THUNDER PINAGBUKSAN ko ng pinto si Gail. Halos hindi man lang maalis ang tingin ko sa kaniya. Napakaganda niya talaga. Ibang-iba ang dating niya ngayon kaysa sa unang kita ko rito kanina. Simple lamang ang ayos nito, pero dahil sa mga ngiti niya mas nakikita ko kung gaano ito kaganda. Maswerte pa rin pala ako sa buhay ko at nagkaroon ng isang pagkakataon na may makilala akong katulad ni Gail. Wala naman espesyal sa aming dalawa at sa sarili ko alam kong masyado pa itong maaga. Napailing-iling ako. Masyado yata akong nag-iisip ng kung ano-ano. "Okay ka lang ba? Tumatahimik ka yata," ani sa akin ni Gail. Nilingon ko siyang may ngiti sa labi. "I'm fine. May mga bagay lang akong naiisip, Gail." "Hindi ko na itatanong." "By the way, salamat nga pala sa pagpaunlak mo sa paanyaya ko sa '

