
Kice Argus Villavicencio, bunsong anak ng pilantropo at bilyonaryong haciendero at businessman ng Ilocos na si Don Segundo Villavicencio. Simula ng mamatay ang kaniyang ina noong pitong taong gulang siya ay nawalan na ng amor sa kaniya ang kaniyang ama. Sa mata ng karamihan ang Don ang pinakamabuting tao at ama pero sa mata ni Argus ang ama ang pinaka malamig at walang pakialam na tao sa kaniya. He did everything he could to get his attention, love and approval ngunit hindi pa rin sapat ito. Nang mapagod siya ay pinili niyang maging pasaway na anak. Barkada ang nagbigay ng hinahanap niyang atensiyon at pagmamahal kaya't pinili niyang lumayo at mabuhay kasama ang barkada niya na labis na ikinagalit ng ama. Bago pa siya itakwil ng tuluyan ng Don ay pinili niyang umalis ngunit ng malaman niyang binabalak ng Don na ipakasal ang nag iisang babaeng nagbibigay ng liwanag sa buhay niya kaya kinailangan niyang gumawa ng hakbang. Hakbang na mali at lubos niyang pinagsisihan sa huli. Maraming tao ang nasaktan niya lalong lalo na ang babaeng matagal ng pangarap ng puso niya.
Sunshine Salazar, nag iisang anak ng best friend at katiwala ni Don Segundo. Masayahin at mapagmahal. Malapit ang loob niya sa pamilya Villavicencio lalo na at paborito siyang inaanak ng Don. Lumaki siya na kalaro at kaibigan ang dalawang anak ng butihin niyang ninong kaya't napalapit siya ng husto sa mga ito. Lihim siyang humahanga sa panganay na anak ng Don na si Turk dahil namana nito ang pagiging mabuting tao ng ama nito. Naiinis at natatakot naman siya sa bunsong anak ng Don na si Argus dahil sa pagbibigay nito ng sakit sa ulo sa kaniyang ninong. Lagi itong nasasangkot sa gulo at madalas sa barkada nito na mga bad influence naman dito. Simula ng umalis ito sa hacienda ay nag iba na ang tingin niya dito, idagdag pa ang mala demonyong mata nito sa tuwing nakikita niya ito sa bayan at sa labas ng kaniyang paaralan. Labis siyang nangingilabot dahil sa tingin nitong tila ba gusto siyang kainin ng buhay at dalhin sa kaharian nito sa impyerno.Isang magandang balita sana ang nakuha ni Sunshine sa araw ng pagtatapos niya sa kolehiyo ngunit napalitan ito ng isang mapait na pangyayari. Ang puring pinakaiingatan niya ay basta na lamang niyurakan at kinuha ng demonyong anak ng Don, si Argus. The Devil raped her para lang galitin ang ama nito. Ang masaklap pa ay nawalan na siya ng mukha na ihaharap sa lalaking itinakdang ikasal sa kaniya, si Turk ang pangarap niyang lalaki buong buhay niya. She choose to left only to be chased by the devil himsellf. Paano niya tataguan at lalayuan ang demonyong pilit siyang ginugulo at hinahatak palapit dito?
*Kice Argus Villavicencio & Sunshine Salazar
