"Terrence, let's talk."
Napatingin siya sakin mula sa pagkakasandal at paglalaro ng mobile games sa cellphone niya.
Kaming dalawa lang dito sa room dahil yung iba ay nasa canteen at yung iba ay takot pa rin na may gawin si Terrence na prank sa section namin. Dalawang araw na namin siyang kaklase at wala pa naman siyang kalokohan na ginagawa.
"Yes, Presidente?"
Kumunot ang noo ko ng makitang nakaiwas siya ng tingin sakin.
"Are you planning something?" tanong ko sa kaniya.
"H-ha?"
"Look.. If you're planning something, a prank or whatever. Don't do it," mariin kong sabi sa kaniya. "Graduating na tayo. Don't risk the chances na maudlot yang pag graduate mo. Magtiis ka muna and don't cause any trouble."
Hinawakan niya ang dibdib niya, "A-aray, Presidente! Masakit?"
Mas lalong kumunot ang noo ko, "Ha?"
"Yung mga salita mo mapanakit."
I glared at him. This is the first time I talked to him and I find him really annoying. Hindi naman ako madali mairita pero pagdating dito kay Terrence ay parang umiikli ang pasensya ko.
Nakita niya ang tingin ko sa kaniya kaya ngumuso ito. "Ang seryoso mo naman, Presidente. Behave na nga ako eh."
"Can you stop pouting? You look like a duck."
Napasinghap siya sa sinabi ko. "Foul yan, Presidente, ha!?"
Napatawa ako sa mukha niya. He really look like offended by the duck thingy and I just find his face very funny.
Napahinto ako sa pagtawa ng makita kong nakatitig lang siya sakin. I raised my left brow to him.
"Ikaw, Presidente, ha? Tawang tawa ka sakin. Baka mamaya ako na source of happiness mo niyan? Yieee," he said and wiggled his brows.
What did he say? Source of happiness? Nababaliw na ba siya. He sure is irritating the hell out of me!
Sa irita ko sa kaniya ay kinuha ko ang bag ko at hinampas siya nun.
"Aray, Presidente! Physical a***e yun!" sabi niya at tinaas ang kamay na parang shield niya ito mula sakin.
"What!?" hinampas ko ulit siya. "I hate you! You're annoying!"
"Hala, Presidente!" he exclaimed kaya napatingin ako sa kaniya.
"Sabi nila the more you hate the more you love," and he wiggled his freaking annoying eyebrows again.
Hindi ko na napagilin at hinampas siya ulit, "You are so annoying!"
I heard him laughing habang hinahampas ko siya ng sling bag ko. He is the only person that made me annoyed like this and to think na ngayon lang kami nag kausap?
"Ave?"
Napatigil ako at napatingin sa pinto ng marinig si Travis. Nandun nga siya at may hawak na folder. Naglipat lipat ang tingin niya samin ni Terrence.
"Travis?" tawag ko sa kaniya at binaba ang kamay kong may hawak ng sling bag ko na hinampas ko kay Terrence.
Travis smiled to me, "Lunch sa office?"
Tumango ako bago balingan ulit si Terrence. Kumunot ang noo ko ng matalas nitong tinitignan si Travis pero ng maramdaman na nakatingin ako ay nawala ang tingin niya rito at ngumiti sakin.
"Remember what I said," mariin kong sabi sa kaniya.
"Behave po ako, Presidente. Promise!"
Hindi ako sumagot at lumapit na kay Travis. Lumabas na ako ng room pero napatigil ng di ko naramdaman na sumunod sakin si Travis. Pag lingon ko ay nakatingin pa rin ito ng seryoso sa room.
"Travis," tawag ko rito kaya napatingin ito sakin.
Habang naglalakad kami papuntang office ay tahimik lang si Travis which is kinda unusual dahil ako ang tahimik saming dalawa pero ngayong ay kaming dalawa ang tahimik.
Pag dating sa office ay naabutan namin sina Fiona pero paalis na rin dahil may gagawin din kaya naiwan kaming dalawa ni Travis dito.
"Was Terrence annoying you, Ave?" tanong ni Travis ng maupo kami sa desk ko. Siya ay kinuha ang upuan niya at tumabi sakin.
Naalala ko na naman ang mukha ni Terrence sa sinabi niya.
"I don't know with him. It irritates me that he is too annoying and everything to him is like a joke. Ang tanda niya na para sa ganun. Some of the teens out there who's younger than him acts more mature that him," sabi ko sa kaniya.
I heard Travis chuckled, "That's like the longest statement you've said to me, Ave."
"What do you mean by that?"
"You're always quite, you know?" he said while preparing the lunch he brought with him.
Travis always bring lunch for the both of us simula ng siya ang naging Vice President ng Student Council.
I remember him talking nonstop but I just stayed silent. I thought hindi na niya ako kakausapin but he still did. I appreciate his efforts and I didn't even get to thank him for this.
"Travis, thank you."
Kinakabahan ako ng hindi siya mag salita at tinignan lang ako. Umiwas ako ng tingin dahil sa lalim ng titig niya sakin.
He chuckled, "Always welcome, Ave. And about what you said about younger teens are more matured that Terrence?"
Napatingin ako sa kaniya.
"Ave, maturity doesn't come with age. Hindi porket matanda ka na ay mature ka na. It doesn't work like that. Iba't iba ang napapa mature sa isang tao. Experience or mga nangyari sa paligid niya. Just like cooking. Yung iba magaling dahil pinag aralan nila, may iba tinuruan ng mga magulang nila, yung iba ay magaling lang talaga sila magluto."
I nodded at what he said.
Maturity isn't something we can have immediately when we wanted to. We either learn or experience it through different circumstances in our life.