Chapter 3

1158 Words
Blake's POV: "CHEERS!" Sabay-sabay naming sigaw sabay cheers ng mga baso namin na may inumin. "Congratulations sa inyo boys." Sabay-sabay namang bati ng mga babae sa amin. "Thank you." Pasasalamat namin sa kanila. "Proud na proud talaga kami sa inyo. Ang galing-galing nyo." Sabi ni Meadow. Napangiti naman kami sa sinabi nya. Ganyan sila palagi. Palagi nila kaming sinusuportahan. "Haha kaya kayo palagi ang usapan sa mga news eh. Hindi lang mga successful businessman, kayong lima din ang hottest bachelor in your batch. Grabe!" Masayang sabi ni Cresent. Niyakap naman sya ni Gray patagilid at hinalikan sa sintido nito. "Pero kahit kami pa ang hottest at maraming mga babae na naghahabol sa amin, syempre may nagmamay-ari na ng mga puso namin." Matamis na ngiti naman ang ginawad ni Troy sa asawa nya kaya namula naman ang mukha ni Fayre kahit medyo madilim sa pwesto namin. Nandito kami ngayon sa isang bar na malapit sa resort nina Troy. We're celebrating tonight for our upcoming hotel branch in Macau. Sa wakas naging worth it din ang pagod at puyat naming lima. Napatingin naman ako sa mga kasama ko na masayang nagse-celebrate. Masaya naman ako pero hindi parin maiwasan na mainggit sa kanila at makaramdam ng lungkot. They have their love ones, mas naiinggit ako kina Troy at Fayre na may anak na ngayon. Akala ko dati ako ang unang magkakaanak sa barkada dahil sa maaga kaming kinasal ni Allison, pero mas nauna pang nakabuo ng pamilya si Troy. Malungkot man ako dahil sa sinapit namin ng mahal ko ay masaya naman ako para sa mga kaibigan ko. Masaya din ako sa twing nakikita ko si Tyler, dahil kahit papaano ay nababawasan ang kalungkutan na nararamdaman ko. Napaisip naman ako, sigurado akong magkakasundo sana ang anak ni Keisha at si Tyler kung sana buhay pa ito ngayon. Kung hindi sana umalis si Allison, eh di sana malalaman nya ang totoo, eh di sana may pamilya na din kaming naboo ngayon. May anak na sana akong kalaro ngayon. Minsan hindi ko maiwasan maisip na kung sana hindi umalis si Allison ay may pamilya na sana kami ngayon, may pantanggal na sana ako ng pagod. May paglalaanan na sana ako ng oras, hindi 'yung tulad ngayon na sinusubsob ko nalang ang sarili ko sa trabaho ng hindi ko naman masyadong maramdaman ang pangungulila ko sa kanya. Napabuntong hininga naman ako. Nasaan ka na kaya MyQueen? Bakit hindi kita mahanap-hanap? Miss na miss na kita, alam mo ba 'yun? Kasama mo parin ba hanggang ngayon si Charles? May kirot naman akong naramdaman sa dibdib ko sa tanong na naboo sa isip ko. Hindi ko maiwasan na maisip na kasama nya si Charles ngayon, dahil kasama nya itong naglaho na parang bula noon. Katulad din ng kay Allison ay pinapahanap ko din sya, dahil nagbabakasakali ako na kapag nahanap ko si Charles ay may posibilidad na mahanap ko din si Allison. Pero gaya din nga ng kay Allison ay wala ding lead na maibigay sa akin ang mga private investigator namin kung nasaan sya. Bakit ba ang hirap mong hanapin Allison? Bakit ang hirap nyong hanapin? Kumusta na kaya sya? May iba na kaya syang mahal? May anak na kaya sila kung may iba na sya? Masaya kaya sya? Mahal pa ba nya ako? Hindi. Wala pa syang iba. Hindi sya pwedeng magmahal ng iba. Dapat ako lang, dahil ako ang asawa nya. Sa mata ng batas, lalo na sa mata ng diyos ay kasal kami. Kahit na noong ikasal kami ay hindi pa namin mahal ang isa't-isa ay nangako parin kami sa harap ng mga taong saksi sa