi ikaw eh! Saan mo ba nilagay? Hindi ko mahanap kagabi sa kama kaya nagsuot na lang ako ng pangtulog." Napatawa siya at naalala na kahapon habang naghaharutan silang mag-asawa dahil nga nagtatampo ito sa kanya ay napalakas siya ng pagtapon ng underwear nito at napunta ito sa bandang pintuan. Tumungo siya duon dahil hindi rin niya ito napansin bago siya lumabas sa kuwarto kaninang umaga.  Ang alam niya dun niya banda sa pintuan ng kuwarto ibinato ang underwear ni Shayla habang naghaharutan sila pero wala ito doon ngayon. Hahanapin na sana niya iyon sa ilalim ng kama at sa bawat sulok ng kuwarto pero pumasok na ang panganay nilang twins. "Daddy, you're here!" Excited na akap ng dalawa sa kanya na mga naka-pajamas pa din. "Good morning, girls!" Bati niya sa dalawa at inakap sila bago inaya na maupo ang mga ito sa kama. "I'm really sorry I wasn't able to join you last night. How was the movie?" "It was okay, Dad." Sagot ni Gwen at umupo sa kama. "Right, Bree?" "Yes, Daddy. It was cool! But it was Drew who really enjoyed it." Ani naman ni Bree at umupo rin sa tabi ni Gerard. "Hon, hindi ka pa sasabay maligo?" lumabas si Shayla from the bathroom na walang saplot sa katawan. Hindi nito narinig na naroon pala ang dalawang bata kaya nagulat siya at napatakip ng katawan nang makita ang mag-aama na nakaupo sa kama. "Oh my gosh! Mommy! Cover yourself!" Tili ni Bree, at si Gwen naman ay tinakpan ang mga mata niya. Nakita pa niya na bumalik si Shayla papunta sa bathroom, bago tinakpan ni Gwen ang mga mata niya. Napangiti siya. "Can't I look at your Mommy?" "Of course not, Daddy! Mommy said that girls shouldn't go outside of the room without wearing clothes, and boys shouldn't see girls without clothes on. It's bad." Paliwanag ni Bree. "Okay, Mommy is dressed now." Sabi ni Shayla na tinatali ang string ng robe na isinuot nito, bago sumandal sa pintuan ng bathroom at pinanood silang mag-aama. Inalis lamang ni Gwen ang mga kamay sa mata ni Gerard after nito magbilang ng 1 to 3. Nagkatinginan naman silang mag-asawa. Gerard saw Shayla wearing her light Pink robe, which color was as crimson as her face, kaya lalo naman siyang napatawa. Hindi makatingin si Shayla sa kanya siguro dahil nahihiya ito na nakita ito ng mga anak na naka-hubad. Binalingan na lang niya ang kambal.  "How about, daddy? Can daddy walk around without clothes on?" tanong ni Gerard sa panganay na kambal. "Mom said Drew cannot run around without clothes on so I guess you cannot run around without clothes on too, Daddy." Si Bree iyon. "Yes, Daddy, or else Mommy will see your patotoy." Si Gwen yon. Napatawa lalo si Gerard. "Patotoy? And what's that?" tanong niya. "Honey---" sita ni Shayla sa kanya at lumapit na sa mga anak. "Girls, I think you should go take a bath now because you've got a big day today, right? It's Moving Up day! Yehey!" Masayang sabi ni Shayla sa mga anak. Na-enganyo naman ang kambal at nagpaalam na sa kanila bago lumabas ng kuwarto. Pumasok naman si Milena at Drew. Tumakbo kaagad si Drew sa kama at umakap sa kanya bago tumalon talong habang ang mahinhin na si Milena naman ay bitbit ang kasing laki nito na Barbie doll. Napansin ni Gerard ang nakasabit na Red na thong sa balikat ng malaking Barbie doll na animo'y isa itong bag. Nanlaki ang mata ni Shayla at namula. Siya naman ay mabilis na lumapit kay Milena. "Baby, did you come to Dad and Mom's room last night?" tanong ni Gerard sa bunsong babaeng anak, saka ito binuhat papalapit kay Shayla. "Yes." Sabi ni Milena habang karga ang Barbie Doll. " Are you feeling better now, Mommy?" may worry sa tanong ng anak. "Yes, baby. Mommy's not sick." Sagot naman ni Shayla na bahagyang nagtaka sa tanong ng anak, tapos bumaling naman kay Drew na talong ng talon sa kama. "Drew, please stop jumping on the bed. If you jump and fall from the bed, you'll bump your head and it's really going to be painful. DoO you want that to happen?" sita nito. Hindi sumunod si Drew, pero nang tumingin na si Gerard kay Drew ay naupo ito sa kama. "Can I just swim on bed then, Dad...Mom?" tanong ni Drew. "Yes, but just do the backstroke so your Mom wont be afraid that you're suffocating yourself if you do butterfly stroke." Sagot naman ni Gerard. "Ok." Ani naman ng lalakeng anak. "Why did you come to Dad and Mom's room last night? Do you need anything?" tanong ni Shayla sa anak na karga niya. "I wanted you to comb my hair, and I will comb Barbie's hair, but you were having tummy ache so Daddy kissed your tummy..." sagot ni Milena habang kinakalikot ang ribbon ng Barbie doll nito.  Napakagat labi si Shayla. "Baby, next time when you go to Dad and Mom's room, you should knock, okay?" Marahang sabi niya.  "And, you should ask Mommy's permission first if you want to use her things like this one." Dagdag ni Gerard na ang tinutukoy ang Red thong ni Shayla. "No, this is Barbie's bag." Sagot ni Milena. "Mommy is using this. If you will give it to Barbie, then Mommy will not have bag anymore. Poor Mommy...." Paliwanag ni Gerard. Si Shayla naman ay nakatingin lang sa kanya at naghihintay na sana ay pumayag ang kanilang bunsong babaeng anak. Kinuha ni Milena ang red thong at ibinigay kay Shayla. "Here you go, Mommy." "Oh! Very good, baby! Thank you so much!" Natuwang sabi ni Shayla at humalik sa anak. Biglang may kumalabog. Nahulog sa kama si Andrew. Agad na pinuntahan ni Shayla at Gerard ang anak na nasa sahig. "Are you ok, Drew?" alalang luhod ni Shayla at sinapo ang ulo ng anak para hanapin kung mayroon itong bukol o sugat. "I'm okay." Sabi naman ng anak at mabilis na tumayo. "I'm strong!" Sabi pa nito at saka tumalon talon ulit. "Yeah! We're strong!" Growl ni Gerard at nagfront double bicep bago nilagay ang mga maskulado nitong braso at kamay sa harap ng abdomen area na kabisado naman ng anak kaya ginaya din siya nito. "Daddy is a superhero but you look like a monkey, donkey." Komento ni Milena sa kakambal. "Milena, that's mean." Sita ni Shayla. "Don't say to your brother or to anyone, ok?" Marahang sita ni Shayla sa babaeng anak. "You say sorry to your brother." Sumunod naman ang anak na babae at nag-sorry sa kapatid. "It's okay Milly! I know you didn't mean it." Sabi naman ni Drew. "That's very good kids. It's good that you know how to say sorry, and you know how to forgive." Emphasize naman ni Shayla sa mga bata bago sila sinabihan na pumunta na sa mga yaya nito upang maligo at makapag-handa. Pagkaalis ng mga bata ay ni-lock ni Shayla ang pinto. Napatingin naman siya sa asawa at nagtaka. Naglakad na papunta sa bathroom si Shayla at sinara din ito. Sumunod naman siya sa pintuan at napansin na naka-lock ito. Mental note: duplicate bathroom key. Sa isip niya bago kumatok. Binuksan ni Shayla ang pinto. Basa na ito ng tubig dahil nagsha-shower na pala ito. "Bakit mo ako pinagla-lockan ng pinto?" may himig pagtatampo niyang tanong. "Sorry, honey, nagsasanay lang ako..." sabi nito at bumalik na sa bathtub. "Nagsasanay para saan?" taka niyang tanong habang nagtatanggal ng damit. Kahit naligo na siya kanina, naengganyo siyang maligo ulit para makasabay ang asawa. "Eh kasi naman kailangan maingat tayong dalawa. Nakita kaya tayo ni Milly na nagme-make love..." sabi ni Shayla habang nagsasabon na ng katawan. "Nakakahiya. Paglaki ni Milly siguro, sasabihin niya, 'Ewwww! Ewww! I saw Mommy and Daddy doing it!' " Naalala ni Gerard ang sinabi ni Milena na masakit daw ang tummy ni Shayla kaya hinalikan niya ang tummy nito. Napatawa at napailing siya bago pumunta sa bathtub at yumapos sa asawa mula sa likod. "I'm sure she wouldn't remember it..." natatawang sabi niya at kumuha ng liquid bath soap na paborito ni Shayla, at tinulungan itong magsabon ng likod. "Our kids are growing fast..." komento niya. "Dadating ang panahon, tayo na lang pala ulit dalawa ang magkasama...." Aniya at humalik sa leeg ni Shayla saka yumapos. "By that time, hindi na natin kailangan mag-lock ng pinto. Hehehe!" Napatawa si Shayla. "Honey, pagdating ng panahon na 'yon, uugod ugod na tayo. Hindi mo na kaya maging pilyo. Pero as of now na 5 at 4 years old pa lang ang mga anak naten, dapat ingat ingat din tayo pag may time, diba? Ikaw pa naman basta maisipan mo, sige lang ng sige..." "Noted, honey. Kaya pagdating natin sa Hong Kong mamaya, ise-secure ko na ang lock ng double room suite." Sabi niya. "Hong Kong? Mamaya? Kelan ka nagpabook?" napatigil si Shayla ng pagligo. "Kanina..." sagot ni Gerard at mabilis na inakap si Shayla saka sinakop ang bibig nito, kahit pinilit magpumiglas ni Shayla para magreklamo at magsermon tungkol sa pagiging magastos niya. Sinadya niya talagang sabihin ngayon sa asawa ang tungkol sa pagdesisyon niyang pumunta ng Hong Kong mamayang gabi para hindi na ito makapalag. Alam rin naman niya kasi kung paano lalambingin ang asawa.  Alam din naman niya na minsan ay sumosobra na siya to the point na pakiramdam ni Shayla ay hindi niya pinapakinggan ang opinyon ng asawa. Pero hindi naman niya guso ma-offend ito. Minsan nga lang, hindi rin talaga niya mapigilan maging dominante sa kanilang dalawa, lalo pa't siya ang padre de pamilya, at alam niya na mabati at pasensyosa ang asawa. Alam din niyang mahal na mahal siya nito kaya pagbibigyan siya nito. He recognizes that from his wife, and it was what he loves the most about her. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD