GAIL MASAYA ako sa naging ayos ko ngayon. Handa na ako sa magiging lakad naming dalawa ni Thunder. Magsisimba nga lang pala kami at wala naman espesyal na pupuntahan talaga. [I'll pick you up na lang ba? O, sa San Sebastian na lang tayo magkikita, Gail?] Thunder. San Sebastian? Ngayon ko pa lang narinig ang lugar na 'yon. Mas mainam sigurong magkita na lang kami--- mas convenient sa side ko. Tamang-tama at 'di ginamit ni Pearl ang honda civic niyang sasakyan sa lakad niya ngayon. Iyon na lang ang gagamitin ko, it will be make comfortable to me too--- kahit na fan talaga ako ng big cars kaya nga, noong umalis ako ng Bicol ang jeep wrangler ni papa ang dinala ko. [I'll go in San Sebastian, d'on na lang siguro tayo magkita kung okay lang.] reply ko sa kaniya. Wala naman talaga akong bal

