Excited at malaki ang ngiti ko pagkababa sa sala. Nakita ko ang lalake na nakasuot ng pormal na damit habang nakatayong naghihintay sa gilid ng sofa na may hawak na bouquet. Lumapad ang ngiti niya ng makita ako papalapit sakanya. "Popcorn." Iniabot niya sa akin ang hawak niyang bouquet saka ginulo ang aking maayos na buhok. "What are you doing here?" Gulat kong tanong. Bukas pa ang sabi niya na dating niya. Bakit napaaga? Isa pa gabi na, bumiyahe siya ng ganitong oras at dumiretso rito para lang ibigay sa akin ang bouquet na ito? Bukas pa naman ang birthday ko. "Uh. I mean, akala ko bukas kapa dadating?" Tanong ko ulit ng makabawi sa pagkagulat. "Maaga kasi ako natapos sa trabaho at naisipan kong dumiretso na rito sa inyo. Sayang naman ang oras. Gusto ko ako ang unang bumati

