Isang buwan na ang lumipas simula ng makarating kami sa Brazil. Marami ang nangyari at wala na akong balita sa mga kaibigan ko. Isa sa mga maraming nangyari ngayon ay buntis si Allexandria, dalawang buwan na. Noong una hindi nga ako makapaniwala dahil kilala ko ang kapatid ko at alam ko na hindi nya magagawa yun hangga't hindi pa sila kasal. Pero in-explain nya sa akin kung anong nangyari and they both drunk. Napailing nalang ako ng marinig ko ang explanation nya. Marami talagang napapahamak dahil lang sa alak. Nang malaman namin na buntis sya ay nag-propose agad ang kapatid ko kay Allex. Masaya ako para sa kapatid ko dahil finally! Nakahanap na din sya ng babaeng mamahalin at makakasama nya habang buhay. At nagkaroon ako ng isa pang dahilan para lumaban sa laban na 'to. Yun ay ang fut

