Chapter 4

1294 Words
Blake's POV: Nakatulala parin akong nakatingin sa blondeng babaeng papalapit sa katabi naming mesa ngayon. Habang papalapit sya ng papalapit ay sya din namang pagbilis ng t***k ng puso ko. Halos hindi ko na nakikita ang mga taong nadadaanan nya at sya nalang ang nakikita ng mga mata ko. Hindi ko na din naririnig ang ingay ng tugtog sa loob ng bar na ito at tanging lakas ng t***k ng puso ko nalang ang tanging naririnig ko. Bakit ganun? Bakit ganun makatibok ng ganito kalakas at kabilis ang puso ko sa babaeng ito? Para naman akong natulala ng ngumiti sya. Yung ngiti nya... Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Para akong hindi makahinga. Pigil hininga akong nakikinig sa usapan nila. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala. Sa isang iglap ay parang tumigil ang pagtibok ng puso ko... Parang tumigil ang mundo ko. K-Kaya pala ganun. Kaya pala ganun ang nararamdaman ko ng una ko syang makita. Hindi ko man sya agad nakilala ay nakilala naman sya ng puso ko. Napatingin naman ako sa mga kasama ko na tulala ring nakatingin sa babaeng nakatayo sa harap ng mesa namin ngunit nakatalikod sya sa gawi ko. Alam ko pati sila ay nagulat sa narinig nila. Kita ko sa mga mata ng mga babae na para na silang maiiyak, habang ang mga lalaki naman ay halata sa mga mata nila ang gulat. "You're late." Sabi ng isang babae sa katabi naming table. "Sorry naman. Pinilit ko pa kasi si Allexandria, kaso ayaw talaga." Sagot ng babaeng kakarating lang. "Sayang naman. Pero okay lang 'yun, i-enjoy nalang natin ang gabing ito. Yohoo! " Sigaw naman ng parang makulit sa kanila. Ang boses nya... Napapikit nalang ako at parang dinadama ang boses nya. Ang boses nyang limang taon kong hindi narinig. Inaalala ko sa isip ko ang mga ngiti nya, ang boses anghel nyang tawa sa pandinig ko. Ang maamo nyang mukha... "A-Allison." Napamulat nalang ako bigla ng mata ng marinig kong tinawag ni Fayre ang babaeng 'yun sa pangalang 'yun. Para namang lalabas ang puso ko sa sobrang bilis ng pagkabog habang nakatingin sa babae na dahan-dahang napapatingin sa pwesto namin. Parang gusto kong umiyak ng makita ko ang mukha nya sa malapitan. Gulat naman syang napatingin kay Fayre at sa mga kasama ko at ngumiti din kalaunan. "G-Guys." Lumapit naman sya sa mga kasama ko at niyakap sila isa-isa. Hindi ako tumayo sa kinauupuan ko at nakatingin lang ako sa mukha nya na limang taon ko ding hindi nakita. Ang mukha at presensya nya na sa loob ng limang taon ay nangulila ako. Tuluyan ng nagsiiyakan ang mga babae ng makayakap na nila si Allison. Ang mga lalaki naman ay tuwang-tuwa syang niyakap. Natahimik naman ang mga kasama ko at ang bilis ng puso ko ng tumingin sa akin. Nami-miss ko na magtagpo ang mga mata namin. Ang napaka-inosente nyang mga mata na masarap at hindi nakakasawang titigan. Ngumiti naman sya ng malamya habang nakatingin sa akin. "Reyes." Reyes? Na-miss ko ang tawag nya sa akin. Kung sa ibang taong tinatawag akong Reyes ay pormal lang sa pandinig ko, pero kapag sa kanya ko naririnig ay iba ang dating sa akin. Parang 'yun ang pinakamagandang salita ang naririnig ko. "Long time no see." Tumayo naman ako at walang sali-salitang niyakap sya. Na-miss ko sya. Alam nila at alam ng diyos kung gaano ko nami-miss ang babaeng nasa mga bisig ko ngayon. Alam din ng diyos na hanggang ngayon ay mahal na mahal ko parin ang babaeng ito at kahit kailan ay hindi nagbago ang nararamdaman ko sa kanya... Kahit konti. Kung titignan mo sya ngayon ay maraming nagbago sa kanya, mas lalo syang gumanda. "Na-miss kita." Niyakap ko sya ng pagkahigpit-higpit na parang ayaw ko na syang pakawalan pa. Unti-unting kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ng yakapin nya din ako ng mahigpit pabalik. "Na-miss din kita." Hindi ko alam kung ilang minuto ko na ba syang yakap. Wala akong pakialam kung may mga kasama kami, o kung may mga taong