" Ano? " Agad kong tinakpan ang bibig nya dahil sa lakas ng pagkakasabi nya. Napalingon-lingon naman ako sa paligid dahil baka may makarinig sa amin. " Lower down your voice, would you? " Marahas nyang tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa bibig nya. " Tsk! Are you crazy enough para sumama sa kanila? " Napabuntong hininga nalang ako at naupo sa ilalim ng puno. Nilagay ko ang ulo ko sa dalawang tuhod ko na nakatupi. Alam ko naman na kabaliwan na 'tong naiisip ko, pero ito lang ang tanging naiisip ko para naman hindi sila mapahamak. Habang iniisip ko ang gabing pinagtangkaan ang buhay ni Blake ay hindi ko maiwasan na malungkot at maiyak dahil paano nalang kung wala ako ng gabing yun? Eh di patay na sana sya. Napailing nalang ako sa naisip ko. Ayoko at hinding hindi ako papayag na may

