THUNDER NAGMADALI akong lumabas at agad na umibis sa gawi ni Gail para pagbuksan ko ito. "Welcome to our home, Gail," sabi ko sa kaniya. Napansin ko ang pag-ikot ng mga mata nito sa kabuuan ng bahay ni Lolo Ignacio. Marami ng tao sa loob, sa nakikita kong mga sasakyan na nakaparada sa labas malamang puno na ang malaking bulwagan sa ground floor kung saan ginaganap ang party ni lolo. Si Sylvia ang nagmungkahi n'on at ang secretary ni lolo na si Elena. Sinang-ayunan naman ni lolo ang lahat nang hingin nito ang suhestyon niya at ganoon din ako. Wala naman kasi talaga akong naimbag na malaki rito, maliban na lamang ang ginawa ko ang lahat para mahanap ang mga kapatid ko. Sa kasamaang palad wala man lang may nagtangka sa kanilang umuwi at pumaroon para kay lolo. Ilang birthday na rin

