“Mukhang kailangan mo ng mag-ingat nang mabuti.” Natigilan ako sa paglilinis ng baril ko at tiningnan si Baduday. “Bakit?” Itinuon ko sa kaniya ang baril at pagod na humikab lamang siya. “Nagsabi sa ‘kin ang asawa mo na may kaklase siyang nagsasabi na masama kang tao,” sagot niya. “What’s new?” tanong ko. “Iba ang pakiramdam ko. masiyado yatang maraming alam ang kaklase niyang ‘yan at kata-transfer lang kaaagd na nilapitan si Lana para balaan sa ‘yo,” wika niya. Huminga ako nang malalim at nginitian siya nang tipid. “I know, don’t worry, minamanmanan na ‘yan ng mga tauhan ko,” sagot ko. “Paano kung malaman ni, Lana ang totoong trabaho mo? Paano kung malaman niya na protector ka ng mga criminal?” usisa niya. “Hindi niya malalaman kung walang magsasabi. Kaso may nakalusot yata. Hay

