GAIL HALOS patapos na ako ng aking almusal nang makatanggap ako ng tawag mula kay Thunder. Nag-aalangan pa akong sagutin ito, pero sa huli sinagot ko pa rin ito. "H-Hi," bungad nito sa akin. "Hi—" ani ko sa kaniya. "Goodmorning, Gail.." "Magandang umaga rin, Thunder. Napatawag ka?" nag-aalangan kong tanong sa kaniya. Mukhang maaga pa yata ang tawag nito—inaasahan ko naman talaga ito at nagdaang gabi nagpaalam din ito sa akin. "Just want to ask kung libre ka ba ngayon? Uhm, iyong napag-usapan natin nagdaang-araw," anito sa akin. Hindi ko naman nakakalimutan ang tinutukoy nitong tungkol sa Rancho—actually handa na rin naman ako at tulad nga ng sinabi ko kanina gusto ko na rin matapos ang plano ko. "Uhm. Wala naman. Naalala ko nga rin ang napag-usapan natin," aniya ko sa kaniya. "Gusto m

