Nagising ako nang maramdaman ang mainit na kamay na humahaplos sa aking mukha. Pagbuklat ng aking mata ay kaagd na bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Blue. Mabilis na napabangon naman ako at chin-eck ang aking sarili. I looked at him and he’s raising his eyebrows on me. “Mukha ba akong nangti-take advantage habang tulog ka?” tanong niya sa ‘kin. Nahiya naman ako kaya hindi ako nakaimik kaagad. “I can’t trust you,” mahina kong sagot at bumangon na. “I know,” aniya rin kaya natigilan ako. Masiyadong seryoso ang boses niya. I offended him, I’m sure. But it’s the truth. “Ano ba ang dapat kong gawin para bumalik ang tiwala mo sa ‘kin?” tanong niya pa sa ‘kin. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot sa kaniya. Maski ako ay hindi ko alam kung may dapat ba siyang gawin. Umiling naman

