Chapter 2

1082 Words
Fayre's POV: "What do you want babe?" "Anything will be fine." Sagot ko. "I want fries dad." Masayang sabi ni Tyler na nasa likod ng sasakyan. "Okay." Sagot ni Troy saka tumingin sa crew sa isang drive thru. Masaya akong tininingnan si Tyler na naglalaro ng PSP nya at kay Troy na umu-order. Kahit maaga akong nabuntis kay Tyler dahilan para hindi ko makasabay na maka-graduate ang mga kaibigan ko ay masaya naman ako. I don't have regret instead I'm so blessed that God gave me this wonderful family that I have right now. Sobrang saya ko ng dumating si Tyler sa buhay namin ni Troy. Noong una ay ang laki ng adjustment na ginawa ko. Hindi madaling mag-alaga ng bata, lalo na kapag gumigising sya twing gabi at madaling araw pero worth it naman ang pagod mo kapag nakita mong nakangiti ang anak mo. Totoo talaga 'yung sabi nila na kahit anong pagod mo ay mawawala lahat ng iyon kapag nakita mo ang anak mo, lalo na at nakangiti. Araw-araw nawawala ang pagod ko sa trabaho twing umuuwi ako dahil may sumasalubong sa akin na masayahing bata, lalo na ang gwapo kong asawa. Kahit tatlong taon na kaming kasal ay para parin akong nililigawan ni Troy. He still give me flowers and invite me for dinner, 'yung kaming dalawa lang, 'yung tipong date. He's still the same Troy that I used to love before and I the Troy that I still love until now. Papunta kami ngayon sa isang resort na pagmamay-ari ng family nina Troy para magbakasyon. We'll stay there for just two weeks. Relax for two weeks, layo-layo muna kami sa stress sa work and to celebrate na din. Celebrate para sa mga boys, para sa another branch ng hotel nila sa Macau. Ilang weeks din silang nawala at nagstay sa Macau dahil inaasikaso nila ang magiging branch doon and now we're celebrating dahil tuloy na tuloy na ito. Ang saya namin para sa kanila dahil sobrang layo na talaga ng narating ng business nila. We are so very proud of them. Napalingon naman ako sa daan na nadaanan namin ng may mahagip ang mata ko ng isang pigura ng babae. Napaupo ulit ako ng maayos ng hindi ko na ito nahagip. Posible kaya? Pero para talagang sya. "You okay babe?" Napatingin naman ako kay Troy na hinawakan ang kamay ko. "Somethings bothering you?" Umiling naman ako at ngumiti ng bahagya. "Wala naman. May naisip lang ako." "Ano naman 'yun?" Tanong nya na nakatingin sa daan. "Si Allison." Natahimik naman sya sa sinabi ko. "Kamusta na kaya sya? Limang taon na ang nakakalipas pero wala parin tayong balita tungkol sa kanya." Tumingin naman ako sa labas ng bintana. Miss na miss ko na sya. Isa sya sa mga tumulong sa akin, nagpalakas ng loob ko para magtiwala kay Troy. Para hindi ako matakot na mahalin sya. Naalala ko pa dati 'yung mga payo nya na wag akong matakot na mahalin si Troy, dapat sumugal para sa kaligayahan mo. Kung hindi ko sinunod ang payo nya dati ay hindi siguro ako magiging ganito kasaya ngayon. "Ewan ko ba. Pati kami ay tumulong na din sa paghahanap sa kanya, kumuha na din kami ng private investigator. Tinutulungan namin si Blake na hanapin si Allison, pero wala parin kaming nakukuhang impormasyon tungkol sa kanya. Kahit kunting impormasyon man lang." Nagtataka talaga kami dahil kahit kunting impormasyon tungkol kay Allison ay wala talaga kaming nakuha tungkol sa kanya. Nakakapagtaka talaga. Ilang magagaling na private investigator na ang kinuha nila pero wala paring nakuhang lead kung nasaan na ngayon si Allison, kung buhay pa ba o patay na. "Naawa na nga ako kay Blake, limang taon na nyang hinahanap si Allison pero wala paring impormasyon. Kaya ayan sya ngayon, sinusubsob nalang ang sarili sa trabaho." "Wala ba syang balak magka-girlfriend?" Out of nowhere kong tanong. Natuptop ko naman ang bibig ko dahil sa naging tanong ko. "I-I mean..." "Wala na syang balak na maghanap ng iba. Yun ang sabi nya. Hihintayin nya daw ang pagbabalik ni Allison. Hangga't mag-asawa pa sila sa harap ng diyos ay maghihintay sya." Nakangiting sabi ni Troy. Napanganga naman ako sa sinabi niya. Sinabi ni Blake 'yun? Humahanga talaga ako sa pag-ibig ni Blake para kay Allison. Kahit na ilang taon na silang hindi nagkikita ay mahal na mahal parin nya ito at handa parin syang maghintay hangga't may pinanghahawakan sya. Minsan ka nalang makakakita ng ganyang lalaki ngayon. Bumaba na ako ng kotse ng makarating na kami sa resort. Kukunin ko na sana ang natutulog na si Tyler ng may humawak sa balikat ko. "Ako na ang magbubuhat sa kanya." Ngumiti nalang ako sa kanya at tiningnan sya habang karga-karga si Tyler. Magkamukhang-magkamukha talaga silang mag-ama. Carbon copy talaga ni Troy si Tyler. Hindi na din ako magtataka dahil noong pinagbubuntis ko si Tyler ay palagi kong hinahanap si Troy. Minsan nga hindi na sya nakakapasok dahil gusto ko syang palaging kasama at gustong-gusto kong nakikita ang maganda nyang mukha. Kaya ayan ang labas, isang maliit na version ni Troy. "Ma'am saan ko po ito ilalagay?" Tanong sa akin ni Manang Delia. "Sa kwarto nalang manang." Tumango naman sya at umalis na. Sya ang nagbabantay kay Tyler kapag wala kami ni Troy. Ngayon kasi ay sya muna ang magbabantay kay Tyler dahil pupunta kami ng bar bukas ng gabi para mag-celebrate. Pagkaupo ko sa kama ay sya namang pagbukas ng pinto at pumasok ang asawa ko. "Napagod ka ba sa byahe?" Tanong nya sa akin. "Medyo." Lumapit naman sya sa akin at tumabi sa pag-upo. "Pahinga muna tayo? Medyo napagod ako sa byahe eh." Hinila naman nya ako pahiga sa kama at niyakap. Nakaunan sya ngayon sa tyan ko. Hinaplos ko naman ang buhok nya. Ang gwapo talaga nya kahit tulog. Napangiti naman ako. Kahit kailan hindi ako nagsisisi na minahal at pinakasalan ko ang lalaking ito. Mabait, maalaga at malambing. Mas malapit nga sa kanya si Tyler eh, palagi nyang nilalaro si Tyler sa twing umuuwi sya galing sa trabaho. Binibilhan din nya ng mga gusto nito pero kahit ganun ay hindi naman masyadong maluho si Tyler. Sya 'yung tipong pinapahalagahan ang mga bagay na binibigay sa kanya ng daddy nya, kahit na bigay ng mga tito at tita nya. Minsan nga nagkakaunawaan ang mag-amang yan sa mga kalukuhan. Turuan ba naman ni Troy kung paano manligaw. Minsan nga pinapagalitan ko si Troy dahil kahit anong kalukohan ang itinuturo sa anak nya pero tinatawanan lang ako ng mokong. Pero kahit ganun ay mahal na mahal ko parin ang dalawang lalaking ito, kahit na minsan ay pasaway sila. Sila kasi ang kaligayahan ko ngayon. Ang buhay ko. - To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD