PROLOGUE
⚠️ STORY WARNING:
This story is rated PG-13 (General Audience). It contains Heavy s****l Tension, Steamy Romance/Teasing, Cunning Manipulation, and Strong Language (Ugaling-Kalye Words) from the male lead. Read at your own risk!
Gusto mo ba ng kwentong puno ng kilig, protective bad boy, at tapat na pag-aalaga? Huwag kalimutang i-click ang #Add to Library / #Pocket para hindi mahuli sa aking Daily Updates! ❤️✨
"Para sa legacy ng Arellano Construction at Real Estate, kailangang pakasalan mo si Nathania, Sebastian."
Ang boses ni Dad ay gumuho sa loob ng malamig at tahimik na library ng mansyon. Sa edad na dalawampu, tahimik lang ako sa isang sulok, nakakuyom ang mga palad habang nakatitig sa sahig. Praktikal akong tao. Alam kong masyado pa akong bata para hawakan ang posisyon ng CEO, pero ang marinig mula kay Dad na kailangan kong pakasalan ang foster kuya ko para lang sa stability ng pangalan namin laban kay Uncle Joseph? Parang sinaksak ang puso ko. Lalo na nang makita ko ang nagngangalit na galit sa mga mata ni Sebastian.
"Hindi ko gagawin 'yan, Dad! May girlfriend ako! Hindi ko papakasalan ang kapatid ko para lang sa kumpanya!" asik ni Sebastian bago marahas na tumalikod at nag-walk out sa library.
Naiwan akong nakatayo, pinapanood ang likod ng lalaking matagal ko nang lihim na minamahal, habang pinapamukha niya sa akin kung gaano ako kawalang-halaga kumpara kay Chona. Sa tindi ng inis at sakit ng pride ko, nag-walk out din ako patungo sa aking kwarto para magkulong. Ilang sandali pa, narinig ko ang marahas na pagpaharurot ng sasakyan ni Sebastian paalis. Iniwan namin si Dad na mag-isa sa library. Isang pagkakamali na pagsisisihan ko habangbuhay.
Makalipas ang isang oras, isang matinding tili mula sa ibaba ang bumasag sa katahimikan ng gabi. Boses iyon ng mayordoma naming si Manang Delia.
Mabilis na kumaba ang dibdib ko. Agad akong tumakbo pababa ng hagdan patungo sa library. Pagpasok ko, napatakip ako sa aking bibig. Si Manang Delia ay umiiyak na nang histerikal, nakaluhod sa sahig habang pilit na ginigising ang katawan ni Dad. Si Dad... nakahandusay siya, walang malay, at putlang-putla.
"Dad! Dad, gumising ka!" sigaw ko habang patakbong lumapit sa kanya. "Manang, anong nangyari?!"
"H-hindi ko alam, Thania... Maghahatid lang sana ako ng kape pero pagpasok ko, ganito na siya!" umiiyak na sagot ni Manang.
Nanginginig ang aking mga kamay ngunit pinilit kong maging alerto. Kaagad akong sumigaw at tumawag sa Butler namin sa labas. "Ben! Maghanda kayo ng sasakyan ngayon din! Ihahatid natin si Dad sa ospital! Bilisan ninyo!"
Habang naririnig ko ang nagmamadaling yabag ng mga security guard sa labas, mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Hinanap ko ang pangalan ni Sebastian at pinindot ang dial. Ring. Ring. Ring. Walang sumasagot. Sinubukan ko ulit. Sa ikatlong pagkakataon, operator na ang sumagot—busy na ang linya.
"f**k!" napamura ako ng malakas dahil sa tindi ng frustrasyon at galit. Hindi ko siya makontak sa oras na mas kailangan siya ni Dad! Subsuban na naman siguro ang pakikipag-landian niya kay Chona at nakalimutan nang may pamilyang naghihintay sa kanya rito.
Umiiyak ako habang binalingan ko ulit si Dad. Lumuhod ako sa tabi niya at marahas kong binabayo ang dibdib niya, pilit na ginagawa ang CPR na natutunan ko noon, umaasang magkakaroon siya ng malay.
"Dad, please... huwag mo kaming iwan... Dad, gumising ka!" pagmamakaawa ko, habang ang mga luha ko ay pumapatak na sa mukha niya.
Nitong mga nakaraang buwan kasi, laging naninikip ang dibdib niya. Minsan, nahuhuli ko siya sa library o sa opisina na nakahawak sa puso niya at nahihirapang huminga. Sa tuwing tatanungin ko siya kung ayos lang ba siya, palagi niyang isinasantabi ang pag-aalala ko. Stress lang 'to sa business, Thania, huwag kang mag-alala, laging paboritong linya ni Dad. Pero hindi ko alam na seryoso na pala ang kondisyon niya.
Animnapu’t walong taon na si Dad. He adopted Sebastian from the orphanage nung pitong taong gulang pa lang si Sebastian. Ako noon? Hindi pa ako naipapanganak sa mundong ito. Sabi ni Mom sa akin bago siya pumanaw, noong dinala si Sebastian sa mansyon ay lumulutang pa raw ako sa ere—isang kaluluwang nag-aantay pa lang na isilang. Kaya naman automatic na he became my kuya, ang nag-iisang lalaking nagprotekta sa akin, at ako naman ang naging bunso at direktang anak ng pamilya Arellano.
Pero ngayon? Ang bwisit ko na kapatid, nag-walk out at pinairal ang tigas ng ulo dahil lang sa ayaw niyang pagbigyan ang huling hiling ng lalaking nag-ahon sa kanya sa hirap ng orphanage! Hinayaan niyang mamatay sa konsensya si Dad para lang sa pag-ibig niya kay Chona.
Habang binubuhat ng mga security guard ang walang buhay na katawan ni Dad patungo sa nag-aabang na sasakyan, tumayo ako nang nanginginig ang buong katawan. Tiningnan ko ang madilim na library. Sa gabing ito, tuluyan nang gumuho ang pamilya Arellano. At kung hinding-hindi babalik si Sebastian para ayusin ang iniwan niyang gulo... ako mismo ang gagawa ng paraan.