"Arisutoteresu, anata to issho ni iru ano josei wa daredesu ka? (Aristotle, who is that woman with you?)" Napatitig si Joey sa magandang hapon na nakatingin kay Daxx habang pigil-pigil ni Daisuke ang kamay nitong may hawak na vase. Alam ni Joey na hindi naman dapat, pero habang nakikita niya ang magandang babaeng may pagkamiss na tinitingnan si Daxx ay hindi niya maiwasang ma insecure. Nasa may kusina lang naman si Dante at umiinom ng kape na parang walang pakialam sa nangyayari, habang si Daisuke ay bahagyang iritable dahil sa gulo ng bahay nito. "Watashinoie no mono o yogoshi tari kowashi tari suru no wa yamete kudasai, Satoko. (Please stop soiling and destroying things in my house, Satoko.)" reklamo ni Daisuke na agad kinuha ang vase kay Satoko at ibinalik iyon sa lagayan nito. Dere