aming pag-iisang dibdib, sa harap ng diyos na magmamahalan kami sa hirap man o ginhawa at ipinangako namin sa harap ng diyos na magsasama kami habang buhay, na tanging kamatayan lang ang makakapaghiwalay sa amin. Kung sakali mang may mahal na syang iba ay hindi ko parin sya isusuko dahil kasal kami at dahil mahal ko sya. Hindi ko sya basta-basta isusuko. Sa loob ng limang taon ay sya parin ang mahal ko, hindi ako naghanap ng iba kaya dapat ganon din sya. Sinasabi ko sa sarili ko na mahal parin nya ako dahil kahit malayo kami sa isa't-isa ay kasal parin kami at kahit na makipaghiwalay sya sa akin ay hinding-hindi ako papayag. Ipaglalaban ko sya sa kahuli-hulihang hininga ko. Dapat mahal parin nya ako dahil mahal na mahal ko parin sya hanggang ngayon. Hindi ako maghahanap at wala akong balak na ipagpalit sya sa puso ko. Tanging sya lang ang makakapagpatibok ng mabilis sa puso ko. Tanging sya lang ang makakapagparamdam sa akin ng ibang saya. Inisang lagok ko lang ang alak na nasa baso ko at nagsalin ulit sa baso sabay lagok nito. "Dahan-dahan lang dre, baka malasing ka kaagad nyan. Mahaba-haba pa ang oras ng pagseselebrasyon natin." Awat sa akin ni Gray. "Nah. Hindi agad ako malalasing dre. Ako pa." Mayabang na sabi ko. Alam ko na hindi agad ako malalasing, lalo na at konti pa lang ang naiinum ko. Dumaan ang oras at patuloy kami sa pagku-kwentuhan, sa pagsasaya at pagtatawanan. Napatingin naman ako sa dance floor, maraming nagsasayaw na mga babae, lalaki at may magkaparehas din. Ang saya nilang tingnan, 'yung tipong parang wala ng bukas. Para namang huminto ang mga taong nagsasayaw, bigla namang tumahimik at bigla nalang tumigil ang mundo ko. Pigil hininga akong nakatingin sa isang babae na matangkad, maputi, at maganda. Naka-dress sya above the knee, color black, naka-leather jacket din sya, light make up at naka-messy bun. Bigla nalang bumilis ang t***k ng puso ko ng makita ko sya. Naglalakad sya sa gilid ng dance floor at palinga-linga na animo'y may hinahanap. Lahat ng lalaki ay nakatingin sa kanya dahil kurbang-kurba sa kanyang katawan ang suot nyang black dress na lalong nakapagpaputi sa kanya. Hindi na ako magtataka na kung bakit sa kanya nakatingin ang lahat, lalo na ng mga lalaki dahil para syang isang magandang bulaklak na kay sarap tingnan. Sa buhok nya na kulay krema na bumagay naman talaga sa ganda nya ay masasabi mong na isa syang foreigner. My heart skips a beat when our gazes meet. Nang tumingin sya sa direksyon ko ay ngumiti sya at kumaway, napatingin naman ako sa katabing table namin na may tatlo na babaeng kumakaway sa kanya. Sila siguro ang mga kasama nya. Katabi lang namin ang table na kinawayan nya. Napatingin ulit ako sa babaeng naglalakad na papunta sa direksyon ng katabi naming table. Para namang slow motion ang tingin ko sa kanya habang papalapit sya. Her smile that makes my heart beat faster, her smile that can melt my heart. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman sa kanya ang ganitong pakiramdam na dati kay Allison ko lang naramdaman. Na si Allison lang ang nakakapagparamdam sa akin, na si Allison lang ang makakapagparamdam sa akin ng ganitong kakaibang pakiramdam, ng ganitong saya sa puso ko. Pero bakit ko nararamdaman ito sa babaeng una at ngayon ko lang nakita? Bakit ganito nagiging epekto sa kanya ang puso ko? Ano bang meron sya at bumibilis ang t***k ng puso ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD