Mabilis na lumapit siya sa ‘kin at hinawakan ang kamay ko. Tiningnan ko siya at kahit na naghahari ang galit ko sa kaniya, alam kong mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal. “Alam mo? K-Kaninang umaga...I woke up different. I accepted that life goes on without anyone by my side. Mahal pa rin kita at sigurado akong mami-miss kita, pero alam kong mas mabuting magkahiwalay na lang tayo. So, I’m closing this chapter of pain and betrayal because I know, I deserve to be happy. Makakamit ko lang iyon kapag inilayo ko na ang sarili ko sa toxic na taong kagaya mo,” mahina kong saad. “No, please don’t do this, Lana. Don’t leave me,” aniya. Ni katiting na awa ay wala akong maramdaman. Tiningnan ko siya at mabilis na binawi ang kamay ko. “Para ano pa, Blue? Para lokohin mo ulit? Ang saya mo pa nga eh

