Thunder I was amazed by how things are turning into places. Unang-una iyong pagtulong ko kay Gail na naging daan para imbitahan ko siya sa kaarawan ni Lolo Ignacio. Pangalawa ay ang tuluyan na naming pagkikita ng madalas. At pangatlo ay ang pagpayag niyang ligawan ko na siya. After a long day of work ay siya ang gusto kong makasama kaya ko siya iniimbitahan mag-joyride palagi. Nakikisama naman siya pati na ang panahon. I wanted to surprise her, dadalhin ko siya sa isang lugar kung saan kakaunti lang sa lugar namin ang nakakaalam. Nakangiti akong lumabas ng kwarto. Kinatok ko muna si Lolo Ignacio sa kwarto. Para matignan kung tulog na o hindi pa. "Bukas iyan," sambit niya nang kumatok ako. Nakita ko siyang nag-aayos ng mga dokumento. Sa ibabaw ng mesa ay nakalapat ang kwadro na nagsi

