Isang shake lang ang order ko at wala ng iba dahil sigurado ako na hindi ako makakakain ng maayos sa maraming tanong ng aking kaibigang si Jane. "So how's Enzo's birthday? Na-surprise ba?" Dalawa sa madami niya pang tanong simula kanina. She really wants to know every detail that happened yesterday. Nagtampo pa na hindi ko daw siya sinama. It's not my party though. She also asked me about the headline regarding me and James and I just told her that it was a fake news. There is nothing more than friendship that's going on between us at alam niya 'yun. Apat na araw na hindi pa rin nakaka-move on ang mga tao at pinagpipiyestahan na kami ni James ng media. All eyes are on us. Minsan, pati ang mga nag-tatrabaho sa kompanya ni James ay pinag-uusapan kami. Hindi ko nalang pinapansin. I twirl

