Chapter One A Happy Couple
Nagluluto si Lara ng agahan ng kanyang pamilya ng lumapit si Greg sa kaniya. Yumakap ito sa likod ng mahigpit at bumulong “I love you”.
“Aba, ang aga aga ah, huwag muna mangulit, Dad. Nakikita mo ba na nagluluto ako?”natatawang sabi ni Lara kay Greg.
Alam ni Lara na madalas itong gawin ni Greg kahit anong oras o kahit saan. Malambing na asawa si Greg at nagpapasalamat si Lara dahil doon.
Kumalas sa pagkayakap si Greg at tinulungan si Lara na mag hain ng kanilang pagkain sa mesa. Lumabas ng kuwarto ang Ina ni Greg na si Melinda.
"Ma, tamang tama kakain na po,” ito ang bungad ni Greg sa Ina.
“Oh! Tulog pa ba si Gio?” tanong ni Melinda kay Greg.
“Oo,Ma! Hayaan na muna ang bata, andiyan naman si Tiya Laura na magpapakain mamaya pag wala kami.”
Si Laura ay malayong kamag anak nila Greg na kinuha nila upang mag-alaga sa anim na taong gulang na anak na si Gio.
Tapos ng magluto si Lara at umupo na sila sa mesa para sabay na mag-agahan.
“Siya nga pala, Dad. Baka gabihin ako mamaya, may ihahatid kasi akong plano sa bahay ng kliyente, medyo malayo sa Tangalan pa kasi iyon, baka di ako makabalik ng maaga. Pwede mo ko sunduin sa office if ever?”
“Sure, Mommy. Tawag ka lang kung papasundo ka na, may dapat din akong tapusin na monthly report, medyo nahihirapan ako sa encoding, ang hirap pag hindi ka talaga sanay. Mabuti pa yung mga staff ko ang bibilis mag encode sa computer, palibhasa ang babata pa nila. Sa panahon nila nahasa sila sa paggamit ng computer.”
Tumawa si Lara.
“Dad, tanggapin mo na, napag iwanan ka ng panahon, paano naman kasi, kung sana pumapasok ka sa klase mo noon sa computer na subject. Hindi sana nahasa ka din sa encoding, kaso medyo tamad ka lang talaga.”
Tumawa si Melinda at Lara.
“Sang ayon talaga ako, Lara na tamad pumasok itong si Greg, alam mo ba na madalas mag reklamo ang teacher niyan noong elementary na sobrang tamad niyan magsulat.”
“Talaga, Ma? Ibig sabihin, ganyan na talaga si Greg.”
Nagtawanan sila habang si Greg ay parang wala lang reaksiyon.
Natapos ng kumain si Lara at naghanda na ito para pumasok sa opisina. Si Greg naman ay nagligpit ng kinainan nila at naghugas ng mga ito. Sadyang masipag talaga si Greg mula pa pagkabata. Isa ito sa mga mabuting bagay na inibig ni Lara sa asawa. Lagi siyang may katuwang sa gawaing bahay.
Handa ng umalis si Lara ng magising ang anak nilang si Gio. Nilapitan ito ni Lara sa kama at niyapos saglit.
“Good morning, My love.”
Sabay halik sa pisngi ni Gio.
“Alis na si mommy. Kanina pa kita hinihintay magising, pero ang sarap- sarap ng tulog mo, puwede ba malaman, anong napanaginipan mo?” Ito ang malambing na tanong ni Lara sa anak.
Yumakap lang si Gio sa ina at nagsabing.
“Huwag ka na pumasok, Mommy,” malambing niyang tugon sa ina habang lalo pang hinigpitan ang yakap nito.
Ngumiti si Lara at tiningnan ang anak hawak nito ang mga pisngi at kinausap. “If hindi mag work ang mommy. Paano kaya bibilhin ang bike ni Gio? Dad? Paano yun?” ito ang pagkukunwaring tanong ni Lara sa asawa upang hindi malungkot ang anak dahil aalis nanaman silang mag asawa para pumasok sa trabaho.
“Ikaw na pogi ka, kailangan mo na rin bumangon, you eat your breakfast, huwag magpapasaway kay Tiya Laura hah? Mayroon kang pasok mamaya, baka sabihin na naman sa akin ni Tiya na hindi ka nanaman gumagawa ng gawain mo d'on?”
“I won’t, Mommy, I will behave, I promise!” malambing na tugon ni Gio sa ina. Bumangon na ito at lumabas ng kuwarto. Lumapit siya sa Lola Melinda niya, at doon umupo habang nakatulala.
Lumabas nang kuwarto ang mag asawa at nagpaalam na sa anak at kay Melinda.
“Bye my love, I will see you later.” Ang sabi ni Lara.
“Baby, alis na si Dad, wala akong kiss?” Lumapit si Gio at humalik sa ama.
“What about hugs?” Yumakap Gio ng mahigpit.
“Buy me food later, Dad.” Hiling ni Gio.
“Okay. Ang dating favorite?” nakangiting sabi sa anak. Pagkatapos noon ay lumabas na sila ng bahay. Pumasok sa sasakyan na auto ang mag asawa at dumiretso na papuntang trabaho.
Habang nasa daan ay nag uusap ang mag-asawa. Nagkukuwento si Greg tungkol sa buhay ng mga staff niya sa opisina. Malapit si Greg sa mga katrabaho niya, dahil natural ang pagiging palakaibigan niya. Minsan ay napagkakamalan siyang bakla dahil na din sa sobrang lambing magsalita. Lalo na sa mga matanda ay magalang ito. Palibhasa ay bunsong anak at nag-iisang lalaki lang ito.
Maraming bagay ang minahal ni Lara kay Greg, sa loob ng anim na taong pagsasama ay masaya siya na nakatagpo ng lalaking nagmamahal at maalaga sa anak nila. Sa kabila ng maraming babaeng dumaan sa buhay ni Greg, kahit lagpas trenta na ito nag asawa, ay wala naman pagsisisi dahil biniyayaan siya ng anak na hinihintay niya sa mahabang panahon. Tanging si Lara lang ang nagbigay sa kaniya noon.
Si Lara naman ay bente siyete anyos pa lamang ngayon, malayo ang agwat nila ni Greg, kuya na kung ituring ni Lara si Greg noong unang nagkakilala sa Aklan State University. Ilang taon ang iginugol ni Greg sa kolehiyo dahil puro ito kalokohan ng kabataan niya. Pag ayaw niya sumunod sa propesor niya, minamabuti niyang i-drop ang subject at di na papasok.
Naging malaking hamon kay Melinda ang ugaling iyon ni Greg, ngunit di niya sinukuan ang anak. Nagpursige pa din siyang pag aralin ang anak, ayon sa kaniya, mawala man ako balang-araw, alam kong hindi ko piabayaan ang anak ko, dahil may maayos siyang buhay.
Si Lara ay tila anghel na bumagsak kay Greg, dahil siya ay isa sa naging dahilan ng pagpapatuloy ni Greg sa pag-aaral. Noong makilala ni Greg si Lara; isang babaeng mahinhin, malinis ang kalooban, inosente, pursigidong mag-aral. Marahil ang character na iyon ni Lara ang minahal ni Greg.
Ang hindi mapaniwalaan ni Greg na tanging siya lang ang lalaking minahal ni Lara. Hindi tumatanggap ng manliligaw si Lara noong nag –aaral pa, kung kaya ang daming nanligaw na hindi nabigyan ng pag-asa. Tanging si Greg lang ang bumihag sa puso ni Lara. Napaka swerteng lalaki.
Nakarating na sila sa opisina ni Lara.
“I’ll get going, Dad,” paalam ni Lara sabay halik sa asawa.
“Huwag kalimutan kumain sa tanghali okay?” Paalala ni Lara sa asawa.
Bumaba na ito ng sasakyan at pumasok na sa building ng opisina.
Si Greg naman ay tumuloy na dahil ang opisina nito ay nasa bandang New Washington pa. May kalayuan ito sa Kalibo. Isang branch head ng isang kompanya si Greg. Maganda ang takbo ng career niya, at kasundo ang mga katrabaho. Araw araw ay inihahatid niya ang asawa sa tarabaho. Ginagawa niya ito sa halos tatlong taon na mula ng doon siya madistino.
Nag-park ng sasakyan si Greg at bumaba ito. Paglabas niya ng sasakyan ay naroon ang staff niya. Si Tina Altamira, bente sais anyos, may anak, ikinasal sa asawa subalit ito ay nakipaghiwalay, sa hindi malamang dahilan. Naiwan sa pangangalaga ni Tina ang anak, at walang komunikasyon sa asawa.
Sinalubong ni Tina si Greg. “Good morning, Sir. Akin na po ang dala niyo.” Alok ni Tina.
“ Good morning to, Miss. Ako na, huwag ka na mag abala.” Nagpatuloy ng lakad si Greg at sumabay na din si Tina sa kanya. Maya-maya ay bumulong si Tina dito.
“Sir, nasa loob po ang section head ng records, nais kayo makausap.”
“Ah, andito na siya? Papunta na ako pakisabi.”
Dali daling tumungo si Tina sa opisina ng boss at ipinaabot ang sinabi nito.
SAMANTALANG sa opisina naman ni Lara, maaga itong nagbabad sa computer dahil may inaayos na design na kailangan niyang tapusin bago maghapon. Isa itong malaking proyekto na hindi dapat palampasin.
Lumipas ang buong maghapon at tumungo si Lara sa site sakay ang service vehicle ng kompanyang pinapasukan. Kasama niya rito ang boss niya. Maghahatid sila ng design sa kliyente at siya ang siyang mag pepresenta dahil siya ang gumawa nito.
Ginabi ng uwi si Lara at ang boss niya, sa building ng opisina ito bumaba at hinintay doon ang asawa.
Ala sais imedya ng gabi nagsimulang maghintay si Lara. Habang lumilipas ang oras ay maya maya, tinitingnan nito ang oras sa cellphone niya. Naghihintay ng tawag ng asawang si Greg, subalit umabot ng alas syete ay walang Greg na dumating.
Tumawag si Lara sa bahay dahil hindi niya ma contact ang phone ni Greg. Wala doon ang asawa niya. Kaya naman minabuti niyang mag commute na lang upang makauwi na sa anak.
Pagdating sa bahay, sumalubong si Gio sa ina at hinahanap ang ama.
“Mom!” masayang sabi ni Gio.
“Where’s Dad?” ang tanong ng bata.
“Wala pa ba si dad? Bumili siya ng favorite mo,” katuwiran ni Lara para hindi malungkot ang anak. Pumasok ito sa kwarto, nagbihis at dumiretso na sa kusina, para magluto ng panghapunan. Matapos magluto ay kumain na sina Lara, Gio, Laura at si Melinda.
“Lara, bakit wala pa si Greg?” tanong ni Melinda.
“Hindi ko po alam, Ma. Tinatawagan ko hindi naman ma contact, baka nag dinner kasama mga staff niya, uuwi din naman 'yon ma, huwag mo na alalahanin hindi naman umiinom ‘yon,” ito ang siguradong sabi ni Lara sa biyenan.
Lumalim ang gabi, alas nwebe na at nasa loob ng kwarto na ang mag-ina, nanood si Lara at Gio ng pelikula sa laptop nito.
Ito ang bonding moment nilang magpamilya kapag walang assignment ang bata.
Kakarating lang ni Greg ng mga oras na 'yon. Nilapag ang mga gamit na dala, nagbihis, at humarap sa mag-ina. Umupo ito sa tabi ni Lara.
“Kumain na kayo, Mommy?” tanong niya sa asawa.
“Oo naman! Ikaw ba kumain na?” ito ang walang buhay na tugon ni Lara.
Masama ang loob ni Lara dahil hindi man lang siya tinawagan para sabihin na hindi siya masusundo ng asawa. Hindi man lang siya tinanong kung naghihintay siya sa opisina o nakauwi na. Subalit pinili nitong hindi na muna kumibo dahil pareho silang pagod.
Ang sa isip ni Lara.
Saan galling ang asawa niya?