Twenty Two

3112 Words
Napatili si Shayla sa pagtalon sa kanya ni Gerard. He swirled around her, and wrapped his arm around her waist and held her behind as they fell down together. Mariin niyang ipinikit ang mga mata dahil alam niyang babagsak siya sa damuhan. Inaabangan na niya ang sakit na mararamdaman sa kanyang likod sa kanyang pagbagsak, ngunit naramdaman na lamang niya ang kanyang pagdagan sa katawan ng asawa.  Iminulat niya ang kanyang mga mata, at natagpuang nakangiti si Gerard behind his face goggles, habang nakahiga ito sa damuhan. She never missed seeing those evident dimples that she loves the most about Gerard. "Honey, parang bumigat ka yata ng .99 pound." Hirit nito, habang siya naman ay naka-side view  while on top of him.  Hinampas niya sa dibdib ang asawa while she felt him possessively held her behind and thigh as she was sprawled on top of him. Gayunpaman, ramdam naman niyang nakaalalay si Gerard habang nakahawak sa kanyang hita at inayos pa nito ang kanyang palda upang hindi siya makitaan. "Oh my vegetables! My ensemble is ruined!" Narinig nilang tila ni Rori. "Naku, I'm so sorry, sweetheart." Ani Lee na nauna nang lumapit kay Rori humawak sa beywang nito. "Are you alright, Shayla?" worried naman na lapit ni Utt sa kanilang dalawa ni Gerard. He seemed to ignore that Gerard was there. "Yes, Shayla is alright. I won't let anyone happen to her." Sagot naman ni Gerard. Nakaramdam si Shayla ng kaba sa dalawang lalaki, at mabilis na nag-isip kung ano ang gagawin. Tuminging siya kay Rori at Percival para humingi sana ng saklolo, pero napansin niyang may sarili rin itong kinakaharap na namumuong away. Nakita niya kasi na magkasalubong ang kilay na lumapit si Percival kay Rori na ngayon ay hawak ni Lee sa bewang at parang sinisipat ang katawan nitong natamaan ng paintball. Siya mismo ay nailang sa ginawa ni Lee dahil parang pasimple nitong sinisipat ang kabuuan ni Rori, habang itong si Rori naman ay oblivious sa ginagawa ni Lee dahil nakatuon ang pansin nito sa nadumihang kasuotan. Agad na hinila ni Percival si Rori mula kay Lee at tinulak ang lalaki. Agad naman humarang sa pagitan nina Percival at Lee si Rafa. Napatumba si Lee sa damuhan, at sinunggaban naman ito ni Percival. Mabilis silang tumayo ni Gerard at tinakbo ni Gerard ang pinsan. Sina Lee at Utt naman ay pumigil din sa mga ito. "Hey! Hey! Easy!" Sigaw ni Gerard habang halos yapos na nito si Percival  at pasugod pa rin kay Lee. "Don't touch my wife!" Sigaw ni Percival at dinuro pa si Lee. "I was just worried about her ensemble!" Galit na rason ni Lee. "Will you both bloody calm down?" pakiusap ni Rori na naasar na sa dalawang gustong magsuguran. Pumagitna ito sa dalawang lalaking pilit na gustong magka-abot at magbunuan. "I'm sorry I got panicked. I can make a new ensemble so there is nothing to quarrel about!" "That's not the point, Rori. He was touching you!" Galit na sabi ni Percival. "Oh!" Namula si Rori at saglit na napa-isip. "I thought you were worried about my creation. So it's really about your ego pala that some guy is touching me, right?"  May bahid pagtatampong sabi ni Rori. Si Shayla naman ay bahagya nang nalito kung ano na ba ang point ng diskusyon ng mga ito. "Okay," parang napahiyang sabi ni Rori, at nag-walk out. Tumigil na sa pagsugod si Percival dahil pati ito ay parang nagulat sa naging reaksyon ni Rori. "Baby!" Tawag ni Percival sa asawang nag-walk out habang humikbi. Napatingin ito sa kanila ni Gerard na parang nagpapaalam na susundan nito ang nag-walk out na asawa. Tumango lang si Gerard na parang naintindihan si Percival. Lumakad na paalis si Percival, at si Gerard naman ay lumapit na sa mga lalaki. "It was a good game." Anito na ibinagay ang kamay sa mga lalaking kalaro at nakipag-kamay.  "Congrats." Anito. "We'll see you tonight at the bar, okay?" Sabi pa nito kina Lee, Utt, at Rafa na para bang walang naganap na muntikang initan sa pagitan nilang dalawa ni Utt. Nagpaalam na rin ito sa mga lalaking tila parang nagse-celebrate sa panalo ng mga ito. Siya naman ay pinuntahan na ni Gerard at inalalayan sa siko palabas ng field. "Paano sila nanalo? Kahit si Rori naman ang tinamaan nila, hindi naman kasali si Rori sa laro diba?" nagtataka niyang tanong. "Natamaan ako." Sambit lang niya. "Ha?" gulat niyang nasabi at tumigil sa paglalakad. Nag-aalala siya para sa asawa dahil alam naman nitong ayaw ni Gerard na natatalo, lalo pa't batid din naman niya nagseselos ang asawa kay Rafa, at kay Utt, lalo na sa binangit nito bago sila matulog kagabi. "Kilala mo pala si Utt?" naalala niyang tanong ni Gerard nang yumakap ito sa kanya mula sa likod. "Ha? Oo..." napakagat labi siya. She was unsure where the discussion was leading to. Pero batid niya sa asawa na parang may himig pagseselos ito. "Nanligaw pala sa' yo yung si Utt." "Muntik na. Pero hindi natuloy." "Muntik na? May muntik ba na balak ng mag-alsa balutan sa US, at maghanap dito ng matitirhan at magiging negosyo para lang makasama ka..." "Hindi ko alam, honey. Hindi naman ako nagpe-pay attention sa mga ginagawa niya noon. Pinagbibigyan ko lang si Utt pag tumatawag siya kasi kaibigan siya ni Pyke. Nakakahiya naman bastusin lalo na mabait sa akin sina Pyke at Rori. At isa pa, sila lang naman ang nagkukulit sa akin non na maging open na maligawan noon para raw makita ko na ang knight in shining armor ko... eh diba noon di naman ako naniniwala sa knight in shining armor, Prince Charming, at kung ano pang anything related to love?" Saglit na natahimik si Gerard. She was hoping that their conversation about Utt would end there, but something told him Gerard was not satisfied with the discussion. "Guwapo, a." Simpleng komento ni Gerard. Kahit hindi siya nakatingin sa asawa ay batid niya na pinagmamasdan ni Gerard ang reaksyon niya. "Ayos lang..."she simply said, careful of her choice of words because she didn't want him to feel jealous of Utt. After all, si Gerard lamang ang laman ng isip, puso, at isipan niya. Bukod duon, kahit hindi man niya maipaliwanag ang nararamdaman, alam niya sa sarili that Gerard is the one for her, despite how they met in the past, and despite how they started. Alam niyang si Gerard ang soul mate niya. Alam din niyang alam din ni Gerard na ganuon ang nararamdaman niya para dito. Kaya naman hindi niya masigurado kung saan patungo ang usapan nila ngayon lalo na't nase- sense niya sa asawa parang may selos itong nararamdaman sa natuklasan na 'past' nila ni Utt noong sinubukan nitong manligaw sa kanya, kung maituturing ngang past iyon. Pero para ma-assure ang asawa ay inunahan na niya ito. Hinarap niya si Gerard. "Ayos lang yung fez ni Utt for me, pero hindi kasi siya ang tipo kong guy." Napangiti si Gerard. Natatawa kasi ito sa gay language ni Shayla na hindi pa rin nito naalis simula nang magkakakilala sila. "Talaga? Hindi ka nagagwupuhan sa fez ng otokong yon?" hirit pa nito na ginamitan din siya ng language that Shayla is most comfortable using. "Oo nga," napapatawang sabi niya. "Yung tipo ko kasi eh yung chinito...yung parang... ikaw." Malambing niyang sabi habang hindi nakatingin sa asawa. Nakatingin lang siya sa ceiling para hindi siya ma-conscious sa pag-amin niya sa asawa. "Type ko yung may dimples... yung parang ikaw?" sumulyap siya kay Gerard at nakitang nakangiti ito.  "Gusto ko yung kapag ngumiti siya, kinikilig ako." Ewan ba niya kung bakit habang umaamin siya ng tipo niyang lalaki ay parang nagba-blush siya. Kasi naman kung makatitig ang guwapo niyang asawa eh para siyang natutunaw. Hindi pa rin kasi naniniwala yung feeling niya dito simula noong una silang nagkita. Kinikilig siya dito. "Sa pagkakaalalam ko, ikaw lang ang nagpapakilig sa akin ng ganito. " Pag-amin niyang pinilipilit hindi mag-blush. "Kinikilig ako sa dimples mo. Dimples pa nga lang kinikilig na ako, ano pa kaya pag nagpa-kyut ka na sa akin? Tapon na talaga kaagad panty ko sa floor! Ang wafu mo kasi eh!" Hirit niya sa asawa. "Bolerang honey kong goddess..." naalala niyang hinirit ni Gerard at ginulo ang buhok niya. "Nubey!" Hirit niya. "Gusto mo lang i-flatter kita eh kaya mo ko tinanong ng tungkol kay Utt, no?" Pinigil ni Gerard ang pag-ngiti pero kusang lumalabas ang dimples nito. "Oo..." binitin ni Gerard ang sasabihin. "...nga pala hon, may boys' bonding time nga pala kami bukas ha?" "Saan kayo pupunta? Baka may chicks doon ha?" "Wala, honey. Maglalaro lang kami ng game. Ang matatalo sa game, yung grupong talunan ang magti-treat ng boys' night out bukas ng gabi." "Mag-iinuman kayo?" "Oo, hon. Okay lang ba?" "Oo, pero nagworry naman ako dun sa war na sinasabi mo. Anu bang game yan? Baka magkasakitan kayo ha?" "Hindi hon.Wala namang sakitan dun." "Eh... gusto mo ba ng cheerer?" "Huwag na, honey. Mag-enjoy na lang kayo ng mga bata bukas sa shopping. I just need to this game..." "Ganun? Eh kailangan mo ba ng extra player sa game? I can volunteer, you know. Para mabantayan at maprotektahan din kita." "Sus, baka ikaw pa ang i-protect ko dun. Ang lampa pa naman ng honey kong goddess. Baka matalo pa kami. Ayokong matalo laban kay Utt at Rafa." "Grabe ka naman! Kakainis ka! Wala kang confidence sa'ken!" Asar niyang sinabi. Natawa ang asawa niya sa kanya. "Sus, tampo kaagad ang honey kong goddess. Naisip ko lang na kapag sumama ka sa akin, sasama din yung kids. Eh ayokong makita nila yung mga ganung paintball wars. Saka hindi ako makakapag-concentrate. Laban pa naman namin yun ng mga lalaking may gusto sa'yo. Kailangan ko manalo." Anito na hinahalikan na siya sa leeg, pababa ng dibdib. "May ganun factor? Dapat walang ganun kasi di naman importante yung mga iyon sa buhay natin..." naiinis niyang sabi habang napapapikit sa ginagawa ng asawa. "Eh, basta, hon..." parang batang sambit ni Gerard. "I need to do this. Pagbigyan mo na ako, pls?" lambing nito sa kanya na naglalakbay na ang kamay at labi sa maselang parte ng katawan niya. "Bahala ka nga..." Dapat ay makikipagtalo pa siya pero nawalan na siya ng lakas at will na makipagtalo dahil sa ginawa ng asawa. "SI HONEY kasi eh..." nasambit niya, kaya napalingon si Gerard. "Ha? Kasalanan ko kung bakit natalo kami?" nalitong tanong nito. "Hinde yun..." napakamot siya ng ulo. "Ang ibig kong sabihin, hindi tuloy kita napigilan na mag-paintball wars kaya natalo tuloy kayo..." "Hindi naman kami matatalo kung hindi kita inuna..." paliwanag nito. "Ako? Kasalanan ko?" gulat niyang tanong. "Hindi naman sa ganun. What I just mean is that if I didn't protect you from being hit by the ammo paintball, hindi ako matatamaan... yun lang naman." "Naku, sorry, honey. Natalo tuloy kayo dahil sa akin." "Ayos lang yun honey. Okay lang matalo ako, kesa naman matamaan ka ng paintball war. Alangan naman umuwi ang honey kong goddess na puro dumi ang katawan? Wawa naman honey ko."  Inakap siya ni Gerard at marahang hinalikan sa noo. "Sus! Pa-sweet naman ang honey kong kyut!" Umakap na rin siya. "Pero sa totoo lang, kinikilig ako... kasi nga hinayaan mo na lang matalo kayo basta huwag lang ako tamaan nung paintball. Utt, on the other hand, would rather let me get hit by the paintball, kesa matalo sa'yo, diba? Kaya yung ginawa mo may pogi points yun sa girls kasi you would rather lose than let your wife get hit by the paintball. And that for me is dagdag pogi points." Kinurot niya ang pisngi ng asawa na nakangiti ngayon at labas dimples. "Naks naman! Kinikilig ako!" Ani Gerard. "Ako din kinikilig. Grabe, honey, di ko talaga alam kung ano ang gagawin ko sa life pag nawala ka. Ikaw ang buhay ko. That's how much you mean to me kaya huwag ka na magselos ha?" bulong niya sa asawa. Gerard just kept smiling, and nodded. Napatingin sila sa mga nanood sa kanila and she saw the way Utt and Rafa watched them with a gleam of envy in their eyes. Aaminin niya, alam niyang interesado pa rin sa kanya ang isa dito—si Utt. Pero mas lalo niyang hindi gusto si Utt dahil alam naman nitong may asawa't mga anak na siya, pero kung magpakita pa rin ito ng interes sa kanya ay may bahid ng intensyon na parang gusto pa rin nitong mapa-ibig siya. ________________________ PHILIPPINES AFTER the Singapore Convention, direcho kaagad sila sa mga trabaho. She was very thankful na hindi na niya makikita si Utt dahil nagta-trabaho ito sa Canada para sa isa ring Non-Life Insurance Company. Agad silang sumabak ulit sa trabaho pag dating sa Pilipinas. Napansin lang niya na madali siyang mapagod at nagiging antukin. Iniisip na nga lang niya na siguro ay baka di pa nakabawi ang katawan niya sa biyahe nila galing Singapore. Pero nagkakaroon na siya ng suspicion na baka buntis siya, lalo na't hindi pa siya nagkakaroon makalipas ang dalawang buwan. Hindi pa nga lang siya nagkakaroon ng pagkakataon na bumili ng pregnancy test sa sobrang busy niya. Plano na rin nga niyang magpa-check up sa OB, pero di pa rin niya ito mai-schedule. Gusto nga rin niya bisitahin ang ina dahil halos isang linggo na niya itong hindi nabibisita. Nag-aalala pa naman siya dito dahil napansin nga niya noong huli na medyo matamlay ang ina. Pero these past few weeks ay pinagtuunan niya ng pansin ang proyekto niya sa opisina na play area for the kids of the employees dahil delayed na ang pag-usad ng project na ito, habang nakikipag-usap din siya tungkol sa iba't ibang clients for schedule of her courtesy visits. Kakauwi lamang nila ni Gerard mula sa opisina, nang magsitakbuhan ang mga bata sa kanila. "DAD! MOM!" The kids hurried to them. "It's lola Sara! She's in the hospital" Nagpapanic na sabi ng mga bata. "Ser, Mam, kakatawag lang po ni Ser Migoel. Itinakbo daw po si Mam Sarah sa hospital. Inatake po sa puso. Sinubukan daw po nila kayo kontakin pero out of reach daw po." Paliwanag ng isa sa mga kasambahay nila nang papasok na sila ng kanilang mansyon. "Diyos ko!" Napatakip siya ng bibig. Somehow, she wanted to contain her panic because she didn't want her kids to see her fear. She felt her hands tremble and held on to Gerard's arm. "Tara na," Gerard said and firmly tugged her hand. Siya naman ay parang nanigas sa kinatatayuan niya pero binalikan siya ni Gerard. "Hon, Mommy Sarah will be alright." Alam niyang sinusubukan siyang i-comfort ng asawa. Tumango tango lang siya at sumunod sa asawa. "But how about us?" tanong ni Gwen. "Can we go with you, Dad and Mom?" halos sabay na tanong ni Bree. "You stay here. Hospital iyon at maraming may sakit." Paliwanag ni Gerard. "Bree and Gwen, I want you both to look after your two younger siblings, ok?" sabi lang ni Gerard