Nakahiga lang ako sa kama at pabalik-balik ang sinabi sa akin ni Blue. Huminga ako nang malalim at napahawak sa tiyan ko. Siguro kung hindi nawala ang baby namin baka nakapanganak na ako. Siguro masaya kami ngayon. Ipinilig ko ang aking ulo at tumagilid. “Matulog ka na,” kausap ko sa sarili ko at pumikit na. Kinabukasan ay maaga akong nagising at tumawag kay tiya para magpaliwanag. Ihahabilin ko rin sana ang tungkol sa eskuwelahan subalit nauna na pala siyang i-inform ng eskuwelahan. Mukhang ginawan na ng paraan ni Blue. Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon. Malakas at mukhang galit. Bumaba na ako ng kama at binuksan iyon. Hindi ako makapagsalita nang bumungad sa ‘kin ang galit na mukha ni Debbie. “D-Debbie,” saad ko at alanganing nginitian siya. “Sa tingin mo madadala mo ako

