GAIL SANTIVEZ | ANG PAGKIKITA NAKAHANDA na ako. Pwedi na akong lumabas sa kung saan man ang usapan namin ni Thunder na susunduin ako nito. Sabi ko nga sa kaniya, sa talyer lang kami ulit magkikita. Kung saan niya ako tinulungan kanina para maging maayos ang gulong ng sasskyan kong sinadya ko talagang butsan para magkaroon ng pagkakataon para mapalapit sa kaniya. kung hindi kasi ako gagawa ng pagkakataon walang mangyayari, alam kong mahihirapan akong gawin ang makalapit sa kanya kung sakali. Tyempo lang talaga at ito rin mismo ang nakahinto sa akin kahit papano. Hindi ko nga alam kung pagkakataon na mismo ang gumagawa ng paraan. Masaya talaga ako sa kinalabasan ng pangyayaring 'yon. At least hindi ako nahirapan lapitan siya at makalapit dito--- sa napapansin ko nga ngayon, ito na mismo