habang siya naman ay malakas ang kabog ng dibdib at nahihirapan habulin ang sariling hininga sa nerbyos. Sumunod naman ang kanilang mga anak at umalis na sila ng bahay, habang kasunod ang mga body guards na assigned para sa kanilang dalawang mag-asawa. Habang mabilis na nagmamaneho si Gerard, siya naman ay pinilit tumawag sa kanyang Uncle Migoel, ngunit hindi ito sumasagot kaya lalo siyang kinabahan. Naisipan niyang tumawag kay Malik dahil baka kasama nito si Uncle Migoel. Sumagot naman ito ng phone at sinabing on the way pa lang ito sa ospital kasama si Jackie dahil galing ito sa restaurant. Hindi na niya mapigilan maiyak sa frustration na hindi niya makontak ang Uncle at hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa kanyang ina ngayon. Hinawakan siya sa kamay ng asawa, habang pinipilit niyang patahanin ang sarili sa pag-iyak. Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa Asian Hospital. Naroon na sa ICU ang kanyang ina, habang ang kanyang Uncle naman ay nagpapatingin din dahil tumaas ang blood pressure nito sa taranta sa nangyari sa kanyang ina. It was all too familiar to her. Na-ICU na rin ang kanyang ina noon at wala siya sa tabi nito nang mga panahon na iyon dahil nasa Brazil siya, kasama si Gerard. Itinago ni Gerard ang nangyari sa kanyang ina noon dahil nang may sumubok pumatay sa kanyang ina ay kabuntisan niya. Kinailangan ni Gerard na ilayo siya sa Pilipinas dahil may banta ang kanilang mga buhay, at hindi pa nila noon malaman kung sino ang nag-utos magpapatay sa kaniyang ina. Natuklasan nila na ang gusto palang magpapatay sa kanyang ina ay ang asawa nito na obsessed sa kaniya. Mabuti na lamang at lumipas na ang panahon na iyon. Wala na ang obsessed niyang ama-amahan. At dahil dito ay namuhay na sila ng tahimik ng kanyang ina, kasama si Gerard, mga anak, at ang kanyang Uncle Migoel, at mga pinsan. "Mommy," halos paos at mahina niyang sambit habang hawak ang kamay ng kanyang ina sa loob ng ICU. "Please huwag mo po akong iwan..." impit niyang iyak habang itinatago sa bawat tunong ng makina na nagsasabi ng heartbeat ng kanyang ina na ito ay buhay pa. "Hindi ko kaya na wala ka." Hinaplos niya ang ulo ng kanyang ina, at pinagmasdan ang mukha nito. Bakas sa mukha ng kanyang ina ang pagkunot noo nito sa pagka-atake ng puso. Ayon sa duktor, ang atake sa puso ng kanyang ina ay dala na rin sa paghina ng pangangatawan nito dahil sa sakit nitong kanser. At dahil dito ay nakomatos ang kanyang ina. Napakasakit para sa kanya na makita ang kanyang ina na komatos. "Mommy, nangyari na sa'yo ito dati pero kinaya mo. Kaya please mommy, lumaban ka naman para sa'ken. Huwag mo naman ako iwanan, Mommy. Please? Please? Please?" iyak niyang bulong habang umiiyak. May lumampit ng nurse sa kanya at sinabing tapos na ang oras ng pagbisita kaya kailangan na niyang lumabas ng ICU. Ayaw pa sana niya iwanan ang kanyang ina, pero sumunod na rin siya sa sinabi ng nurse. Pag labas niya sa ICU ay nakaabang na doon si Gerard at bakas din sa mukha nito ang pag-aalala. Agad siyang yumakap sa kanyang asawa at humagulgol. "Gusto ko mag-stay sa tabi ni Mommy, honey..." hikbi niya. "Ipagdasal natin na makalabas na si Mommy sa ICU sa lalong madaling panahon." Hinimas ni Gerard ang lukod niya habang mahigpit siyang nakaakap dito. "Hindi ko kayang mawala si Mommy, hon!" Sinabi niya kay Gerard. Gerard cupped her face and looked straight in her eyes. "Mommy will be okay. God is merciful..." he said in a whisper. "What if she doesn't become ok?" pag-aalala niya. "Hindi ko alam ang gagawin ko, honey!" Iyak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD