GAIL HINDI pa rin ako makapagdesisyon kung tatanggapin ba ang imbitasyon sa akin ni Thunder. Niyayaya ako nitong magsimba. Sa totoo lang nandoon sa akin ang pag-aalangan, wala naman sa plano ko 'to. Ang gusto ko lang mangyari ang magkaroon ako ng access sa bahay ng mga ito. Pero sa mga personal nitong lakad hindi dapat kasama ito. Pero bakit may bahagi ng utak ko ang nagsasabing---- I have too? [Hi, Gail! Just want to inform you, nakauwi na kami ni lolo. I'm just planning to take a nap lang, bago magsimba. Just message me if you're free, para masundo kita kung nasaan ka. But please! Huwag na sa talyer ha. Hindi magandang tagpuan.] Thunder. Napangiti ako sa biro niya, kung biro man 'yon. Ano naman ang masama sa talyer? E, d'on naman kami nagkaroon ng magandang sandali hindi ba? I mea

