“What the hell?” Napalingon ako at napangisi nang makita si Blue. Kunot na kunot ang kaniyang noo. “Hellow,” bati ko sa kaniya at sinubukan ko pang tumayo pero nanlalambot ang aking paa. “Careful!” aniya at mabilis akong inalalayan. Napahawak naman ako sa mukha niya at napangiti. I blinked twice pero sobrang guwapo niya pa rin. Ngumuso ako at hinawakan ang kaniyang mukha. “I’ll kill you, Debbie!” galit niyang saad habang inaayos ang pagkarga niya sa ‘kin. Naliliyo na ako at parang umiikot na ang paligid. “H-hey!” aniya sa ‘kin nang halikan ko ang kaniyang labi. “Tamis!” saad ko at humagikhik. “You’re safe right now, Kristine Lana. Kiss mo pa nga ako, isa pa,” nakangiti niyang sambit sa ‘kin. Kinilig naman ako kaya hinalikan ko ulit ang pisngi niya. “Now, you have to rest. Mamaya

