“Sumama ka sa ‘kin,” ani Blue. Napalingon naman ako sa kaniya habang sinusuklay ang aking buhok. “Ha?” “May pupuntahan akong party. I want you to be my date,” sagot niya. “Sure ka?” panganglaro ko. Kumunot naman ang kaniyang noo sa naging sagot ko. “Of course! Why won’t I?” aniya. Napangiti naman ako sa kaniya. “I’m not a party goer, alam mo na. T’saka nabubuhay lang ako sa gilid kahit pa gaano kasaya ang party,” wika ko. “I know, kaya nga mas lalo kitang nagugustuhan eh,” sambit niya. “Sus!” Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti dahil talaga namang alam na alam niya kung paano ako pakiligin. “S-Sige,” sagot ko. Nilapitan naman niya ako at niyakap. He’s giving me a back hug. Ramdam ko pa ang pag-amoy niya sa leeg ko. Napapikit naman ako habang nakangiti. “Your smell i

