Ilang beses akong huminga nang malalim bago pumasok sa loob ng hall kung saan gaganapin ang civil wedding namin ni Blue. “Ganda mo kaya, huwag kang kabahan,” nakangiting sambit sa akin ni Baduday. Sinubukan ko namang ngumiti at pumasok na nga kami. I gasped in shock seeing his entire family except Hazel. Lahat sila nakangiti sa ‘kin na tila ba sinasabing welcome na welcome ako sa family nila. Lalo na si Debbie na malayo pa lang ay tanaw ko na ang nakakasilaw niyang ngiti. Pakiramdam ko ay may mainit na humahaplos sa puso ko na nagpapangiti na rin sa akin. Blue was there. Waiting for me and his eyes were smiling too. Ngayon ko lang nakitang nagkaroon ng bakas ng saya ang kaniyang mga mata. I can feel my heart erratically beats. Hindi ko maipaliwanag ang saya at kaba na lumulukob sa ‘kin

