Pagbukas ko ng pinto ay nakangiting mukha ni Blue ang sumalubong sa ‘kin. Sa inis ko ay sinuntok ko siya. He groaned in pain. Sinubukan kong patigasin ang sarili ko para hindi makaramdam ng awa sa kaniya. “Ugh! f**k!” aniya at namilipit sa sakit. Nataranta naman ako at nilapitan siya. “H-Hey! Okay ka lang ba?” tanong ko sa kaniya. Nakahawak pa rin siya sa tiyan niya at bumilis ang t***k ng puso ko nang mkitang namutla siya. Mabilis na hinila ko siya papasok sa loob at ni-lock ang pinto at baka biglang magpakita si Ryu. Inalalayan ko siyang makaupo sa couch. “I-I’m sorry,” wika ko. Tiningnan naman niya ako at ilang saglit lang ay hindi na ulit maipinta ang kaniyang mukha. “Sinikmurahan mo ako. Ang sakit,” wika niya. Sa boses niya ay halatang nahihirapan. Lalo lamang ako nakaramdam ng

