Chapter 2

2599 Words
Gwenneth's POV "Gwen bangon ka na. Magdamag ka na nag iinom tapos na at lahat ang kasal ng ate mo eto ka pa rin lunod pa rin sa alak." panenermon sa akin ni Klarissa dito siya natulog sa bahay ko dahil sinasamahan niya ako. It's already 6:30 am pero nag iinom pa rin ako hindi ko alam ilang bote na ang nainom ko sa magdamag hindi ko rin maramdaman na sobra na ako nahihilo pero mas nararamdaman ko pa yung sakit sa nangyari kahapon.  Hindi ko akalain na magagawa ko sila titigan at mabigyan pa ng message sa harap ng mga bisitakahit ako lunod na lunod na sa sakit at poot dahil sa nakikita ko. Nilaklak ko na ang isa pang bote ng alak. "Hoy! Gwen ano ba! Sabing tama na eh!" sigaw sa akin ni Klarissa habang inaagaw sa akin ang boteng hawak ko. "Ano ba! Pake mo ba sa akin?! Hindi naman ikaw yung nasasaktan kaya pwede ba?! Umalis ka dito hindi kita kailangan hindi ko kailangan ng karamay!" sambit ko sa kaniya saka inaagaw sa kaniya ang alak at ininom ito ulit. "Gwen! Huwag ka tanga wala na si Mark kahit anong gawin mong pagpapakalasing diyan hindi ka niya babalikan kasi KASAL NA SIYA! Hindi na ikaw ang mahal niya kaya pwede ba?! Maawa ka naman sa sarili mo!" sagot sa akin ni Klarissa. Nabitawan ko ang hawak kong bote ng alak dahil sa sinabi niya hindi niya alam ang nararamdaman ko. Simula nang maghiwalay kami ni Mark wala na ako ibang inisip kundi ang makipag balikan sa kaniya. I know it's my fault kasi inuna ko ang pangarap ko without him at sobrang pinagsisihan ko yon napaka laki kong tanga para gawin yon samantalang siya he always includes me sa mga decision niya sa buhay sa ikabubuti naming dalawa. Iniwan ko siya sa ere! Kaya nga ngayon eto na ata ang karma ko for being asshole yung lalaking handa ako isama sa lahat ng plano niya nasira dahil sa pagiging selfish ko. And it's really hurt to see them how happy they are habang ako eto nahihirapan. "A-alam mo klarissa wala kang kwenta! Hindi mo alam ang pinagdadaan ko kaya pwede ba! Wag ka magsalita na parang naiintindihan mo ako! Sobra ako nasasaktan klarissa pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko kay Mark para mawala siya sa akin!" hagulhul kong sagot sa kaniya. "Alam kong nasasaktan ka Gwen! Pero wake up please! Walang magagawa ang pag inom inom mo ng ganyan just move on hindi mo kailangan lunurin ang sarili mo sa alak just to be ease your pain kasi walang magagawa yan!" sabay hawak niya sa mga braso ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko gulong gulo na ako gusto ko sila guluhin! I want my man back!  Inilayo ko ang tingin ko kay klarisse at saka kinuha muli ang bote ng alak na hawak ko kanina gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak para kahit papaano I can forget the pain pero kahit ilang alak pa ang inumin ko mas bumibigat ang sakit. "This is not you Gwen. Hindi ganitong Gwen ang nakilala ko ang Gwen na nakilala mo palaban wala sa ugali niya ang magpakalunod sa sakit at alak just because of a man who already married to other woman." Napatingin ako sa sinabi ni Klarisse and I started to cry over again hindi rin naman ako ganito dati but I became like this again because of Mark our memories together ay bumalik muli sa akin and all this time akala ko kahit hindi ko siya nakikita at alam ko lang sa sarili ko na Mahal na Mahal ko siya. I can be strong pero I'm wrong I'm so messed up. Hindi ko alam paano mag sisimula ulit lalo na ngayon na nasa iisa na kami pamilya the worst is he is my In law I don't know how to face him and act normal sa kanila hindi ko alam kung hanggang kelan ko kakayanin na itago sa kaniya ang totoong nararamdaman ko. I'm now facing my consequences for leaving him.. Sobrang sakit sana patayin na lang ako mas gugustuhin ko pa iyon kesa makita siya masaya sa iba sa kapatid ko.  *Beep beep beep* Ate Elisse Calling Napatingin ako sa cellphone and tumatawag si ate Elise imbis na sagutin iyon ay uminom na lang ako naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na si Klarissa at hawak ang phone ko. "Hindi mo ba sasagutin ang tawag na ate Elisse?" tanong sa akin ni Klarissa habang hawak pa rin ang phone ko. "No. Tapos ano ipapamukha niya sa akin kung gaano siya kasaya sa piling ni Mark how they're honeymoon great?! Hindi ako tanga para gawin iyon." sabay inom ulit sa alak na hawak ko. "Gwen hindi naman siguro gagawin ni ate Elisse yon. Baka gusto lang niya mangusta and for sure naman hindi ganoon ka insensitive si ate and besides hindi naman niya alam na ex mo si Mark." "Still No!" derekta kong sagot sa kaniya. I tried to stand sa pagkakaupo ko parang babagsak ako anytime dahil sa hilo na nararamdaman ko pero wala pa rin ito sa lahat ng pinagdadaanan ko ngayon. " My Gosh! Gwen hindi mo na kaya can you just rest?! Baka kung saan ka pa matumba diyan eh."  "Can you just shut up?! I want more drinks so don't stop me! I can handle myself I'm not weak Klarissa!" sagot ko sa kaniya saka sinubukan muli mag lakad but I failed. "Gwen kahit ngayon lang please kailangan mo magpalamig muna wala ka pang kain baka ikasakit mo yan eh." pangungulit ni Klarissa sa akin. Umupo ako sa upuan kung saan malapit sa kusina ko at nagpakawala ng hininga ngayon ko mas naramdaman ang hilo dahil sa pagkakaupo ko. Hindi naman ako ganito noong iniwan ko si Mark pero bakit mas parang gusto ko na lang mawala sa mundo dahil sa sakit? "Alam mo ba Klarissa natatandaan ko pa yung araw na dapat ipapakilala na namin ang isa't-isa sa mga magulang namin at yung araw na rin na yon nang dumating ang email ko na nakapasa ako para sa US Visa para sa work ko and doon na rin ako nag desisyon na iwan si Mark para sa amin naman dapat yon eh kaso ang selfish ko klarisse." nagsimula na ulit ako maiyak "Hindi ko inisip ang mga plano niya para sa amin dalawa naging makasarili ako kasi nasa isip ko lang magiging maganda ang buhay namin sa US kapag nadala ko na siya doon pero mali pala ako. Mali ako na iniwan ko siya para sa pansarili kong kaligayahan nalaman ko na tinanggap niya yung offer sa amin sa Singapore kasi parehas namin gusto yon akalain mo yun kasama ako sa lahat ng plano niya pero I refused that offer kasi nababaan ako sa sahod namin." tingin ko kay klarissa habang umiiyak muli. "Tahan na Gwen much better kung magpapahinga ka na muna alam ko na pagod na pagod ka na ako na maglilinis ng kalat mo dito." I sigh and let her clean my messed. Tama si Klarissa kailangan ko na mag pahinga sobrang sakit na rin ng puso ko sana kahit ngayon lang makalimutan ko si Mark. Tatayo na sana ako nang maramdaman ko ang pag ikot ng paligid ko and it turns everything in black…   ~ "Klarissa maraming marami salamat sa pag tawag sa amin ha? Hindi ko alam may ganyan pala pinag dadaanan ang kapatid ko." rinig ko sambit ni ate. "Wala po iyon ate Elisse sobrang nag alala po talaga ako kay Gwen dahil magdamag po siya nag iinom and she's not eating yet kaya nung makita ko po siya nakahandusay na ay tinawagan ko kayo nag panic na rin po kasi ako." rinig kong sagot ni Klarissa. "Hindi ko alam na broken hearted pala ang kapatid ko thank you talaga Klarissa for informing us baka sa bahay na namin muna tumira si Gwen para kahit papaano may kasama siya sa bahay namin ni Mark nag aalala rin ako sa kapatid ko na iyon." "Walang anuman po ate Elisse for Gwen po gagawin ko lahat." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na bumangon kahit sobrang sakit ng ulo ko yung tipong parang pinupukpuk ng martilyo sa sakit. "Ate Elisse, Klarissa.. Asan ako at bakit ganiyan mga itsura niyo sobrang nag aalala kayo?" pag tatanong ko sa kanila at sabay sila lumapit sa akin. "Gwen nandito ka sa hospital sinugod ka namin dito kasi nawalan ka ng malay kanina hindi ko na alam ang gagawin kaya sa panic ko sila ate Elisse ang tinawagan ko buti papunta rin pala siya sa bahay mo kanina kaya agad ka namin nasugod dito." sagot sa akin ni Klarissa at wala ako maalala sa mga nangyari. "Thank God! You're ok now sobra kami nag alala sayo Gwen kung may problema ka naman pwede mo sabihin sa amin hindi mo kailangan kimkimin lahat ng sakit kasi may madadamayan ka naman. Andito kami pamilya mo para sayo buti na lang walang serious na nangyari sayo sabi ng doctor you just need to rest a lot kasi sobra ang pang hihina mo kanina." sagot naman sa akin ni Ate Elisse. Tumingin ako sa paligid at wala si Mark asan kaya siya naalala ko ang pag uusap nila ate Elisse at Klarissa kanina na sa bahay muna ako nila Ate Elisse ibig sabihin araw-araw ko makakasama si Mark sa bahay at mas magkakaroon ako ng pagkakataon para ipaalala sa kaniya na ako talaga ang mahal niya. "Asan sila Mommy hindi ba nila alam na nandito ako sa hospital?" tanong ko kila ate Elisse. "Don't worry Gwen, on the way na sila Mommy dito kumuha lang sila ng mga ilang gamit sa bahay mo at pinalis na rin muna yon kasi sobrang gulo nang maabutan kita sa bahay mo kanina." tingin sa akin ni Ate Elisse sabay haplos sa buhok ko. "Hi-hindi ka ba hahanapin ni K-kuya Mark?" Hindi ko alam anong pumasok sa isip ko para itanong ito. "Hindi naman nasa work siya ngayon and siya ang kasama ko noong nakita ka namin walang malay sa bahay mo." sagot ni ate Elisse. "Nasa bahay siya kanina?!" gulat ko tanong kay ate. "Oo kasi dapat dadalhan ka namin ng pagkain kasi naisip ko baka hindi ka pa nag aalmusal saktong tawag sa akin ni Klarissa na nawalan ka daw ng malay kaya nag madali kami puntahan kayo." tingin naman ni ate Elisse kay Klarissa bago niya ako tiningnan ulit. "Oo tama si Ate Elisse.. Buti na lang sila ang natawagan ko that time kasi hindi ko na talaga alam ang gagawin nang makita kita nakahandusay sa sahig..." tumingin si Klarissa kay ate Elisse. "Buti na lang rin kasama ni ate si Kuya Mark nabuhat ka niya agad para maisugod ka dito." dugtong pa ni Klarissa. Binuhat ako ni Mark?! Sobrang tuwang-tuwa ang puso ko dahil sa nanalaman ko ngayon hindi ko alam kung kelan ako huling nahawakan ni Mark hindi na ako makapag hintay na makasama siya sa iisang bubong. Nagpaalam na si Klarissa kasi papasok pa daw siya at babalik na lang siya mamaya kaya hinayaan na muna namin ni Ate Elisse na makaalis siya. "Anak!!!" bungad na sambit ni Mommy nang makapasok dito sa kwarto ko. "Mommy, Daddy... Sorry po.." biglang iyak ko sa kanila.  "Sssshh.. Anak you don't need to say sorry wala ka kasalanan ok? Kami ang dapat mag sorry kasi hindi namin alam na sobrang nasasaktan ka pala anak.." sambit ni Mommy habang nasa tabi ko at hawak ang kamay ko habang umiiyak siya. "Anak patawarin mo kami sa pagkukulang namin ha? Sobra namin pinagsisihan na hindi ka namin naasikaso nakuntento kami sa sagot mo na ok ka lang kahit hindi naman pala anak patawad anak." sambit naman ni daddy na ngayon ay nakayakap sa likuran ni Mommy. "Mom... Dad.. Wala po kayo kasalanan.. Wala po kayong pagkukulang sa akin sa amin ni ate Elisse." sagot ko sa kanila at nag group hug kami tatlo. "Mom, Dad.. Nagpag desisyunan namin ni Mark na sa bahay muna si Gwen para maalagaan ko siya ng mabuti at para hindi na siya ulit makapag inom ng ganoon kalala." sabat ni Ate Elisse. "Sigurado ka ba diyan anak? Baka makaistorbo si Gwen sa inyo ni Mark." paninigurado ni Mommy. Tumango si Ate Elisse kila Mommy at saka tumingin sa akin sila Mommy.  "Sige bibisitahin na lang namin kayo ha? Pag may kailangan kayo tawagan niyo lang kami para mapuntahan namin kayo ok?" ngiting sagot ni Mommy. "Thank you Princess for taking care of your sister. Sobrang swerte namin sayo na ikaw ang panganay namin kahit may pamilya ka na hindi mo nakakalimutan ang kapatid mo." sambit naman ni daddy habang hawak ang kamay ko. Lumapit sa amin si Ate Elisse at niyakap sila nila Mommy. "Mom, Dad. It's my responsibilty as her ate kahit naman may asawa na ako hindi mawawala ang responsibility ko as your anak mom and dad." ngiting sagot ni ate. Sobrang swerte ko kasi may ate ako na maalaga pero hindi maalis sa akin ang sakit dahil siya na ngayon ang katabi matulog ni Mark sa araw-araw at hindi na ako. Hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko sa nangyari sa amin ni Mark ngayon sa bahay na nila ako titira hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong tiisin na makita silang masaya sa isa't isa. Nginitian ko silang lahat buti na lang may pamilya ako na laging nandyan para sa akin hindi ako iniiwan. Pero may kulang pa rin sa puso ko na habang buhay hindi na mapupunan pupunta kaya siya mamaya? "By the way anak, pupunta ba dito mamaya si Mark? I want to talk to him." seryosong tanong ni Mommy kay ate Elisse. "Yes Mom. Pupunta siya mamaya para dalhan tayo ng pagkain and nagsabi na rin ako sa kaniya na baka dito ako matulog kasi kailangan niyo rin naman magpahinga at para may bantay rin si Gwen dito." sagot naman ni ate Elisse. "Dito rin ba siya tutulog?" pag tatanong ko. Gusto ko malaman kung dito ba siya tutulog o hindi sobrang miss na miss ko na si Mark. "Yes Gwen dito siya matutulog para daw may bantay tayo na lalaki kasi delikado daw pag tayong dalawa lang kahit hospital ito hindi natin alam ang pwedeng mangyari kaya baka magdala na rin siya ng hihigaan namin since hindi naman kami kasya dito sa sofa." sagot naman ni Ate Elisse. "Tama si Mark. Maganda na iyong may kasama kayo dito sa hospital parehas kayo babae kaya dapat lagi kayo may kasamang lalaki. Hayaan mo anak Elisse bukas kami naman ang magbabantay since sabi naman ng doctor baka daw 3 days pa dito si Gwen para sa recovery niya." sagot naman ni Mommy. "Paano dito muna kayo bukas ko na lang kakausapin si Mark." sambit ni Daddy sabay tingin kay ate Elisse. "Anak eto ang mga gamit mo ok? Kapag may kailangan ka sabihin mo lang sa ate mo para maasikaso ka niya ok?" Sambit naman sa akin ni daddy saka niya kami hinalikan ni ate sa noo. Ngumiti na lang ako kay daddy sabay tango bilang pag sagot sa kaniya at lumabas na sila ni Mommy sa kwarto habang si ate Elisse inaasikaso ang mga gamit na dinala nila Mommy para sa amin. "Love." natigilan ako sa boses na iyon. Sobrang Miss na miss ko ang boses na yon. "Love andito ka na pala, kanina ka pa?" pagtatanong ni ate Elisse saka siya hinalikan sa labi ni Mark. Hindi ko napigilan masaktan sa nakikita ko dapat ako yung hinahalikan ni Mark eh. "Hindi naman kakarating ko lang rin nakasalubong ko sa labas sila Mommy kaya nag tungo na ako agad dito." sabay lapag niya ng mga dala niyang gamit sa gilid ng sofa. "Ah ganon ba? Kumain ka na ba love? Ipaghahain ko na kayo ni Gwen." sambit ni ate. Nakita ko ang tingin sa akin ni Mark at walang ekspresyon ang mukha niya hindi ba siya masaya na makita ako? Kasi ako masayang masaya na nandito siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD