Maaga palang ay ready na ako para bumiyahe dahil gusto ko sana na sa mansyon na makapagtanghalian kasabay ni Lolo. Dadalhin ko ang Audi ko pauwi at ganoon din ang mga kapatid ko, though hindi kami sabay-sabay dahil may mga tinatapos pa silang gawain dito sa Maynila. Bumaba na ako ng basement parking lot dala ang isang maliit na luggage bag nang magtext si Enzo at sinabing nandoon na siya. Gusto niya daw akong makita bago ako bumalik ng Hacienda Hermosa kaya hinintay ko na muna siya bago ako umalis. Pagbukas ng lift ay nakita ko kaagad ang kanyang itim na Lambo na naka-park sa tabi ng aking puting Audi. Presko siyang lumabas sa kanyang kotse at naglakad naman ako papunta sa kanya para mayakap siya. "Morning." He said and kissed the top of my head. Kumawala ako at matamis na ngumiti

