Ilang beses pa ako binalikan ni Ace sa kwarto para gisingin. Parang kakatulog ko lang kasi at bigla bigla ay gigisingin niya ako. "What do you want, Ace?" Tanong ko sabay talukbong ng comforter. Naramdaman ko ang paghiga niya sa kama at tumabi siya sa akin saka ako niyakap gamit ang kanyang mga kamay pati mga paa. "Wake up na Ate. We will go have a final check on the condo that we're eyeing for before signing the agreement papers. Have you forgotten?" Oh, shocks! Tinanggal ko ang comforter na nakatakip sa aking mukha at hinarap siya. "That's today?!" Tumango siya at dahan-dahang tumayo sa kama. Napansin kong nakabihis na siya ng pang-alis na damit. "Kakadating mo lang ba galing Hacienda Hermosa?" She nodded her head again and shut the door. Mabilis akong tumayo at pumasok n

