Chapter 4

2649 Words
Elisse POV Maaga ako nagising para ipagluto sila Mark ng umagahan at gusto ko rin naman alagaan ang kapatid ko kahit hindi ko matanggap ang mga narinig ko kahapon sa hospital. All this time nagmukha akong tanga sa lahat kasi hindi ko alam na ex pala ni Mark ang kapatid ko naniwala ako sa mga sinabi niya sa akin noon na hindi niya kilala ang kapatid ko. Ang tanga ko rin naman kasi hindi ko inalam kung sino ba talaga ang ex ni Mark. Nag tungo na ako agad sa kusina para kumuha ng ilang ingredients para sa lulutuin ko sa kanila hindi ko mapigilan na mapaisip sa nangyari paano kung tama si Gwen? Kaya lang ako pinakasalan ni Mark kasi gusto niya gantihan ang kapatid ko? Hindi na kami nakapag usap ni Mark kagabi kasi wala akong lakas ng loob na kausapin siya gustong-gustong gusto ko na siya kausapin at yakapin pero hindi ko magawa pinangungunahan ako ng sama ng loob na hindi naman dapat. Mahal ko si Mark mahal na mahal ko siya pero paano na ako ngayon kung andiyan yung kapatid ko na hanggang ngayon mahal na mahal pa rin si Mark. Mahal ko ang kapatid ko pero bakit ganito natatakot ako sa pwedeng mangyari sa amin ni Mark. "Love.. Kausapin mo na ako hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kasi hindi mo ako kinakausap." panimula ni Mark. Hinarap ko siya at hindi ko na napigilan maiyak yung sama ng loob ko kagabi ngayon ko lang nailabas kay Mark. At kitang-kita sa mukha niya ang pag kagulat nang makita niya ako umiiyak. "Ba-bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo? Ba-bakit mo tinago ang tungkol sa inyo ni Gwen?" hindi ko alam saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin ang mga iyon kay Mark. "Pa-paano mo nalaman?" gulat niyang tanong sa akin at saka ko siya tinalikuran. "Narinig ko kayo kahapon nag sasagutan ni Gwen." derekta kong sagot sa kaniya habang nakatalikod ako sa kaniya. "Ku-kung ano man yung narinig mo aaminin ko totoo yon. At nagsinungaling ako kay Gwen na hindi ko alam na magkapatid kayo." sagot sa akin ni Mark at naramdaman ko na lang ang yakap niya. "Ba-bakit hindi mo sinabi?! Nag mukha akong tanga akala ko hindi mo kilala ang kapatid ko?!" nanghihina ako habang naririnig ang mga sinasabi ni Mark. "Na-natakot kasi ako na baka iwan mo ako kasi kapatid mo ang ex ko a-ayokong iwan mo ako dahil lang sa kaniya kasi ang totoo niyan ikaw ang mahal na mahal ko." "To-totoo bang kaya mo lang ako pinakasalan dahil gusto mo gumanti kay Gwen?" pagtatanong ko habang patuloy pa rin umiiyak. "Hindi totoo yan! Hindi kita pinakasalan para gumanti sa kaniya. Kaya kita pinakasalan dahil desidido ako sayo." sabay hawak niya sa mukha ko. "To-totoo ba n-na mas mahal mo ang kapatid ko kesa sa akin?" nakatingin kong pag tatanong sa kaniya. Gusto ko ng kasagutan para kung totoo man maihanda ko ang sarili ko naniniwala naman ako sa mga sinasabi niya kasi kita ko ang sincerity sa kaniya. Hindi ko alam bakit takot na takot ako ngayon. Gusto ko lang magkaroon ng masayang pamilya pero bakit parang sinusubok na ata kami. "Hindi totoo yan. Kung ano man namamagitan sa amin ni Gwenneth noon hanggang doon na lang yon." hawak niya pa rin ang mukha ko habang nakatingin sa akin. "Matagal ko nang tinapos ang ugnayan ko kay Gwen simula nung nakilala kita binago mo ang buhay ko tinuruan mo ako magmahal ulit. Hindi kita papakasalan kung ginagamit lang kita para maka move on hindi ako ganoong klase ng tao Elisse." dugtung pa niya sabay yakap sa akin. Kampante naman ako sa mga sagot niya sa akin kasi pinatunayan naman niya iyon noon. Siguro kaya ako nagkaka ganito dahil sa hindi ko agad matanggap na siya pala ang Ex ng kapatid ko. Kapatid ko ngayon ang karibal ko kay Mark. Alam ko ang pinagdaanan noon ni Mark habang lunod siya sa pagmamahal pero hindi ko alam na kapatid ko pala ang dahilan noon. "I love you so much Love. Trust me kung ano man yung sa amin ni Gwen matagal nang tapos ang importante sa akin ang meron tayo at Ikaw." sagot niya sa akin sabay hinalikan ako at tinugon ko iyon. "I love you so much too love. Akin ka lang ah?" sagot ko kay Mark habang yakap siya ng mahigpit. "Sayong-sayo lang po ako love. Hindi mo kailangam matakot na mawawala ako sayo kasi malabong mangyari yan. Hindi ko kayang iwan ang babaeng tumulong at nag bigay buhay sa mundo ko." seryoso niyang sagot. Ang sarap sa pakiramdam na ayos na kami ni Mark. Yung mga takot na nararamdaman ko simula kahapon nag laho dahil sa mga sinabi niya ngayon sa akin. Ilang sandali pa ay tinulungan niya ako magluto at mag prepare ng aalmusalin namin. Hindi ko alam kung paano ko patutunguhan si Gwen mamaya kapag nakita ko siya. After namin magluto ay bumaba na rin sila Gwen at Klarissa na halatang kakagising lang kaya pinaghain ko na agad sila ng almusal. Maaga ako papasok ngayon kasi maraming order sa flower shop ko at gusto ko tulungan ang mga katulong ko doon para maentertain ang mga customers namin. Noon pa lang bago pa kami ikasal ni Mark mahilig na ako sa bulaklak kaya nung nakaipon ako nagpatayo agad ako ng Flower Shop at sa tulong ni Mark naging successful ang negosyo ko. Habang si Mark naman ay nag decide na magtayo ng warehouse malapit sa dati niyang bahay dahil doon mas malapit sa mga negosyanteng nagpapagawa ng company or ng Bahay and sinupportahan ko rin siya doon. Nang mahainan ko sila ay nagsalo-salo na kami kumain at nauna na ako sa kanila makabalik ng kwarto kasi kailangan ko na mag ayos at ramdam ko na nakasunod na sa akin si Mark. "Susunduin kita mamaya love ah? Just call me kung tapos ka na sa flower shop mo." panimula niya. "Teka love. Wala ka bang pasok ngayon sa warehouse?" pagtatanong ko. Minsan lang mag Day off or umabsent si Mark kaya hindi ako sanay na hindi siya papasok ngayon sa sobrang hands on niya sa business niya. "Hindi love. Pinagpahinga ko muna ang mga trabahador ko kasi sobrang hetic namin kahapon and they deserve to rest for 2 days kaya pinag day off ko na muna sila." sagot sa akin ni Mark. Eto yung isa sa dahilan bakit sobrang mahal ko si Mark hindi lang basta sarili ang iniisip kundi pati ang ibang taong nakapaligid sa kaniya. "Kaya huwag mo na ako sunduin mamaya love. I know you need some rest rin." sagot ko sa kaniya saka siya nilapitan sa kama namin para halikan siya sa labi. "No. Hindi ko hahayaan na ang reyna ko ay mag isang uuwi alam kong gagabihin ka na naman and I want to protect you." sagot niya sa akin. Hindi ko maiwasan makaramdam ng saya dahil si Mark ang pinakasalan ko hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa mundong ito to deserve him. "Ang protective talaga ng asawa ko kaya mahal na mahal kita eh!" pag pisil ko sa pisngi ni Mark. "Ayoko lang mapahamak ang pinakamamahal ko kaya kahit multo pa yan kakalabanin ko." sagot niya sa akin. Nagtawanan lang kami at nag ready na ako ulit dahil mala-late na ako sa flower shop. Hinatid na ako ni Mark palabas at sakto rin naman na pauwi na rin si Klarissa kasi may work rin daw siya kaya hinabilin ko muna si Gwen kay Mark. May tiwala naman ako sa asawa ko na wala siyang gagawing masama na ikasisira ng tiwala ko sa kaniya. Alam ko rin na sobra niya akong mahal kaya hindi niya magagawang saktan ako. Ilang minuto lang rin ay nakarating ako sa Flower Shop at sakto lang rin ang dating ko dahil wala naman ganoong traffic. ~ Lunch time na at nag desisyon ako na mag tungo sa office ko para doon kumain kasama ang ilang empleyado ko dito sa Flower Shop. I was preparing my foods nang makaramdam ako ng hilo at sakto naman nakaupo na ako dito sa upuan ko. "Eli!  Are you ok?" bungad na pagtatanong ni Lara bestfriend ko. "A-ahh yes ok lang ako nahilo lang ako siguro sa daming tao kanina." sagot ko kay lara na ngayon ay nakaupo na sa tapat ko. "Maam, eto po tubig para maibsan po ang hilo mo." abot sa akin ni lisa ng tubig. "Thank you lisa. Kumain ka na diyan kailangan mo rin magpahinga." sambit ko at saka kami iniwan ni lisa. "Magpahinga ka rin naman minsan Eli hindi ka naman robot na 24/7 kumikilos." panenermon ni Lara sa akin. "Ano ka ba ok na ako. Atsaka kailangan ko gumalaw rin dito gusto ko naman ang ginagawa ko eh." sagot ko naman kay lara habang nakatingin sa kaniya. "Magpacheck-up ka na kaya? Parang napapadalas yang hilo mo eh." pag aalalang sambit ni Lara. "Hay nako lara. Don't worry about me ok lang ako." nakangiti kong sagot sa kaniya. "Sure ka ha! Pero maiba tayo." putol niya sa sasabihin niya sabay sinarado ang pinto ng mismong office ko kung saan katabi ang office ng mga empleyado ko. "Kamusta si Gwen? Bakit daw siya nagpakalunod sa alak?" dugtong ni Lara. Natigilan ako sa tanong niya at naalala ko ulit ang pag uusap nila Gwen at Mark kahapon sa hospital. "Broken Hearted si Gwen kaya siya nagpakalunod sa alak." seryoso kong sagot. "Ano?! Dahil lang sa broken hearted siya nagpakalunod siya sa alak!" gulat na sagot ni lara. "Oo. Dahil hindi niya matanggap na yung lalaking pinakamamahal niya ay kinasal sa akin." derekta kong sagot. "Ay kaya naman pala kinasal SA-ANO?! Kinasa sayo?!  So ibig sabihin si Mark ang dahilan ng pagkakalasing niya?!" "Oo. Ex-Girlfriend ni Mark si Gwen at hindi iyon sinabi ni Mark kasi natatakot daw siya na iwan ko siya." "Hindi ko kinaya ang nalaman mo sis! Ang liit ng mundo sa daming lalaking mamahalin niyo magkapatid iisang lalaki pa!" "Kahit ako naman lara. Hindi ko rin kinaya yung nalaman ko ang totoo sa kanilang dalawa." "Pero teka! Paano mo nalaman?" pagtatanong niya. "Narinig ko sila nagsasagutan kahapon sa kwarto ni Gwen sa hospital kasi ako na nag asikaso ng bill niya. Hindi ko nagawang komprontahin si Mark kagabi kasi pinangunahan ako ng sakit." pag sagot ko sa tanong ni Lara. "Tapos anong nangyare?" curious niyang tanong. Ang hirap kapag may chismosa kang kaibigan hindi ko alam paano ko siya naging bestfriend pero thankful ako kasi nandiyan si Lara para sa akin. "Ayun hindi ko kinakausap si Mark hanggang sa nakausap ko siya kanina at inamin niya sa akin ang totoo." sagot ko. "Tapos sa inyo pa nakatira si Mark!  Nako sis ilayo mo si Mark kay Gwen baka mamaya inaasahan ka na ng sarili mong kapatid lalo na ngayon na hindi pa pala move on ang kapatid mo." derektang sagot ni Lara. Napaisip akong muli sa huling sinabi ni Lara paano kung ahasin nga ng kapatid ko si Mark. "Hindi naman siguro gagawin ni Mark yun sa akin. At nangako siya na kung ano yung sa kanila ni Gwen matagal nang wala yon bago pa kami magkakilala." sagot ko naman. "Nako Eli!  Sana nga maging mabait yang asawa mo kasi ako mismo kakalbo sa kaniya." natatawang sambit ni Lara sa akin. "Baliw ka talaga kahit kailan hindi nag babago kaya siguro patay na patay sayo si Daniel." sagot ko naman sabay tawanan kami. Nag decide kami na lumabas muna ng Shop para makalanghap ng hangin iba pa rin yung nasa labas ako ng Shop kasi puro mababangong bulaklak ang naamoy ko. Andito kami ngayon sa Coffee Shop kung saan kami mahilig tumambay at umorder na rin kami ng paborito namin orderin dito. Iced Americano with Tuna Sandwich. "Eli! Eli!" pangungulbit sa tabi ko ni Lara. "Ano ba yon? At panay ang pangangalabit mo." pagtatanong ko sa kaniya habang nakasimangot.  "Yung lalaking patay na patay sayo noong College tayo si chester yung nakikita ko ngayon." excited na sambit ni Lara habang nakasimangot ako sa kaniya. Paanong mapupunta dito si Chester matagal na siya wala dito sa pilipinas ang huling balita ko sa kaniya nasa london na siya. "Alam mo kung ano-ano nakikita mo kumain ka na lang nga atsaka wala dito si Chester nasa london na siya." pag apela ko kay Lara. "Sis! Hindi nga! Tingnan mo kasi muna yung nasa harapan mo huwag ka kasi sa akin tumingin!" inis na sambit ni Lara. Sinunod ko ang gusto niya tumingin ako sa lalaking nasa harapan namin at tama nga! Si Chester nga iyon. "See! Si Chester yon!" agad na tumayo si Lara para lapitan si Chester. Natauhan ako sa ginawa ni Lara mygosh! Hindi sila close ni Chester para umakto ng ganoon si Lara. Ako bigla ang nahiya sa ginagawa ni Lara. Nagulat ako nang tumingin sa akin si Chester at ngumiti kaya nginitian ko na lang siya. "Hi Elisse." bati ni Chester sa akin habang nakangiti. "Hello Chester,  Long time no see." bati ko sa kaniya. Saka umupo sa tabi ko si Lara na sobrang excite na excite. "Grabe ang laki ng pinagbago mo Chester hindi ko alam na nakakagwapo pala ng sobra ang london!" walang prenong sambit ni Lara. "Hindi naman Lara, naging workaholic lang talaga ako sa London by the way, I heard na kasal na kayo ni Daniel? Congratulations." bati ni Chester kay Lara. Sa pagkakaalam ko magkaibigan sila Daniel at Chester noong college pa kami at hindi pa rin nawawala ang communication nila ayon sa kwento sa akin ni Lara. "Oo kinasal nga kami at sayang hindi ka nakauwi sobrang nanghihinayang si Daniel kasi wala ka doon." "Kaya nga eh. Bawi na lang ako maybe sa binyag ng anak niyo? Hahahaha" sagot naman ni Chester. Nakikinig lang ako sa usapan nila. Hindi rin ako makapaniwala na sobra ang ikinagwapo ni Chester. I wondering kung may asawa na rin ba siya lalo na ngayon halos kaming magkakabatch nagkakaroon na ng sariling pamilya. "By the way,  eto rin si Elisse kinasal na last few weeks." rinig kong sambit ni Lara kaya napatingin ako sa kanila. "Really? Congratulations Elisse ang swerte naman ng napangasawa mo." sagot ni Chester habang nakatingin sa akin. Tumango at ngumiti na lang ako sa kanila bilang sagot. Hindi ko alam bigla ako nakaramdam ng awkwardness dahil sa sagot ni Chester. Tumunog ang cellphone ko at sinagot ko agad iyon bakit tumatawag si Mark may problema kaya? "Hello, love" sagot ko. "Love asan ka? Tinawagan kita sa flower shop mo sabi ng isa sa empleyado mo wala ka daw doon." pag aalalang tanong ni Mark. "Ah!  I'm sorry love hindi kita natext na andito kami sa coffee shop malapit sa shop kasama ko si Lara and nakita rin namin si Chester we're just catching up." sagot ko kay Mark saka tumingin sa mga kasama ko na busy pa rin sa pag kwe-kwentuhan. "Ah ok love. Just call me kapag pauwi ka na susunduin na kita. I love you." sagot niya naman. "Ok love, I love you too Bye." saka ko binaba ang tawag. "Si Mark ba yon? Sayang dapat pinasunod mo siya dito para makilala niya si Chester." sambit ni Lara. "Ah oo si Mark yon tumawag pala siya sa flower shop kanina sakto na wala ako kaya tinawagan niya ako." sagot ko naman kay Lara. "Lara, Elisse. I have to go may kailangan pa kasi ako imeet thank you sa mga kwento mo Lara, I hope we can bond soon with your husband." nakangiting sambit ni Chester. Nagpaalam na siya at ganoon rin kami ni Lara after namin maubos ang inorder namin ay bumalik na kami sa shop kasi kita ko na agad na maraming tao. Tumulong na rin si Lara sa pag aasikaso sa mga customers namin at isa rin kasi siya sa mahilig sa mga bulaklak kaya siguro sobrang lapit namin sa isa't-isa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD