Chapter 7

893 Words
Gusto ko sanang bumitiw kay Terrence dahil parang umiikot ang tiyan ko pero mas rumami na ang tao dahil mag gagabi. May mga nagtutulakan na at nagtatakbuhan para makasakay ng jeep. Narinig kong nag "tsk" si Terrence bago bitawan ang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya pero nagulat ng kunin niya ang bag ko at inakbayan ako palapit sa kaniya. Hindi ako makapagsalita. "Ako nalang magdadala ng bag mo, Pres. Baka may mangupit, maraming tao." Tango lang ang sagot ko at umiwas na ng tingin sa kaniya. Why is he even commuting? Akala ko ba may kotse siya? Tatanungin ko sana siya but I felt like I can't. We are not that close and I don't want him to feel like I'm prying on his life. I don't want anyone to feel like that. "Pag sumasakay ng jeep, higpitan mo hawak sa bag mo at icheck mo if yung mga zipper nakasara lahat," sabi niya habang nakatayo kami at naghihintay sa susunod na jeep na yun daw ang sasakyan namin. "Why?" tanong ko. He chuckled, "Baka pag uwi mo, Pres, may nawala ng gamit mo o pera. Di mo alam nasa bag na pala ng iba." "Naranasan mo na bang makupitan?" Napakamot siya ng kilay niya, "Oo, Pres eh." "Is it okay to ask? I mean it's fine if you won't answer it--" "Okay na okay lang, Pres. Ano ba yun?" putol niya sakin. "Why are you commuting?" I asked. Hindi ko alam bakit kinakabahan ako. Maybe because baka maoffend siya at iwan ako dito. I don't know how to ride a jeep! Napatingin siya ng may bumusina na jeep. Hinila niya ako sa unahan at pinasakay. Sa front seat kami habang yung iba naman at sa likod at nag uunahan. "They look so crowded back there," sabi ko kay Terrence habang nakatingin sa likod. My mouth parted when the jeep started moving at may nakatayo na nakasabit sa likod. "Is that even safe?" tanong ko. Napatawa si Terrence at linagay ang vest niya legs ko. I look at him, confused. Lumapit ito sakin at bumulong, "Baka masilipan ka." I felt my stomach went haywire with what he did. Kanina pa to simula nung hinawakan niya ang kamay ko. My heart is even beating fast. What is happening? "Hindi po yan safe, Madame President pero kung gusto mo na talaga umuwi at puno. No choice. Basta kapit lang ng mahigpit kung ayaw mahulog," tawa niya. Tumango ako. "Then I am right. Buses are indeed more safe and comfortable than jeeps." "Jowa mo ba yan, hijo?" Napatingin kami ni Terrence sa driver. Nagkatinginan kami ni Terrence at sabay umiling sa driver. Kinabahan ako bigla kaya napakapit ako sa braso ni Terrence. Baka nagalit yung driver dahil mas prefer ko ang bus kesa sa jeep. "Ah, akala ko jowa mo. Alagang alaga mo, hijo. Ganiyan din ako sa asawa ko noon," nakangiting kwento ni Manong. "First time mo ba sa jeep, hija?" "Ah, opo. Sorry po," sabi ko. "Bakit ka naman nag so-sorry, hija?" tanong niya habang nakatingin sa daan. "Ahm.. baka po nagalit kayo kasi mas gusto ko sumakay sa bus kesa sa jeep. Mas komportable po kasi dun at sa tingin ko ay safe." Natawa si driver, maski si Terrence, sa sinabi ko. "May mga bus din na katulad ng jeep, hija. Siguro ay air-conditioned ang sinasakyan mo," nakangiting sabi niya. Tumango ako. "Manong, bayad po." Kinuha ni Manong yung bayad mula sa likod. Kumunot ang noo ko ng makitang ten pesos lang yun. "Kunot noo mo, Pres?" tanong ni Terrence. "Bakit ten pesos lang yun?" Napatawa na naman si Terrence. Hinampas ko siya. Seriously, he's laugh is making me feel like an i***t! "Difference between air-conditioned bus and jeeps. Mas mura ang bayad." Napataas ang kilay ko. "Really? I could've save thirty pesos!" "Saan ba kayo, hijo?" tanong ng driver kay Terrence. "Sa Benedicto po, Manong. Last na biyahe niyo na po ba ito?" tanong ni Terrence. "Hindi pa, hijo. Babalik pa ko ng dalawang biyahe bago umuwi." My mouth parted. Looking at him, he's like in his late fifties. Matanda na siya but he's still smiling and talking to his passengers despite driving all day. They talk as if they know each other for a long time. I don't even talk like this with my grand father. But looking at them talk like this... "Kumain po kayo, Manong, ha? Huwag niyo po yun kalimutan," sabi ni Terrence at ngumiti kay Manong. Napatitig ako kay Terrence. He's smiling and sincerity is evident in his eyes while talking to Manong driver. "Para lang po, Manong. Ingat po kayo," sabi ni Terrence at bumaba na ng jeep. Inilahad niya sakin ang isa niyang kamay kaya hinawakan ko yun. Inilalayan niya ako bumaba. Tumingin ako kay Manong, "Salamat po. Ingat." "Mag ingat din kayong dalawa. Sakay kayo ulit pag nagkita tayo," kaway ni Manong at umalis na. I don't know why but my heart is so full thinking about how hardworking Manong is. He sure inspired me to work harder. "So... kamusta ang first time sa jeep, President?" Napatingin ako kay Terrence na hawak sa isang kamay ang vest at nakasukbit sa isang balikat niya ang bag niya habang sa isang balikat ang sling bag ko. He looks like a boyfriend na hinatid ang girlfriend niya. I blushed at that thought. What the hell, Ave?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD