GAIL I am enjoying every moment with Thunder. Simpleng tao lang din siya. He has got the money and looks pero heto siya at kumakain ng street foods. "Hi Doc!" narinig kong may bumati sa kanya. Tumango lang si Thunder sa kanya. "Uy si Doc, ang gwapo niya talaga ano?" isa pang babae sa isang grupo ng kababaihan ang narinig kong pumuri sa kanya. I looked at Thunder pero parang wala lang itong narinig o marahil ay sanay na itong makarinig ng mg papuri. "Ang dami mong fans ah," siko ko sa kanya. "Gail," tipid na sabi nito at bahagya pang kumunot. "Sikat ka, kilala ka halos lahat ng mga babae dito, " dagdag ko pa. "Are you mad?" nakakunot pa ring tanong nito. Bakit ba niya naiisip na magagalit ako dahil sikat siya at kilala siya ng mga kababaihan? "Why?" I asked him with my confused f

