GAIL HINDI ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman; Thunder used to open up me about his ex Hazel. Though—it's my fault also dahil gusto ko naman siyang pakinggan. I kept asking questions din naman about his ex at wala siyang pagkukulang dito. Pero bakit ko rin piniling pakinggan ito? Ano naman ang kinalaman ng nakaraan niyang pag-ibig sa gusto kong mangyari sa pamilya nito? Nonsense at all! Pero wala na nabanggit niya na sa akin ang tungkol sa nangangalang Hazel. "Sorry ha. Wala naman akong planong banggitin siya sa 'yo—bigla ko lang siya naalala." "It's okay..." Putol ko sa iba pang sasabihin sa akin ni Thunder. He don't have to worry naman talaga at ayos lang sa akin. Wala itong dapat ipangamba at bukas din naman ang isip ko tungkol sa nakaraang pag-ibig na mayroon ito.

