GAIL NAGISING akong masakit ang ulo ko, dahil na rin siguro ito sa alak na nainom ko sa party. "Goodmorning, mabuti at nagising ka na. Pinagluto kita ng tinola," nakangiting bungad sa akin ni Pearl. "Masakit ang ulo ko, Pearl," daing ko sa kaniya. "Ang mabuti pa magpahinga ka muna. If you want dalhan na lang kita ng makakain mo rito, baka gutom lang 'yan. Ano'ng oras na rin e.." mungkahi nito. "Okay lang ba? Parang mabibiak ang ulo ko, siguro dahil lang to sa alak na nainom ko nagdaang gabi.." "Naparami ka ba?" tanong niya sa akin. "Hindi naman! Tama lang naman. Pero iwan ko nga ba kung bakit sumakit lang din ng sobra ngayon." "Kulang ka lang siguro sa tulog, pagkatapos mong kumain magpahinga ka na lang ulit. Wala ka nanan sigurong lakad ngayon 'di ba?" anito. Bahagya akong nag-

