Maaga palang ay bumangon na ako at naghanda, huling araw na ng mga kaibigan ko rito sa Hacienda at babalik na sila sa Maynila mamaya. Hinanap ko kaagad si Enzo or si James pero pareho ko silang hindi nakita sa loob ng mansyon. Kinatok ko naman sila sa kanilang silid ngunit walang sumasagot. Si Lolo Joaquin ay wala rin sa kanyang kwarto o kahit sa kanyang silid-aklatan. "Manang, si Lolo po nasaan?" Tanong ko kay Manang Josie nang makita siyang paakyat ng hagdanan. "Ah nandoon at naggo-golf kasama ng mga kaibigan mo." Sabi niya sabay turo sa golf course kahit hindi naman 'yun kita rito. Feel ko pa rin ang sakit ng muscles ng mga binti ko at hindi ko kayang lakaran mula dito ang papunta sa golf course kaya pinakuha ko kay Mang Caloy ang aking Audi dahil gamit nila ang dalawang golf car