nakatingin sa amin ngayon, basta ang alam ko lang ay na-miss ko sya at ayaw ko na syang pakawalan pa. Napahiwalay nalang ako sa pagkayap sa kanya ng nagsalita ang isa sa mga kasama nyang babae. "Hep-Hep." Pinilit nya talaga kaming magkahiwalay ni Allison at sapilitang kinuha ito saka pinuwesto nya ito sa likod nya. Sa gulat ko naman ay hindi agad ako nakapag-react at nagtatakang tinignan sya habang masama ang tingin nya sa akin. Lumapit na din sa akin ang mga kaibigan ko at katulad ko ay nakatingin din sila sa babaeng kumuha kay Allison na may pagtataka. "Sino ka at sino kayo?" "Eh ikaw? Sino ka naman? Kung makaasta ka dyan..." Sungit na tanong ni Meadow sa kanya. "I'm Shreya, her friend." Sagot nya. "Well, we're her friend too." Sagot naman ni Cresent. Sige, kayong dalawa mag-usap crest kasi pareho kayong englishera. Tumingin naman ang Shreya na 'yun kay Allison. "Is that true?" Tumango naman si Allison. "Sono I miei amici di cui sto parlando che sono partito qui in Filippine." (They are my friends that I'm talking about that I left here in Phillipines.) Tumango-tango naman si Shreya sa sinabi ni Allison na animo'y naiintindihan niya ang sinasabi nito. Ano bang pinag-uusapan nila? "Sono loro?" (Are they?) Tanong naman nung isa. Tumango naman si Allison bilang sagot. Nag-usap pa sila na iba ang lenguwahe ang gamit. Kahit nagtataka ay hindi na kami nagbalak na makisali pa sa usapan nila. Wala din naman kasi kaming naiintindihan. Pagkatapos nilang mag-usap ay humarap ulit sa amin si Allison. "Pasensya na kayo sa inasal ni Shreya ha?" "Okay lang 'yun Ally." Si Meadow na ang sumagot sa amin. "Teka, parang namumukhaan kita. " Sabi niya na nakatingin sa isa sa mga kasama ni Allison. Napatingin naman kami sa babae, pati na din si Allison na nagtataka. "Saan nga ba... Ah tama! Ikaw si Tazzana, hindi ba? " Kahit nagtataka ay tumango naman ang sinasabing Tazzana ni Meadow. "How did you know me?" Nagtataka nyang tanong. "Meadow." Inilahad naman nya ang kamay nya kay Tazzana. Tinanggap naman nya ito at nagkamay sila. "Kaibigan ni Walter. Hindi ba ikaw ang fiancee nya?" Nag-iisip naman si Tazzana sa sinabi ni Meads na animo'y inalala kung saan ba sila nagkakilala. Ilang Segundo pa ay parang naalala na nya si Meadow. "Tama. Sa bar. Yeah, I remember you now." Nagpakilala naman kaming lahat sa kanila at nalaman namin na fiancée pala ni Zachary si Shreya at fiancée din ni Xander si Akshita. Nagsama-sama kaming lahat sa iisang table at nagku-kwentuhan naman sila. Habang nag-uusap sila ay nakatingin lang ako kay Allison na tumatawa at nakikisabay sa kanila. Ilang oras din ang nakalipas ay nagpaalam saglit si Akshita. Nagku-kwentuhan lang sila pero hindi nila napag-uusapan kung bakit hindi nagpakita si Allison sa amin sa loob ng limang taon. Kahit ano pa mang dahilan nya ay wala na akong pakialam. Ang mahalaga sa akin ngayon ay nandito na ulit sya sa harap ko, mahahawakan at makakausap ko din sa wakas. Ilang minuto din ang lumipas ay bumalik na si Akshita at may binulong kay Allison, tango lang ang tinutugon nya sa twing nagsasalita ito. Ano kayang binubulong nya? Tumayo na din si Allison at Shreya. "Guys mauna na kami. Bigla kasing nagkasakit ang pamangkin ko. Sorry." Nagulat nalang kami na sa parang isang bula na nawala silang apat. Napaupo nalang ako ulit sa upuan ko. Hindi ko man lang nakuha ang number nya o impormasyon kung saan sya nakatira ngayon. Nakakalungkot na parang hindi man lang nya ako nami-miss. Parang wala lang sa kanya na limang taon akong hindi nakita. Anong ibig sabihin non? Hindi na ba nya ako mahal? Parang balewala lang ako sa kanya. Hindi... Alam ko na mahal parin nya ako. Sinabi nya sa akin na na-miss nya ako. Bahala na. Basta ang importante ngayon ay nakita ko na sya ulit at nandito na sya ulit sa Pilipinas. Mas madali ko na syang mapapasaakin ulit...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD