THE PREPARATION 🌸

2011 Words
GAIL SANTIVEZ | ANG MULING PAGKIKITA NASIYAHAN ako ng tingnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Simple lamang ang suot ko ngayon. Iyong sandal na balak ko sanang isuot pinalitan ko na lang ng flat shoes na bigay sa akin noon ni mama bago siya nakipaghiwalay kay papa. "Ayos ka na ba?" bungad ni Pearl nang pumasok ito sa silid ko. Nakabihis na rin ang kaibigan kong 'to. Naalala ko nga pala na may lakad ito at nagpaalam sa akin kanina. "Aalis ka rin?" tanong ko sa kaniya. "Yes. Sabi ko nga sa'yo 'diba mamimili ako ng mga items na ibebenta ko sa night market sa Divisoria Cebu," tugon niya sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng guilt feelings sa sarili ko at dapat kasama ako nito kung wala lang akong lakad. "Kaya mo ba? Pwedi ko naman i-cancel ang lakad ko ngayon," ani ko sa kaniya. Mabilis na umiling-iling sa akin si Pearl. Tila yata hindi nagustuhan ang sinabi ko sa kaniya--- kung ako ang tatanungin talaga naman na pwedi kong ipagpaliban ang lakad ko sana sa pagdalo sa selebrasyon ng lolo ni Thunder, kahit na malaking opurtunidad iyon para mapalapit dito. "Don't do that, Gail. Kilala kita hindi ka naman aalis kung hindi mahalaga sa 'yo. Okay lang ako at kaya ko ang sarili ko huwag mo ako alalahanin. Magpapasama na lang ako sa mga baklang kaibigan natin." Naalala ko si Felix at Ysra--- bukod kay Pearl mga kaibigan ko rin ang mga ito at tulad ng sinabi nito kabilang sa LGBT ang dalawang 'yon. Kahit papano naging panatag ang loob ko. Hindi pababayaan ng mga 'to si Pearl. Ako na rin kasi ang tumayong pamilya nito dito sa Cebu, kaya hindi ko matatanggap kapag may mangyaring masama dito. Hindi ko magugustuhan 'yon--- malayo ang pamilya nito ang huli kong balita sa kaniya nasa Negros pa. Nag-iisa itong namuhay sa siyudad na 'to, kaya nga naging magkasundo kaming dalawa, pareho kaming solo at hinaharap ang lahat na kami lang ang magkaramay sa isa't isa. Hindi ako pinababayaan ni Pearl at iyon din ang pangako ko sa kaniya ang hindi siya pabayaan sa abot ng aking makakaya. Hangga't kasama niya ako mananatili siyang ligtas. "Sigurado ka ha. Bayaan mo babawi na lang ako sa'yo," sabi ko sa kaniya. Napangiti ito ng maluwag sa akin at matamang sinulyapan ang suot ko. "Napakaganda mo talaga, Gail. Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit hanggang ngayon niloko ka ng Antonio na 'yon." Inis ang pinukol kong tingin dito--- ito ang nag-iisang taong may alam sa naging buhay pag-ibig ko noon kay Anthonio, kung paano ako paglaruan nito at lokohin noon. Gusto ko na nga sanang kalimutan at huwag na maalala pa. Pero dahil tulad nga ng sabi ko at may alam ito sa mga nangyari noon wala rin akong magawa minsan kundi pakinggan na lang siya . "Sabi ko sa'yo hindi ba, ayaw na ayaw ko na marinig ang pangalan na 'yan. We have to move on okay. Hindi ko rin siya makakalimutan kung patuloy natin siyang maaalala! Gusto mo rin na hindi na ako maging malungkot 'di ba, Friend?" sabi ko sa kaniya--- hindi naman ako galit o sama ng loob dito. Iniwas ko ang tingin ko kay Pearl--- gusto ko lang sanang mawala na si Antonio sa kung ano man ang buhay na mayroon ako ngayon. Besides, matagal na akong walang balita dito. Iniiwasan ko na 'to at ayaw ko ng makarinig ng kahit na ano rito. "Hindi ka pa rin nakakamove-on, girl!" untag nito sa akin. "Pearl, please. I just want to--- kung alam mo lang kung gaano ko pinipilit ang sarili kong kalimutan siya. Tulungan mo na lang akong gawin 'yon." "I'm sorry. Huwag kang mag-alala. Pipilitin ko ang sarili kong hindi na banggitin pa ulit sa'yo ang lalaking 'yon. Nasasaktan din naman ako, Gail." Ngumiti ako sa kaniya. Naiintindihan ko naman kung saan nanggagaling si Pearl--- saksi ito sa lahat ng ginawa sa akin noon ni Antonio. Ang galit ko para dito ay nandoon pa rin--- ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nawala ang pagmamahal sa akin ni Lolo Matencio. I disappoint my grandpa, dahil lang sa mas pinili kong mahalin ang lalaking akala ko mamahalin din ako kung paano ko ibigay ang lahat sa kaniya. Nagkamali lang pala ako at tulad lamang ni papa si Antonio, kung paano nito lokohin si mama noon. Hanggang ngayon, buo pa sana ang pamilyang mayroon kami kung hindi lang nambabae si papa--- kung ano ang ginawa ni papa kay mama 'yon din ang ginawa sa akin ni Antonio. Hindi man lang sila marunong makuntento. "C'mon. I don't want to ruin your party. Ayusin mo na ang sarili mo para makaalis ka na. Susunduin ka ba ng date mo?" tanong sa akin ni Pearl. "Hindi ko date 'yon. Kaibigan ko lang talaga siya," tanggi ko sa kaniya. "Pogi ba 'yan?" Lihim akong napakagat labi sa tanong sa akin ni Pearl. Pogi nga ba si Thunder? Kung wala lang itong kaugnayan kay Don Ignacio--- siguro ang masasagot ko oo, hindi ko naman 'yon makakaila e. Noong nakita ko ito kanina sa unang pagkakataon 'yon na agad ang tingin ko sa kaniya. "Oy nag-blush ka. Pogi no? Ipakilala mo naman ako, malay mo may kapatid, kaibigan o pinsan 'yan?" pangungulit nito sa akin. Napailing-iling akong natatawa. "Ang mabuti pa, umalis ka na at mag-aayos na rin ako." "Huwag magpapagabi, Gail ha. Alam mo naman na hindi safe sa isang katulad mong magpaganda ang gabihin sa daan." "Oo na, mommy. Promise. Uuwi rin ako agad. Kakain lang ako ng lumpia d'on," natatawa kong sabi rito. Humalik muna ito sa akin bago nagpasyang umalis na. Nagbilin pa itong dalhin ko ang maliit kong kutsilyong lagi kong dala sa bag ko. Natutuwa ako kay Pearl. Ramdam ko ang pagmamahal na mayroon ito sa akin. Napasinghap ako sa sarili ko. Siguro nga maswerte talaga ako sa mga kaibigan sa paligid ko. Maliban lang sa pagmamahal ng pamilyang noon ko pa hinihingi mula sa mama, papa at maging sa Lolo Matencio ko. Inis kong binaling ang tingin ko sa kawalan. Kung hindi lang siguro naging sakim ang lolo ni Thunder sa kapangyarihan sana buo pa ngayon ang pamilyang mayroon kami. But no! Kinamkam nila ang lahat-lahat na mayroon ang pamilya ko. Iyon ang sinabi sa akin ni lolo at 'yon ang paniniwalaan ko. Pilit kong tinanggal sa isip ko ang lahat ng naramdaman ko kanina kay Thunder; ang pagiging mabait, pilyo at ang maamong mukha nitong nagpabalik-balik sa kaisipan ko. Ayaw ko ng mag-isip ng kahit na ano pa tungkol sa kaniya--- kung ano ang pakay ko 'yon at yon lang ang dapat kong isipin at wala ng iba pa. Galit ako sa pamilya nila at 'yon lang ang dapat kong maramdaman wala ng iba pa. Pagkatapos ng lahat ng 'to dalawa lang ang hiling ko, ang maging buo ang pamilya namin kasama si mama at papa--- isa na rin siguro sa magiging kahilingan ko kay lolo ay ang ipahanap nito si Antonio. Gusto ko pa rin naman magpaliwanag ito sa lahat ng bagay na ginawa nito sa akin noon, hindi naman ako pumapayag na hanggang doon na lang ang lahat pagkatapos niya akong lokohin aalis na lang siya bigla at hindi na magpapakita pa? Ego ko ang lubos na nasaktan d'on, makita ko lang talaga ito at marinig ang lahat ng paliwanag niya sa akin maayos na ako. Mabilis naman akong magpatawad--- ang kailangan ko lang ay totoo na walang halong pagkukunwari. Bumalik ang kamalayan ko nang marinig ko ang message alert tone ng cellphone ko. [Hi. Ms. Beautiful. Kamusta ka? Okay ka na ba? See you later.] Thunder. Ramdam ko ang pamumula sa pisngi ko, matapos kong mabasa ang text message nya sa akin. Agad ko ring kinurot ang sarili ko sa mga naisip ko. Kakapangako ko lang na walang iisipin kundi ang plano at pakay ko sa kanila--- ngayon heto ako at napapangiti sa nabasa kong text message mula rito. Ewan ko sa 'yo, Abigail. Grow up! Kaya ka naloloko e,' kastigo ko sa aking sarili. Hindi ko na nakuha pang mag-reply dito at hindi naman na dapat pang replayan ito. Ayaw ko rin na humaba pa ang usapan naming dalawa. Ang Lolo Ignacio nito ang sadya ko sa buhay nito at hindi ito mismo--- I mean may part din, but not totally si Thunder lang. Masisira talaga ang plano ko kung hahayaan ko ang sarili ko sa pambobola nito. [Ready na ako. Hinihintay ko na lang ang message mo, para masundo na kita. Hope you will enjoy my company, Gail.] Thunder. Pahabol pang text message nito. Gusto ko man siya replayan pinili ko na lang na huwag. Mas mabuti na rin 'yong casual lang ang pakikipag-usap ko sa kaniya sa ngayon. Baka kasi magtaka rin ito at masira lang ang lahat ng plano ko sa kaniya. °° THUNDER PARAISO | ANG PAGKIKITA NAGTATAKA ako kung bakit hindi man lang nakuhang mag-reply ni Gail sa message ko sa kaniya. Ilang beses na rin akong nagtext sa kaniya at wala man lang reply na kahit isa. Feeling ko naman okay lang 'to at ayaw ko rin isipin na hindi ito makakapunta. Gusto ko man itong tawagan pinigilan ko lang ang aking sarili. Baka maisturbo ko lang si Gail--- iisipin ko na lamang na nag-aayos na ito at naghahanda na para sa pagpunta niya rito. Sapat na 'yong pumayag siya sa imbitasyon ko sa kaniya. Masaya na ako r'on, kuntento na 'ika. Hihintayin ko na lamang ang oras na magpapasundo ito sa akin. Maaga pa naman kung tutuusin, alas-otso ang sinabi kong simula ng party at pasado alas sais la lang naman ng gabi. "Hindi ka pa naka-ayos?" untag sa akin ni Sylvia. Hindi ko man lang ito namalayang nakalapit na pala sa akin. "I'm fine. May susunduin lang kasi akong espesyal na bisita kaya hindi ko pa sinusuot ang suit ko at maaga pa naman, Sylvia," sabi ko rito. Napansin ko kasing nakabihis na ito. Mabuti na lang at nandito si Sylvia--- isa ito sa malalapit na kaibigan ko. I appreciate her so much; siya kasi ang puno't abala sa lahat ng nandito ngayon o kung ano man ang mayroon sa party ni lolo ngayon. "Susunduin? Sino ang susunduin mo?" tanong nito sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Dapat ko bang sabihin sa kaniya kung sino? Ngumiti lang ako sa kaniya bilang tugon. I think she don't have to know about Gail--- though. Makikita niya rin naman ito mamaya. D'on na lang siguro, aniya. "Kilala kita, Thunder." "Huwag mo na abalahin ang sarili mo, Syl. Bisita ko lang 'yong susunduin ko--- one of a great friend of mine." Kinindatan ko siya. Napaismid ito sa akin. "Wala na akong sinabi, Thunder. Ayusin mo na ang lolo mo at baka maya-maya darating na ang mga bisita niya--- imbes na si Lolo Ignacio ang inaatupag mo kung sino-sino na naman 'yang tinatrabaho mo." "Of course not, Sylvia." "Of course you are, Thunder. Para namang hindi kita kilala niyan. Matagal na kitang kilala, Thun. Alam ko kung kailan ka abala sa kung kani-kanino na lang." "She's not somebody!" "E, 'di inamin mo rin." "Wala na akong sinabi pa. Pupuntahan ko lang si lolo." "Go! Ang mabuti pa, kaysa ang makipagharutan ka na naman d'yan." Pilit na ngiti ang tinugon ko sa kaniya. Kahit kailan talaga isturbo 'tong kaibigan kong 'to. Hindi ko nga alam kung bakit ito nagkakaganito tuwing may kausap akong ibang babae. Hindi naman ako nagkukulang ng kahit na anong atensyon sa kaniya kapag may mga bago akong kaibigan sa trabaho ko man o personal kong buhay. Palibhasa bata pa lamang ako kaibigan ko na ito. Saksi na rin ito sa unang kabiguan na mayroon ako sa una kong kasintahang si Hazel--- kung titingnan pala matagal na rin kaming magkaibigan ni Sylvia, dahil kung unang pag-ibig si Hazel noong high school pa lamang ako ganoon din katagal na kaibigan ko ito. Iisipin ko na lang that Sylvia protect me. Sa ganoong paraan mas mararamadaman ko kung gaano kalaki ang ambag nito sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD