Chapter 3

2598 Words
Gwenneth's POV Hindi ako nakatulog dahil nandito si Mark iniisip ko na kaya siya andito para bantayan at alagaan ako hindi dahil andito si Ate Elisse. It's already 6:30am pero hindi ako nakaramdam ng antok ganito talaga ako lalo na ang sistema ko kapag andito si Mark. "Gwen ok ka lang ba? Parang hindi ka nakatulog ng ayos." tanong ni ate habang inaayos ang mga gamit namin katulong niya si Mark. "Ahh... Oo ate ok naman ako at nakatulog naman ako kahit papaano." sagot ko kay ate saka umiwas ng tingin. "Mabuti naman kung ganoon." ngiti niyang sagot sa akin sabay tingin kay Mark. "Love dito ka muna babayaran ko lang yung bills ni Gwen para maya-maya masundo na tayo nila Mommy at makauwi na rin para mas makapag pahinga ng ayos si Gwen." sambit ni ate kay Mark. Napatingin ako kay Mark dahil sa sinabi ni ate kami lang ni Mark ang maiiwan dito sa kwarto maso-solo ko na siya ngayon. Kailangan ko talaga makausap si Mark yun lang yung paraan para bumalik siya sa akin. "Sure love. Intayin ka na lang namin dito tawagan mo ako kapag may kailangan ka para tatawag na lang ako ng nurse na pwede mag assist sa kapatid mo." sagot ni Mark sabay halik sa labi ni ate. Ako dapat yung hinahalikan ni Mark hindi si ate. Nagpaalam na sa amin si Ate at naiwan na nga kami dalawa dito ni Mark. Gusto ko siya kausapin pero bakit ganito? Hindi ko magawang magbitaw ng salita para mapansin niya ako patuloy pa rin siya sa pag aayos ng mga gamit namin at ni isang beses hindi niya ako dinadampian ng tingin ganoon na ba siya kagalit sa akin? "U-uhm.. Mark.." sa wakas nakapag salita rin ako. "Ano yon?" malamig niyang sagot sa akin.  Hindi ganoon ang kilala kong Mark kapag tinatawag ko siya bakit walang emosyon ang sagot niya sa akin? "Gu-gusto ko lang sabihin na... Mi-miss na miss na kita." sagot ko sa kaniya habang nakikipag titigan sa kaniya. "Kung ano man yang gusto mong sabihin binabalaan na kita Gwen huwag mo na ituloy dahil hindi mo ako madadala sa paganyan-ganyan mo. Baka nakakalimutan mo ikaw ang nangiwan sa atin dalawa." seryoso niyang sagot. Punong-puno ng hinanakit ang mga sinasabi niya inaamin ko naman na kasalanan ko pero hanggang ngayon hindi pa niya ako napapatawad ganito na ba talaga siya kabato?! "A-alam ko yon Mark ka-kaya nga ako bumalik eh kaso ikakasal ka na kay ate." naiiyak ko sagot sa kaniya. "Uunahan na kita hindi ko pinakasalan ang ate mo dahil gusto kita gantihan kundi pinakasalan ko ang ate mo dahil Mahal na Mahal ko siya. Sa kaniya ko nahanap ang pagkukulang mo, yung mga consideration na dapat karapatan ko rin hindi niya ako sine-set aside at hindi ko akalain na kapatid ka pala niya dahil never ko naman hiningi ang pangalan mo sa kaniya." sagot niya sa akin habang nag aasikaso pa rin ng gamit namin. "Bu-bumalik ako para balikan ka pero bakit hindi mo ako inintay? Sa tingin mo naniniwala ako sayo na kaya mo pinakasalan si ate kasi mahal na mahal mo siya hindi ako tanga Mark. Alam kong ako lang ang mahal mo at kaya mo ginagawa ito para iparamdam sa akin na kawalan kita!" sigaw ko sa kaniya. "Gwen! Gumising ka ilang taon na ang lumipas at sa mga taong lumipas na yon nakalimutan na kita! Yung totoong kasiyahan kay Elisse ko naramdaman hindi niya pinaramdam sa akin na pabigat ako!"  "Hi-Hindi totoo yan! Si-sinabi mo lang yan kasi galit ka sa akin pero makinig ka sa akin Mark! Ikaw lang minahal ko ng ganito na lahat kayang kalabanin para sayo at yung pang iiwan ko sayo pinagsisihan ko yon!"  "Gwen tigilan mo na kahibangan mo dahil hindi mo ako mababawi sa ate mo! Tumahan ka diyan kasi hindi na ako nadadala sa pag iyak-iyak mo you're nothing to me Gwen kaya umayos ka. At pwede ba kung gusto mo magpaka lunod sa alak gawin mo pero wag na wag mo ako gagawing dahilan akala mo ba hindi ko alam na ako yung reason bakit ka nagkakaganyan hindi ako tanga Gwen." saka siya lumabas ng kwarto at iniwan ako mag isa dito. Hindi ko napigilan mapahagulhul sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon akala ko magiging ok kami dahil makakausap ko na siya pero mas lumala pa pala paano na lang kapag kasama ko na siya sa bahay?  Hindi ako makahinga sa sobrang paninikip ng dibdib ko ngayon ko lang naramdaman ito alam ko nag sisinungaling si Mark nang sabihin niya sa akin yon alam ko ako lang mahal niya nangako siya sa akin na ako lang babaeng mamahalin niya eh. Kung alam niya lang kung paano ko pinagsisihan ang nagawa ko sa kaniya noon kung bakit kami umabot sa ganito akala ko kapag nakita niya ako babalik kami sa dati kahit kasal na sila ni ate pero mali pala ako.  Paano ko siya muling haharapin kung punong-puno ng sakit ang puso niya? Gustong-gusto ko ipaalala sa kaniya kung gaano niya ako kamahal noon, kung gaano namin kamahal ang isa't-isa pero paano? Nangako ako sa sarili ko na hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nababawi kasi akin naman siya at nangako rin ako sa sarili ko na gagawin ko lahat para lang balikan niya ako at marealize niya na ako talaga ang mahal niya. Kaya gagawin ko lahat para mabawi siya kay ate kahit magkapatayan pa kami ni ate gagawin ko. Kaya lang ganon si Mark kasi sobra siya nasaktan sa ginawa ko at hindi niya pa ako napapatawad pero once na marinig niya ang explanation ko for sure babalikan niya ako. Pinunasan ko ang mga luha ko atsaka inayos ang itsura ko kailangan hindi mahalata ni ate na umiyak ako kasi for sure tatanungin niya si Mark kung anong nangyari sa akin. Ngayon kailangan ko lang umakto ng normal sa harap nilang lahat at kailangan ko sundin ang payo nila para kahit papaano maging malakas ako. Ayoko makita ako ni Mark na mahina dahil sa kaniya. Kailangan ko patunayan sarili ko para sa ganon mapatawad niya ako at magawa niya ako kausapin nang mahinahon ayoko muna ipakita na apektado ako sa kaniya kahit ikamatay ko ang pagpapakasal niya.     ~ It's 12:00 pm na at pauwi na kami nakapag bayad na rin si ate Elisse ng bill nakabalik na rin si Mark dahil sa pag uusap namin umakto na lang ako na parang walang nangyari. Pansin ko rin na parang balisa si ate hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya habang inaasikaso niya ang pag babayad ng bills. "Anak bibisitahin ka na lang namin ng daddy niyo sa bahay niyo ok?" panimula ni Mommy habang tulak-tulak ako sakay sa wheelchair. "Ok po. Mommy." sagot ko naman kay Mommy. Ilang sandali rin ay nakarating na kami sa parking lot kung saan nakapark ang sasakyan namin napag desisyunan kasi na sasakyan nila Mommy ang gagamitin pahatid sa bahay nila at doon na rin magkakainan ng tanghalian. "Mommy, Order na lang tayo ng pagkain kasi hindi ako nakapag grocery dahil sa emergency na nangayri kung ok lang sayo Ma." sambit ni ate Elisse habang katabi si Mark na tahimik at hindi sila nag kikibuan ni Ate Elisse. May nangyari kayang hindi maganda sa kanila o nag away kaya sila? Pero ano naman pag aawayan nila? Teka bakit ko ba sila prino-problema wala naman ako pake sa kanila kung nag aaway sila. "Ganun ba anak, Osige mag order na lang tayo sa restaurant kami na lang daddy niyo ang mag o-order." sagot naman ni Mommy. "Ah! Mommy ako na lang may bibilhin rin kasi ako bigla ko lang naalala." sambit naman ni ate saka tumingin sa bintana na katabi niya. "Sure ka ba anak? Pero sige kung kailangan mo ng kasama tawagan mo lang si Mark ok?" pag payag ni Mommy at ngumiti na lang si ate bilang sagot. Nagpark muna kami dito sa paborito namin restaurant para intayin si Ate Elisse halos lamunin kami ng katahimikan dahil ni isa sa amin walang may gustong mag salita. Hindi ko alam bakit ang awkward knowing that close sila Mommy kay Mark. "Mark may problema ka ba?" derektang tanong ni daddy. "Po? Wala naman dad." sagot ni Mark saka umiwas kay daddy. "Bakit ang tahimik mo akala mo ba hindi namin pansin yan ng Mommy mo hindi rin kayo nag kikibuan ni Elisse." sambit naman ni daddy habang nakatingin sa salamin niya. "Nagkasagutan po kasi kami ni Elisse kanina and alam ko po kasalanan ko iyon pero huwag po kayo mag alala dad hindi po ako titigil hanggat hindi kami nagkakabati." sagot naman ni Mark. "Sabi na nga ba hindi naman kayo ganyan ni Elisse eh. At tama ang desisyon mo na dapat hindi pinapalipas ang sama ng loob." sabat naman ni Mommy. Ngumiti lang si Mark bilang sagot kila Mommy at ako naman tahimik habang nakikinig sa kanila. "Anak, ikaw ba? May masakit ba sayo o nagugutom ka ba? Konting tiis na lang anak maya-maya nandiyan na si Ate mo." pagtatanong naman sa akin ni Mommy. "Ok naman po ako mommy, wala naman po masakit at hindi pa po ako gutom." sagot ko naman kay mommy. "Andiyan na pala si Elisse, Mark buksan mo pinto nang makasakay si Elisse mag usap kayo dalawa mamaya ok? Huwag niyong patagalin ang away niyo." seryosong sambit naman ni Daddy. Agad naman binuksan ni Mark ang pinto ng sasakyan at tinulungan si ate Elisse makasakay. Sana ganito rin sa akin si Mark at sana hindi na siya galit sa akin. *Beep Beep* Klarissa is Calling... Bakit kaya tumatawag si Klarissa ngayon ang alam ko nainform ko naman siya kanina sa pag labas ko ng hospital for sure gusto lang niya chumika kasi naopen up ko rin sa kaniya ang pag uusap namin ni Mark. "Hello!" Sigaw ni Klarissa sa kabilang linya kaya naman agad ko nailayo ang phone ko sa tenga ko. "Huwag ka sumigaw hindi ako bingi." derekta kong sagot sa kaniya. "Sorry naman pero sis ano nang balita? Ok na ba kayo?!" excited niyang tanong sa akin. Napatingin naman ako sa mga taong nasa harapan ko at hindi ko maiwasan na titigan muli si Mark hindi ko alam kung paano ko mapapagaan ang loob niya. "Mamaya ko na lang ikwe-kwento sayo nasa byahe pa rin kami at medyo malapit na rin kami sa bahay nila ate Elisse doon na lang tayo mag usap." sagot ko kay Klarissa saka ako tumingin sa bintana para icheck kung nasaan na kami. "Oh MG! Hindi na ako makapag intay na marinig ang chika mo! And by the way andito na ako sa bahay nila ate mo! Gosh sis hindi mo naman sinabi na ang laki pala ng bahay ng ate mo ang sarap tumira dito nasa labas pa lang ako pero napa WOW na ako! Paano pa kaya kapag napasok ko na ang loob ng bahay!" amaze na sagot niya sa akin at hindi ko napigilan na mapailing sa mga sinasabi niya. Hindi talaga halata kay Klarissa na laking mayaman siya kasi kahit saan kami makarating at makapasok na bahay na mas malaki pa sa tinitirhan ko akala mo kung sinong walang ganoon kagandang bahay.  Kaya hindi ko rin alam kung paano ko siya naging matalik na kaibigan pero happy naman ako kasi naitatama niya ang mga maling desisyon ko sa buhay. Pero kapag itatama niya ang desisyon ko pag dating kay Mark hindi ko kayang sundin ang gusto niya hindi ko kayang iwan si Mark. Nararamdaman ko kasi na may pag-asa pa kami, na hindi pa ito ang katapusan sa amin I don't know why I feel this kind of feelings pakiramdam ko si Mark lang makakasama ko habang buhay. "Hello! Hello! Sis andiyan pa ba?" pag tatanong ni Klarissa sa kabilang linya. "A-ah.. Oo andito pa ako I need to hang up I think malapit na kami sa bahay." saka ko binaba ang tawag at huminga ng malalim. "And we're here!" Sambit ni ate at saka niya ako pinag babaan ng upuan para makababa ako. "Ang laki pala ng bahay na pinagawa niyo ni Mark anak." panimula naman ni Mommy. "Noong  huling kita namin dito sa bahay niyo ginagawa pa lang kaya hindi namin agad nakita ang final look." sambit naman ni daddy. Napatingin rin ako sa malaking bahay na nasa harapan ko. Mas masaya sana kung ako at si Mark ang nakatira dito at hindi sila ni ate.  Ngayon sampid ako sa pamamahay na ito at wala ako karapatan sa mga gamit na nasa loob. Sana kayanin ko sila makita na masaya sa isa't isa. "Huy! Sis tara na sa loob iniintay ka na nila tita." pang gugulat sa akin ni Klarissa. "Dapat ako yung nakatira dito eh." seryoso kong sambit kay Klarissa. "Ayan ka naman Gwen. Pwede ba just for now kalimutan mo muna si Mark hindi ka gagaling agad kung siya lagi iniisip mo eh. Kung paano mo mababawi si Mark kahit napaka impossible mangyari." "Kaibigan ba talaga kita? Bakit ba hindi mo ako magawang supportahan dito? You know how much I love Mark kaya lahat gagawin ko para sa kaniya." "Alam mo pumasok na lang tayo sa loob kasi nagugutom na ako kanina pa ako dito sa labas ng bahay nila ate Elisse."  Napatingin ako kay Klarissa at saka siya hinayaan hilahin ako papasok sa loob ng bahay nila ate Elisse at hindi ko inakala na ganito kaganda ang loob ng bahay nila ang ganda ng pagka interior. "Sis! Nasa palasyo ba ako? Oh MG! Sobrang ganda! Ang lakas maka princess peg." sambit ni Klarissa. "Halina na kayong dalawa Gwen at Klarissa alam kong gutom na kayo." pag hahain sa amin ni Mommy. Pinagmasdan ko silang lahat at kitang-kita sa kanila ang saya first time ko dito sa bahay ni ate at ni Mark hindi ko itatanggi na ang ganda ng interior ng bahay nila pero hindi ito ang taste ni Mark for sure sinunod ni Mark ang mga gusto ni ate Elisse. Nagsimula na kami kumain napuno ng tawanan at kwentuhan ang pagkain namin dahil sa kadaldalan ni Klarissa. Halata rin naman sa kanila na tuwang-tuwa sila kay Klarissa kaya naman sobrang lapit ni Klarissa sa family ko. Matapos namin kumain ay nagpahatid na ako kay Ate Elisse sa kwarto and syempre kasama pa rin Klarissa kasi dito daw siya tutulog para masamahan ako baka mag inom na naman daw ako. Iniwan na kami ni Ate Elisse dito sa magiging kwarto ko maybe this is the guest room pero ok na rin maaliwalas hindi masikip. Nag decide na ako mag shower at mag palit ng pang tulog since naramdaman ko rin ang pagod mula sa byahe. "Sis! Ano na chika ka na dali!" pangungulit ni Klarissa na ngayon ay nakahiga na agad sa kama. "Ano bang gusto mo malaman?" pag tatanong ko sa kaniya nakukulitan na rin ako kaya kahit ayoko mag kwento ay mag kwe-kwento na ako. "Lahat sis! As in LAHAT!" seryoso niyang sambit saka umupo sa kama. "Hindi ok ang pag uusap namin ni Mark full of anger ang nangyari kanina hindi ko inexpect sa kaniya yon. Akala ko mapapatawad niya ako at baka sakaling bumalik na kami sa dati kaso mali ako." humiga ako sabay tingin sa kaniya. "Sabi naman kasi sayo sis huwag ka na umasa kasi baka masaktan ka lang kasi malabong bumalik talaga sayo si Mark." saka siya humiga sa tabi ko parehas na kami ngayon nakatingin sa kisame. "Alam mo ba sinabi niya sa akin na huwag na huwag kong iisipin na kaya niya pinakasalan si ate kasi gusto niya gumanti."  "Anong sagot mo? Don't tell me sinabi mong Oo yun ang iniisip mo?" sagot naman ni klarissa at saka tumingin sa akin habang nakahiga kami. "Oo yun na nga saka siya nag walk out. Sinisi niya rin ako bakit kami nagkaganito which is totoo naman and I'm paying for that."  Hindi na napigilan muli ng luha ko ang pag tulo dahil naalala ko naman ang pangyayari kanina sa hospital sana bukas makausap ko siya at sana magkaayos na kami para wala nang sama ng loob si Mark sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD