Sa ilang araw na lumipas ay ang daming nangyari. Naging busy kami pareho ni Blue dahil inaasikaso namin ang kasal namin. Ako ang may gusto na civil wedding lang. Ayaw ko ng grand wedding dahil pareho naman naming alam kung bakit dumating kami sa pontong ganito. Lalo pa at siya naman ang gagastos lahat. Pinaliwanag ko rin sa kaniya na mas magandang iilan lang ang bisita. Iyong malapit lang sa kaniya lalo pa at si Debbie lang naman ang kaibigan ko. Sabihin na lang natin na mataas ang hopes ko sa pagsasama naming ito, pero ganoon din kataas ang takot ko na baka isang araw mauuwi rin kami sa hiwalayan. Sinusubukan ko naman ang sarili ko na makipagsabayan sa kaniya. Alam ko rin naman na hindi ako napipilitan sa kaniya. Oo nga’t dala ng pagkakataon kaya nahirapan ako, pero hindi naman labag sa

